15

116 0 0
                                    

Past


Ilang linggo na rin kaming abala sa training, we focused on learning and improving ourselves para maging worth it naman iyong certificate na matatanggap namin pagkatapos ng isang buwan.

Masarap kasi sa pakiramdam pag alam mong may natutunan ka pagkatapos ng lahat ng pagsubok at paghihirap. Iyon ang mas fulfilling. Hindi ko na rin masyadong inaalala iyong nangyari saamin sa coffee shop, iniiwasan kong isipin kasi hindi rin naman makakatulong iyon lalo na at madami pa akong mas importante at kailangan na asikasuhin sa training.

"Nandito na ako sa lobby. Saan na kayo?" tawag ni Ruth.

"Sis, chill naman. Nasa parking na kami." si Hither. Sa hotel iyong venue ng birthday party ni Lincoln. Kakatapos lang namin sa training at agad din kaming nagbihis para sa party. I just wore my white bodycon dress for the dinner.

"I'll end the call na, nasa elevator na kami. See you!"

Nakapasok na rin kami at umupo na. Hindi pa nagsisimula iyong party at hindi pa namin nakikita si Lincoln. Marami namang mga bigatin na mga bisita at nagsusumigaw ng kayamanan!

"Ang formal ng party, huh? Akala ko debut iyong pinunatahan natin." sabi ni Hither.

"Gaga!" i glare at her nang nakita siyang tumatawa.

"Hindi ako sanay, siguro kung sa club ang party mas maniniwala pa ako." Natawa naman ako sa sinabi ni Hither. Sa club kasi namin unang nakilala si Lincoln kaya medyo asshole iyong impression sa kaniya. Sa looks naman, asshole talaga siyang tignan. Kung hindi lang nabasa ni Hither iyong magazine siguro maniniwala na kami na isa siyang anak mayaman na walang plano sa buhay, walang ginawa kundi magparty at mambabae.

"Baka may announcement?" tanong naman ni Ruth. Nagsimula na rin ang program, abala naman si Lincoln sa pakikipag-usap sa mga bisita.

"Happy birthday!" we greeted nang nakalapit na sa table namin si Lincoln. Ibinigay din namin iyong mga gifts. Wala akong kakilala sa crowd. Ang layo nga talaga ng mundo namin.

"Stay for the after party, alright?" Lincoln smirked and raised his brows.

"Debut mo ba?" biglang tanong naman ni Hither kaya natawa nalang kami. Lincoln just shake his head and laugh.

"Tigil na, Hither!" suway ni Ruth sa kay Hither na ngayon ay naiiyak na kakatawa.

"Hey!" nabaling ang tingin namin nang biglang lumingon si Lincoln at bumati sa kakarating lang na bisita.

"Akala ko hindi ka pupunta?" Lincoln raised his brows.

Kinurot naman ni Hither ang braso ko dahil sa kakarating lang na bisita. Hindi na ako nangamba nang masilayan ko ang dalawa. Hinayaan ko silang mag-usap dun. Inabala ko ang atensyon sa stage kung saan may kumakanta.

"Happy birthday." bumati naman iyong kasamang babae at yumakap kay Lincoln.

I immediately looked away nang nahanap niya iyong mga mata ko na nakatingin sa kamay nilang magkahawak. Gusto ko nalang tumakbo dahil sa pagkapahiya nang tinaasan niya ako ng kilay.

His hands rested on the girls waist! I saw him clenched when he realized that i was there. His annoyance is very visible on his eyes, iyong galit niya at irritation saakin. He obviously despised me!

Mas sumikip naman ang pakiramdam ko tuwing mas hinihigpitan niya ang hawak sa bewang ng kaniyang girlfriend. Gusto kong mabuwal dahil sa kakaibang nararamdaman.

Nagmamadali akong tumayo na kinabigla ng aming mga kaibigan. 

"Powder room lang ako." Tumango naman sila Hither nang tumayo na ako at umalis. Hindi ko kakayanin kung mananatili ako doon sa harap nila. I dont know why i am still bothered by it. Mas pinili ko nalang na umalis muna para makahinga.

Below the Horizon (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon