Prinank ko ang Bestfriend ko na nasa Hospital Ako.
Dahil bored ako ay naisipan kung iprank ang bestfriend ko.
"Hello, ikaw ba si Hazel? 'yong nagmamay-ari kase nang cellphone na ito ay dinala sa hospital. Naaksidente kanina." chat ko sa kan'ya habang himahagikgik sa naisip na kalokohan.
"Ha? Saan pong hospital? Anong oras po s'ya na aksidente?" sunod sunod na tanong nito, saktong may naibalitang may naaksidente sa lugar namin.
"Tignan mo ang balita ate," Ibinigay ko rin sa kan'ya ang adress ng hospital.
"HAHAHAHA haysttt, paano pag pupunta talag s'ya?" tanong ko sa sarili ko.
"Hayaan muna" dagdag ko pa saka pinatay ang data ng cell phone ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas ng mapag pasiyahan kung buksan upang tignan kung nagreply na ba ito.
Ngunit gan'on na lamang ang gulat ko sa nabasa ko. "Ako nga rin e, nasa hospital nag aagaw buhay dahil nasagasahan ako Kakamadali papunta sayo kase akala ko totoo. Ngayon tumingin ka sa likod." nanginginig akong tumingin sa aking likuran habang tumutulo ang aking mga luha.
"Hindi ito maari," mahinang sambit ko habang tumingin sa aking likuran.
"Kristlyn!" sigaw ko nang makita ang katawan nitong sugatan at duguan habang naka hawak ng kutsilyo.
"Ito ba ang gusto mo? Ang mamatay ako?" galit na sigaw nito saka hinawakan ang mag kabilang balikat ko.
"H-hindi g-gusto k-ko l-lang n-naman n-na I-prank k-ka e. Hindi ko alam na gan'yan pala ang mangyayare sayo, " nauutal na pagpapaliwanag ko sa kan'ya.
"Pero nangyari na! At buhay mo naman ang kukunin ko!" galit na sigaw nito saka ibinaon ang kutsilyo sa dibdib ko.
"Jea! Jea" Rinig ko na bumukas ang pintuan saka lumabas ang ate kung nagsisigaw. Tinignan ko lang ito saka ngumiti habang dahan-dahang bumagsak sa 'king kama.
Tumingin lang ako kay Hazel na ngayo'y nakangiti sa 'kin.
Isang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Hazel ngunit walang araw ang hindi ako nito minumulto ang aking isipan dahil sa 'king ginawa. At ngayon ay pagod na ako, hindi na kaya ng konsensya ko kaya tinapos ko na ang sarili ko.
"Tara na jea!" inilahad nito ang kan'yang kamay. Tumayo na ako sabay kaming naglakad papunta sa nakakasilaw na liwanag.
𝙱𝚈: 𝑱𝑨𝒀𝑨𝑵𝑵𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬_
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryI just going to publish it here, all of my one shot story.