𝙼𝚈 𝙱𝙴𝚂𝚃𝙵𝚁𝙸𝙴𝙽𝙳 𝙳𝙸𝙴𝙳 𝙱𝙴𝙲𝙰𝚄𝚂𝙴 𝙾𝙵 𝙼𝙴

0 0 0
                                    

I have this kind of bestfriend na kong ano ang gusto ko ay gusto rin n'ya.

"Ano ba Kelia, ako ang nauna dito!" inirapan lang ako nito saka ngumuso.

"Gusto ko rin 'yan e, " tugon nito.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang ibigay na lang ito at pumili ng iba.

"Oh ito, sa'yo na!" inis na sambit ko saka inabot ang damit na pinag-aawayan namin.

Gan'yan na lang kami sa tuwing lalabas kami at may bibilhin,  muntikan pang magpatayan kaya minsan binibigay ko na lang sa kan'ya kahit labag sa kalooban.

Ang kaninang nakanguso na mukha nito ay nang ngiti.

"Talaga, ibibigay mo sa 'kin ito?" napatango na lamang ako at hindi na nag-abalang sumagot.

"Mwahhhh, kaya mahal na mahal kita e!" dugtong nito nang mabilis akong niyakap ng mahigpit.

Kumalas na ako sa pagkakayakap at naghanap na lang ng iba.

"Sa susunod naman treat ko, promise," saka malawak na ngumiti nang maka labas kami sa mall.

- -

"Marco, si Kelia bestfriend ko."

"Kelia, ito pala si Marco ang nanliligaw sa akin."

Pag papakilala ko isa't- isa at agad namang nagkamayan.

"So kailan mo balak sagutin si Marco ha, babae." natigilan ako sa pagkain ng magsalita ang bruha.

Alam kong gusto rin ni Keila si Marco. At wala akong ibang magagawa dahil, mahal ko na si Marco.

"Ahm, secret." tugon ko na lamang.

Tumingin ako sa dalawa na kanina pa nagtitigan. Anong meron sa kanila? Dalawa na ba sila?

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko na nakapag pabalik sa kanila.

"mag ccr lang muna ako" pamamaalam ni Kelia kaya tumango na lamang ako.

"Kailan mo nga ba ako sasagutin?" napabalikwas ako ng tingin kay Marco na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Uhm pag iisipan ko muna," tugon ko saka ngumisi. Syempre surprise na lang.

Nagpa alam rin muna akong mag ccr lang dahil hindi pa bumabalik si Kelia.

Agad kong tinungo ang cr at saglit na tumigil sa paglalakad ng makarinig ako ng mahihinang hikbi.

"Kelia? Ikaw ba 'yan?" tanong ko saka unti-unting pumunta sa cubicle na kong saan naroroon ang umiiyak.

"Kelia, ba't ka umiiyak. May masakit ba?" tanong ko rito ng makumpirmang si Kelia ang narinig kong umiiyak.

"Bitawan mo ako! Lahat na lang ba, kukuhanin mo?" tanong nito na ikinataas ng kilay ko.

"Ano ba ang sinabi mo Kelia!" tugon ko saka pinaharap ito.

"Lahat na lang ba, pati si Marco?" tanong ulit nito habang nakatingin sa akin. Ngayon ay naiintindhan ko na ang sinasabi nito kanina.

Nabitawan ko ito dahilan para mapaupo sa sahig.

"Kelia naman! Diba sinabi ko na sayo tungkol rito. Lahat nga ng gusto ko binibigay ko sayo. Tapos ngayon ano! Balak mo pang kunin si Marco. Kelia, sawa na rin ako sa ganito sa tingin mo ba hindi masakit sa akin na gan'on-gan'on lang ha." bulalas ko rito habang tumutulo ang luha ko.

Kung dahil lang sa lalaking pinakamamahal ko kapalit ng kaligayahan ng Bestfriend ko, wala akong balak ibigay.

Lahat na lang ng gusto ko, sa kan'ya na pupunta pero huwag naman sana ito. Dahil ayoko, ayokong masaktan.

"Sorry, hindi ko alam na gan'yan pala ang nararamdaman mo. Sorry, pero please huli na ito. Ibigay muna sa 'kin si Marco, nagmamakaawa ako," umiiyak na usal nito habang nakaluhod sa'king harapan.

Pinunasan ko muna ang mga luhang tumulo saka tumingin rito. "Kung 'yan lang ang gusto mo, hindi ko maibibigay. Kalimutan mo na lang ako, ang pagkakaibigan natin kesa ibigay ko sayo ang hinihiling mo," malamig na tugon ko saka lumabas.

Lumabas na rin ako sa restaurant, na agad naman akong sinundan ni Marco.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, at gawin ng Bestfriend mo ikaw pa rin ang pipiliin ko, " sigaw nito mula sa aking likuran.

Kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap ito. "Alam mo?" tanong ko rito. Lumapit ito sa akin at pinagtapat ang kan'yang ulo sa ulo ko.

"Narinig ko lahat ng pinag uusapan n'yo kanina. Pangako, ikaw ang pipiliin ko kahit anong mangyare," nakangiting sambit nito kaya niyakap ko nang mahigpit.

Ilang buwan rin ang nakalipas ng sinagot ko si Marco. At nang mabalitaan na nag suicide si Kelia dahil sa 'kin, sa 'ming dalawa ni Marco.

Yes. She suicide, because the man I love, chose me over her.

𝙱𝚈:𝑱𝑨𝒀𝑨𝑵𝑵𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬_

One Shot Stories Where stories live. Discover now