𝚈𝙾𝚄 𝚂𝚃𝙰𝚈 ,𝙸 𝙻𝙴𝙵𝚃

0 0 0
                                    


In bad and good times, I promised to stay.

Dahan-dahan akong lumingon sa 'king likuran at nakita ang isang pamilyar na lalaki, " Zack?"

Bahagyang tumaas ang gilid ng aking labi nang makonpermang ikaw 'yon, "Ikaw nga! Bakit ka pala andito,'di ba nasa abroad ka?" ngumiti muna ito saka tumango-tango.

"Actually, kakabalik ko lang kagabi. Pupuntahan sana kita sainyo at sakto namang nakita mo ako e," napakamot pa ito sa ulo na ikinatuwa ko.

Aaminen ko sobrang saya ko ngayon dahil bumalik s'ya.

Mahina ko itong tinulak saka nginitian, "Sus, kamusta ka pala? Balita ko may girlfriend kana? Ikaw ha," panunukso ko rito.

"At saan mo naman 'yan nakuha? Hanggang ngayon pala napaka chismosa mo! Alam mo namang hindi ako maghahanap ng iba e," tugon nito sabay kurot sa pisnge ko.

"Arayy ko Zack! Isa pa, sisipain nakita d'yan!" sigaw ko rito at akmang hahampasin nang hawakan nito ang kamay ko at hinila papaalis sa lugar na 'yon.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin? At saglit -"

"Ang ingay mo talaga"

"Aba ako pa ang maingay ikaw nga itong nanghihila big-"

"Tatahimik ka o tatahimik ka?" seryosong sambit nito.

Matalim na tinitigan ko lang ito na ikinatawa n'ya, pshh wala namang nakakatawa d'on. Inirapan ko lang ito saka tumingin sa side mirror. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin, wala naman sigurong balak na masama ito.

Ilang minuto lamang ay napansin kong tumigil ang sasakyan, binuksan ko ang bintana ng kotse. "Bahay?" gulat na tanong ko. Tumango lang ito saka naunang lumabas ng sasakyan. Hindi man lang ako pinag-buksan.

Lumabas na rin ako saka sumunod sa kan'ya, "Anong gagawin ko rito? At bakit mo ako dinala rito sa bahay n'yo?"

"Don't ask to many question, please." malamig na tugon nito. Huminto ako sa paglalakad at tumalikod. Aalis na lang ako rito kung ayaw n'yang sabihin. Binilisan ko ang paglakad saka huminga ng maluwag nang tuluyan akong nakalabas sa bahay.

Agad akong pumara ng taxi at umalis sa lugar na 'yon. Napatingin ako sa likuran ng may sumus-unod na sasakyan. "Sasakyan 'yon ni Zack ha, bakit n'ya ako sinu-sundan ah sabagay umalis pala ako kanina."

Maya-maya pa ay agad ko ring narating ang aking pupuntahan. Sa mall. Ang sasakyan na kanina pa sumu-sunod sa akin ay huminto. Kaya malamang nakasunod na 'yon sa akin." Ano ba ang balak n'on! "

Napakamot na lang ako sa ulo. Luminga-linga ako sa paligid ng makita si Zack na nakatayo habang ang mag kabilang kamay nito ay nasa kan'yang bulsa at matalim na nakatitig sa akin. Sabi ko na nga ba sinu-sundan n'ya ako.

"Bakit ka ba andito, sinu-sundan mo talaga ako?" nakapamewang na tanong ko sa kan'ya.

Hinawakan nito ang kamay saka hinigpitan ang pagkakahawak, "Bakit bigla kana lang umalis sa bahay kanina ha? Buti na lang at may nakakita sa 'yo!" madiin na bulong nito.

Mahina ko itong itinulak saka sinamaan ng tingin, "Nagtatanong ako pero hindi mo ako sinagot, saka ano ba ang gagawin ko doon? Tatayo, uupo?" sigaw ko halos tignan kami ng mga taong dumadaan.

Muli ako nitong hinila papasok sa mall. Biglang itong tumigil saka niyakap ako ng mahigpit, "May sumu-sunod sa 'yo, gusto ko man sabihin sa 'yo ngunit naunahan ako ng takot. Andito lang sila sa tabi-tabi kaya mas maganda kung makikisama ka sa akin. Para rin ito sa kaligtasan mo," bulong nito.

Hindi ko magawang mag-salita. Hindi kaya—, "Kung iniisip mo na kagagawan ito ng kaibigan mo, oo tama ka!" tama ang hinila ko s'ya nga. Binantaan n'ya ako noon, na kapag may nakakita sa amin ni Zack na mag kasama o nag-uusap papatayin n'ya ako.

Kumalas ito saka tinignan ako, "Huwag ka mag-aalala hindi ko hahaya—," isang malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw. Randam ko rin ang pagkirot sa aking likuran at ang unti-unting pagkatumba.

"Siliii!No, please kaya mo 'yan!"pilit akong ngumiti saka hinawakan ang pisnge nito," It's okay, it's my job. Hindi na muli ako magpapakahirap na b-bantayan ka at manmanan ang mga kilos mo, "umubo ako na may kasamang dugo. Nakataas lamang ang kilay nito.

" What do you mean, minaman-mananan? "Ngumisi ako saka tinignan ito sa mata." Oo, I'm a agent, a secret agent. At ang m-mission ko ay manmanan ka! Ikaw ang anak ng mga taong pumatay sa magulang ko, " pilit akong ngumiti kahit na tumutulo ang aking luha.

Noong nalaman ko na pagbabataan ang pamilya na patayin s'ya tinanggap ko ang trabaho. Ngunit kasabay rin n'on noong natangnggap ko ang mensahe ng kaibigan ko na papatayin rin n'ya ako. Hindi ko 'yon iniisip, nakatuon lang ang atensyon ko sa pag manman kay Zack.

"Thank you for saving me, hindi ko alam na ikaw 'yon. Edi sana nakagawa ako ng solusyon, sorryyy Sili!"

Tinignan ko ito saka unti-unting nakakaramdam ng antok at pag bigat ng talukap ng aking mata, "It's okay, m-mahal kita, paalam."

--

Sa malayuan kita mo ang mga taong nakasuot ng itim na damit, kita ko rin si Zack na nakatayo lamang sa malayo habang pinapatapos ang aking libing— libing ng iba.

Palabas lang lahat ng nangyaring 'yon, "Sorry Zack pero ang dapat kung gawin. Huwag ka mag-alala dadating rin ang araw na malalaman mo ang lahat," mahinang sambit ko.

Tumingin ako sa aking likuran ng kalabitin ako ni Sean, kuya ko na agent din. Tumango lang ako saka muling ibinaling ang tingin sa mga taong nasa burol. Tumalikod na ako at pumasok sa itim na sasakyan.

" Kaya mo 'yan bunso, matatapos rin ang lahat ng ito, pwede na kayong magkasama," pilit akong ngumiti saka tumingin sa harapan.

"Kaya ko ito"

𝙱𝚈:𝑱𝑨𝒀𝑨𝑵𝑵𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬_

One Shot Stories Where stories live. Discover now