Kabanata 17

9.6K 299 9
                                    

"Kael, ako na.." I told when I saw him picking up the sleeping Coen at the backseat.

Ngumiti siya at binuhat ang anak ko. I sighed and let him do that since I need to get our things. Dinaluhan kami ng mga kasambahay nila na naghihisterya dahil nakita nila ang among matagal nang hindi nasisilayan. Kael mentioned that he flew to California when he was still 10 so he never got to see this house again for many years.

Ngumiti ako sa mukhang mayordoma nila. Nasa likod namin ang bodyguard na pinadala ni Daddy sa amin. Hinalili nila ang maleta namin ni Coen na hawak ko, hinayaan ko naman.

"Naku! Ang laki mo na, Sir!" naiiyak na sabi ng pinakamatanda. "Kumusta si Ma'am Maureen? Noong nakaraang buwan pa siya nakatawag pero hindi pa din ako makapaniwala! Sus maryosep!"

Ngumiti si Kael at inalalayan ako. Inayos ko ang umaangat na damit ni Coen. He was sleeping tight on Mikael's shoulder. He was really tired and very excited that's why he almost stayed up last night. Sa plane ay makulit at walang humpay ang tanong kaya ngayon, ayan, bagsak.

"This is Zhianela, Manang, and Coen." he introduced. "Dito po muna sila tutuloy.."

"Naku! Oo, nasabihan na kami ni Ma'am Maureen." the maid smiled sweetly at me. "Hindi naman nasabi ni Ma'am na ganito pala kaganda ang napangasawa mo."

Nagkatinginan kami ni Kael at sabay tumawa. Napailing na lang ako.

In Cali, everyone really assume that he is the father of my child and at the same time, my husband. Tita Maureen thinks its fine but I don't think so. I would deny that, pero nakakapagod din magdeny dahil sa dami ng nagtatanong kaya hinahayaan ko na ang iba.

Besides, Kael is a father figure to my child too. I'm actually glad he's here. Pakiramdam ko kasi napupunan niya ang kakulangan ng ama ni Coen.

"Mama.." Coen cried and started searching for me.

Natigil ang pagtatanong ng mga katulong dahil doon. Mikael hushed him down.

"Sige, hija, ipahinga mo muna sa itaas. Nakahanda na ang kwarto niyo doon!"

"Thank you, po.."

Sinamahan ako ni Mikael sa taas. Malaki ang bedroom at malinis nga. I saw Kael's luggage there so I stopped. Tumaas ang kilay ko at itinuro ang mga gamit niya. Natigilan din siya doon.

"Oh, shit." magaspang siyang tumawa. "Pasensya na. Ililipat ko na lang 'yan sa guestroom."

I smiled, "Thanks for letting us stay here, Kael. Pati na din sa pagsama sa amin kahit hindi na kailangan.."

"Its okay. I also need to work on our businesses here." he smirked. "You should rest. This was a long day for us."

Tulala ako nang iwanan niya ako sa kwarto. I closed my eyes and went to the bedside to stare at my son. He was snoring a little and looked so cold with his eyes closed, as usual. Hinaplos ko ang kamay niya at kinagat ang labi ko.

I'll find a way to find him, Coen. Susubukan kong kayanin para sayo. Even if it hurts.. a lot. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya. Would he like it? Tatanggapin niya ba si Coen? I mean, its okay if he can't accept me, hindi iyon ang plano ko. I just want him to know that his child is existing in this world.

Maybe.. kung ayaw niya, aalis na lang kami. Just continue living in California and forget everything, then. Kung hindi niya matanggap, kung hindi matanggap ng pamilya niya.. masakit pero anong magagawa ko?

But what if he wants his son? Paano kapag napagdesisyunan niyang kunin ang anak ko sa akin? Suminghap ako at nakaramdam ng takot. I can't. Hindi ko alam kung papaano ako kapag wala si Coen. If that happens then I'd just probably run back to California.. I don't know.

Run, Zhian (EL VICENTE SERIES #2) COMPLETED Where stories live. Discover now