𝚃𝙷𝙴 𝙶𝙸𝚁𝙻 𝙸𝙽 𝚆𝙷𝙸𝚃𝙴

0 0 0
                                    

"This way sir! Here's the flashlight, mas madilim sa loob kesa dito sa labas." kaya tumango na lamang ako at kinuha ang flashlight.

I'm a police investigator. At ngayong gabi ay iimbestigahan ko ang nangyaring patayan dito kagabi.

"Sir, Come here I will show you something," pantatawag sa 'kin nang kasama ko kaya dali akong pumunta r'on.

"What is it?" tanong ko.

"Uhmm, sir nakikita mo 'yon?" at itinuro ang mga kagamitan na nagkalat sa gilid nang pader.

"Kuhanin n'yo ang pwedeng magamit natin para sa kaso at para na rin sa imbestigasyon natin, " utos ko saka pumunta sa ibang bahagi nitong lugar.

Isa itong sikat na pasyalan noon kaso dahil sa hindi magagandang nangyayari ay ipinasarado ito. May nagsasabi rin na may naririnig silang iyak, yapak, at tinig nang isang babaeng humihingi nang saklolo.

"Shittt!" mura ko dahil sa mga maalingasaw na amoy ng patay na daga.

Ilang minuto akong naglilibot nang marinig ko ang isang iyak nang babae kaya dali dali ko 'yun pinuntahan. Hikbi, iyak, at lumalakad pa ito, may sinasabi rin ito na parang humihingi ng tulong o hustisya sa kan'yang pagkamatay.

"Who's there? May tao ba r'yan? Wag kang matakot isa akong pulis, " Sigaw ko. Napatigil ako sa aking kinatatayuan nang mahagilap nang aking mata ang isang babae.

Isang babae na nakasuot pang kasal. Sa tabi nito ay ang mga gamit sa photoshoot.

"K-Keixa!" bigkas ng bibig ko.

Nakatalikod ang babae ngunit nakakasigurado ako na si Keixa ito dahil sa kan'yang suot pati na rin ang ayos nito at ang mga pangalan na nakasulat sa pader.

"Keixa! Ako ito,si Kyrie, " pag-uulit ko kaya humarap ito. Sunod sunod na bumagsak ang mga kuha sa'king mata nang maalala ang nangyari.

Lagi namin itong pinuntahan ni Keixa hanggang sa dumating na rin ang araw na dito na rin kami kumuha ng litrato para sa kasal namin. Ngunit sa kasamaang palad ay nabaril s'ya na sanhi nang kan'yang pagkamatay.

Ito rin ang rason kung bakit ako naging police upang imbestigahan ang nangyaring pagkamatay nang pinakamamahal ko na si Keixa.

"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo. Matatahimik rin ang kaluluwa mo love, pangako 'yan, " mahinang usal ko. Ramdam ko na may humawak sa'king likuran at hinahagod ito.

"Thank you love, " Rinig ko ang magandang tinig nito kasabay ang pagbagsak ng mga luha sa 'king mata.

One Shot Stories Where stories live. Discover now