ANG PAG-IIBIGANG HINDI NAPBIGYAN NG PAGKAKATAON.
Hindi naman ako kagandahang babae pero maraming nagkakagusto at nanliligaw sa akin.
Wala akong sinagot ni-isa dahil napaka strict ng parents ko.
But this suitor made my feel the butterflies that I have never felt before.
Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa bahay, may dalang bulaklak.
"Puwede ba kitang maging binibini, sa hirap at ginhawa maging sa kabilang buhay?" wika niya.
Nangilabot ako sa sinabi niya, na parang nabuhay na siya noon pa man. Napakaclassic ng pagbigkas niya sa bawat salita.
"Sinong kausap mo, anak?" tanong ni Mama.
"Manliligaw ko po Ma," kaagad ko namang sagot.
"Nasaan siya anak?" tanong uli ni Mama.
"Sa likod ko po ma."
Nang ituturo ko na siya ay...wala na siya.
"Baka umalis na po siya ma," wika ko.
"Ano namang yang hawak mo?" ani Mama.
"Mga pulang rosas po Ma," sambit ko naman.
"Anong rosas? mga tuyong rosas yan anak ah," winika ni Mama.
Nagtaka ako nang tignan ko ang mga pulang rosas ay tuyot na ang mga ito.
Days passed hindi nagparamdam si Pepe. Pepe ang pangalan niya.
Nang makita ko siya ay nakatayo lamang siya habang napaliligiran ng armadong mga sundalo.
"Isa. Dalawa. Tatlo." saka ko narinig at nakitang ang mga putok ng baril na tumatama sa kanyang katawan. Bago siya binaril ay humarap muna siya at ngumiti sa akin.
"Mahal kita, Josephine." bulong nito sa hangin.
Ako si Josephine Bracken.
Pagmamahalan man nami'y wala sa panahon, mananatili ito sa aming mga puso.
"Hanggang sa muli, aking minamahal na Joze Rizal," wika ko saka tumulo ang mga luha sa aking pisngi.