iv.ii

5 3 0
                                    

24 HEARS BREAK UP CHALLENGE PART 2: MAID OF HONOR

Kasalukuyan akong naghahanda para makapaunta sa kasal.

Nagmake-up ako at nag-ayos nang sobra.

I just received an wedding invitation.

And guess what? sa kasal pa talaga ng bestfriend ko at ng ex boyfriend ko.

Bakit ako inimbitahan? I am the maid of honor.

They made me look like stupid pero okay lang masaya naman ako para sa kanila.

"Oh bes nandito kana pala?" ani Macy.

"Oo bes naghanda ako e," sagot ko naman.

"Ang ganda mo ngayon bes bagay sa'yo," wika niya.

"Halika na maghanda na tayo, tumutunog na ang bell," wika ko.

Tumunog na ang bell kaya puwesto na kami.

Nagsimula nang maglakad si Macy with her white-silked wedding gown.

Habang ako naglalakad sa likod niya.

Lagi nalang ba akong pangalawa.

Hindi ba dapat ako ang nasa harap at siya ngayon ang maid of honor.

---

"May you now kiss your bride," wika ng pari.

Dahan-dahang hinalikan ni Levi si Macy.

Habang ako nadudurog, nagdudusa.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Natapos ma ang kasal pero may party.

Kaya pumunta ako.

Nagsimula na ito naroon ang lahat, silang lahat.

"Bes, Sydney ikaw na ang magmemessage," wika ni Macy.

Tumango lang ako at tumayo sa harap ng lahat habang hawak ang mike.

"Uhm, first of all congratulations to newlyweds," wika ko.

"Go bes kaya mo 'yan," naramdaman ko ang insensitivity ni Macy.

Ngumiti ako at nagsimulang magsalita.

"Nasa harapan niyo akong lahat bilang maid of honor, sa kasal nina Macy at Levi, ang bestfriend ko at ang ex-boyfriend ko," nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Ako lang naman ang naging tulay sa kanilang dalawa, dahil hinyaan ko nalang sumaya sila, dahil doon naman talaga ako magaling, sa pasayahin ang mga taong sinasaktan ako,"

"Macy, 7 na years tayong magbestfriend hindi ba? pero bakit nung niligawan ka ni Levi kaagad mong sinagot kahit na alam mong kami pa, kahit alam mong challenge lang 'yon?" dagdag ko.

Tinignan ko ang mga mata nilang dalawa, kitang-kita ang panlulumo sa kanilang mga mata.

"Ikaw Levi, puwede mo namang sabihin sa'kin kung ayaw mo na, hindi yung papalitan mo nalang akl sa mismong taong sinasandalan ko pa, masakit sobra."

"Lastly, congratulations ulit, may you be inlove forever," wika ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. "Siya nga pala, ninang ako sa panganay na anak niyo ha?"

Ngumiti ako saka umalis.

Because of that challenge my boyfriend and I broke up, and now he married my bestfriend and I am the maid of honor.

SHORT SAD STORIESWhere stories live. Discover now