Tama na. (Tagalog)

187 5 0
                                    

Nasa part na ako ng buhay na...

Hindi ko na maintindihan ano ang meron.

Masakit isipin na.. Oo madami akong kaybigan, May pamilya... pero mag isa pa din ako.

Mag isa kasi hindi ko magawang mag kwento sa kanila. Kasi alam ko na may sarili na silang problema at pinag dadaanan at ayaw ko ng dumagdag pa.


Masakit isipin na madaming tao sa paligid ko pero parang ni isa hindi ako nakikita.

Para lang akong isang hangin na nilalanghap pag katapos ibubuga din.


Gaano kaya kasarap maging masaya na hindi kalungkutan ang kasunod?
Kasi ganon naman lagi. Saya at lungkot laging mag kasunod. Kung minsan parang puro lungkot nalang wala ng kasayahan.


Masakit isipin yung pilit mo silang iniintindi pero bakit sila hindi kanila magawang intindihin?


Susuko na ba ako? Lagi kong tanong sa sarili ko pero pilit parin akong bumabangon.
Namamagasang, baka mamaya, bukas, o sa mga susunod pang araw maintindihan din nila ako.


Wala na ba akong halaga?
Isa na ba ako sa mga disposable na bagay sa mundo na pag katapos gamitin itatapon nalang?


Saan ako lulugar?
Kung maski ang mga taong mahalaga saakin hindi ako pinapahalagan at binabali wala nalang ako.

Napaka sama kong tao.
Yan laging pumapasok sa isip ko kasi parang wala na akong tamang ginawa.

Buti pa sila.
Buti pa sila masaya at may nag papahalaga sakanila.

Ang dami dami ko ng pinag daanan na ako lang ang nakaka alam kung hindi ang diyos.



Lumaki ako sa mundong iniwan at hinayaan akong mag-isa.

Kaya kong mapadpad kung saan saan kahit mag isa lang ako.
Nasanay akong walang pinag sasabihan ng problema ko.
Nasanay akong nakakarinig ng mga panget at masasakit na salita mula sa mga pinaka mamahal ko.


Siguro napaka materialistic ko ng tao sa dami kong gusto

Gusto ko din ng attention.
Gusto ko din ng pagmamahal.
Gusto ko din ng importansya.
Gusto ko ako naman yung pakinggan niyo.


Kasi ang sakit sakit sakit na...

please lang po... tama na.

2019

-secretroad~

Just Here.Where stories live. Discover now