Nakakunot ang noo kong tinignan ang kapatid ko sa tumingin sa labas kong saan ang itinuturo nito.
"Wala naman ah, saka alas dos na nang umaga sino naman ang magtatangkang lumabas ng ganitong oras! "bulyaw ko rito.
Hindi na ito nagsalita at umupo na lamang. Hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok, gan'on rin s'ya. Hindi ko alam kung bakit nagigising kami sa tuwing sasapit ang alas dose.
" Hoy, matulog kana! "sigaw ko sa kan'ya. Tinignan lang ako nito habang nakataas ang kan'yang kilay.
" Hindi pa ako inaantok, mauna kana," malamig na tugon nito. Dahil sa sobrang bored ko ay naisipan ko munang mag cell phone tutal tapos ko na rin ang ginagawa ko.
Scroll lang ang ginagawa ko hanggang sa mabasa ko ang isang post. "Huwag kakausapin si Siri kapag alas tres ng madaling araw, dahil bibisitahin ka ng demonyo," malakas na basa ko.
Dala ng kuryosidad tutal mag aalas tres na rin, why not diba? Wala namang mawawala kong susubukan.
"Hi Siri." sambit ko saka tumingin sa paligid. " It's demon hours, a devil will come to you" reply nito na ikinakaba ko.
Magsasalita na sana ako ng bigla itong nagback pati na rin ang biglang paglitaw ng message ng kaibigan ko.
"Tol, tara labas tayo susunduin ka namin, inuman tayo, " basa ko na ikinatawa ko. Seryoso, ganitong oras? Ba't naman sila mag aaya gayong maaga pa ang pasok namin bukas.
Napatingin ako sa kapatid kong ngayon ay mahimbing na natutulog kaya nahiga na rin ako sa kama ng makaramdam ng antok.
Hindi ko na rin sila nireplayan, bahala sila d'yan.
Muli kong iminulat ang aking mata ng biglang may nag door bell. Kaya kumunot noo akong bumaba at pinagbuksan ito.
"A-anong g-ginagawa n-niyo d-dito?" nauutal na tanong ko sa mga kaibigan ko na nakangisi.
"Tara na tol, inuman na, " muling sambit nito saka hinila ako palabas ng bahay at dali - daling ipinasok sa loob ng sasakyan dahil alam nilang hindi ako papayag.
"Punyetang mga demonyong kaibigan"
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryI just going to publish it here, all of my one shot story.