𝙸𝚃 𝚂𝙷𝙾𝚄𝙻𝙳 𝙱𝙴 𝙼𝙴

0 0 0
                                    

"Love sa susunod family picture naman natin ang makukuhanan natin." my boyfriend said while holding a camera.

Parehas kase kaming photographer. Ngumiti ako saka tumango. "Oo naman. Pangarap ko kaya 'yan," tugon ko.

Bumalik na ako sa aking pwesto upang kuhanan ang susunod naman na magpapapicture. "Next." rinig ko na usal nito.

"1,2 and 3"sambit ko saka nagsimulang magflash ang aking camera. Nakakapagod talaga ang araw na ito. Mabuti na lamang at day off namin bukas.

" Love, uwi na tayo," yaya nito kaya inayos ko na ang gamit ko bago lumabas sa building na 'yon.

"Naiinggit ako sa mga magpapamilyang may picture. Lalo doon sa isang costumer ko kanina. Ah sana gan'on rin tayo." pambabasag ko sa katahimikan saka ngumiti abot hanggang tenga.

Iniharap ako nito at pinag pantay ang aming mukha. "Magkakatotoo 'yon, balang araw ay magkakaroon din tayo ng family picture. Okay." saka mabilis na hinalikan ang aking noo.

"Tara na nga, baka kong mapano ka pa d'yan." pambibiro nito saka mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

Sobrang swerte ko sa kan'ya. Pero hindi ko alam na darating ang araw na lahat ng pangako nito ay parang bula na lamang.

- - - -

"Okay next." sigaw ko saka muling tinignan ang kinuha kong picture ng huli kong costumer.

"Oh ate kayo pala. Sino ang kasa—Rico ikaw pala." pagpapatuloy saka ngumiti ng peke.

Maging sila ay gan'on rin. Halos hindi ako makapokus kakakuha ng litrato habang magkasama sina ate at ang ex boyfriend ko.

"1,2, 3."bilang ko bago pumindot at magflash ang ilaw ng aking camera, "Okay na."

"Thank you Cloe, dahil pinayagan mo kaming ikaw ang kumuha ng pictures namin." yinakap ako nito saka ngumiti.

Ngumiti lamang ako ng peke saka tumango. Dina ako nagsalita dahil sobrang sakit nang nararamdaman ko.

"Mauna na ako, may gagawin pa kase ako. Congrats uli sainyo." palusot ko kahit wala naman akong gagawin.

Dahil ang totoo n'yan ay mas lalo lamang akong masasaktan kapag andoon pa rin ako sa harap nila at nakikita silang masaya.

Ate and my ex boyfriend both cheated on me. Pero wala na akong magagawa, doon sila masaya habang ako ay Unti-unting nilalamon ng kalungkutan.

"Kami sana ito kaso inagaw mo lang." pinipilit ko na hindi umiyak kaso inunahan ako ng mga luhang sunod sunod na pumatak.

Pinatay ko na ang camera pati na rin ang litrato nilang kinuha ko kanina. Inayos ko na rin ang sarili ko bago lumabas.

𝙱𝚈:𝑱𝑨𝒀𝑨𝑵𝑵𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬_

One Shot Stories Where stories live. Discover now