18

186 0 0
                                    

Sweet

Little patio is finally done! I decided to put a two couches and a table in between where i can rest and grab a coffee every morning. It is an open space where i can see the beach as a background. I hanged light white curtain on the side to make the ambiance more airy and relaxing. Wooden floors to blend the all white modernize design of the house.

I am now starting to look for furnitures that will suit the house pero kaonti lang muna ang binili ko dahil hindi pa naman tapos ang construction. I just bought some furnitures that i'll be needing while staying in the island.

''Ma'am?'' nahihiyang tawag ni Ate Jo. 

Patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng ilang kurtina sa bahay. ''Hm?'' Lumapit naman siya at inalayan ako sa pagbaba. 

''E, si doc...'' patuloy niya sabay kamot sa kaniyang likod. ''Nag-aaway pa rin kayo? Pwede naman sigurong pag-usapan muna? Pasensya na, nakita ko kasi siyang umuwi kahapon na namumula ang mga mata. Umiyak ba iyon? Nag-aalala kami.'' tipid siyang ngumiti sa akin. 

I fell silent for a while. 

''Mabait naman iyon si doc, ma'am. Kaya sana mag-usap muna kayo bago--alam mo na?''

''What do you mean?'' nilingon ko siya. 

Mahina siyang tumawa. ''Bago mo siya hiwalayan? Mukhang seryoso naman iyon sayo?''

Tipid akong ngumiti sa kaniya. ''Walang maghihiwalay, Ate Jo. Walang kami.''


''Po?!'' gulantang niyang tanong.

Hindi ko na dinugtungan pa at pumasok nalang sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. ''Ate, baka may dadating na packages, ha? Pakibantay nalang kung meron. Mag-aayos lang ako sa kwarto.'' bilin ko bago umakyat sa taas. 

Tapos na ang construction dito sa labas at iyong workers naman ay nagsisimula na sa pag-aayos ng kusina. I just wanted the kitchen to look more modern and clean. The cabinets will be change and the old stove will be removed. May nabili na rin akong mga gamit kaya siguradong dadating na ang mga iyon dito.

Pagbaba ko ay nakita ko agad si Vale na may hawak na bag ng pagkain. 

"Hi!" Vale greeted with a paper bag on his hands. Malapad naman ang mga ngisit ni Ate habang pakitang tao na nagwawalis ng alikabok. 

Binaba ko ang aking phone sa kitchen counter nang nakalapit at tinanggap ang dala niyang pagkain. "Good morning." i greeted him. I slowly unpacked it and handed him the coffee. Nagkausap kami bago siya umuwi kahapon. Hindi ko lang inasahan na magiging magaan ang lahat pag nagkita kami ngayon. Mabuti naman at parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Balik ulit sa natural niyang pakikitungo sa akin o sa mga tao rito sa bahay. 

"You're not busy?" i asked and opened the box to finally eat. Kinuha niya naman ang kubyertos at inilahad sa akin. Ngumuso ako at nginitian siya ng kaonti. ''Salamat.'' at tinanggap iyon.

Then tumango siya at pinanood bawat kilos ko. ''Yes, i am busy but not with work?'' nagtaas siya ng kilay. 

I hissed. ''Kain ka na.'' tinuon na ang atensyon sa paboritong pagkain. Magulo iyong bahay dahil sa ongoing construction. Madaming nakalatag na mga materials sa sahig. I just kept my luggage inside the room then locked it whenever i am out. Hindi ako tumatanggap ng bisita kasi nakakahiya pero mukhang wala namang pake ang isang ito kaya bahala siya.

"You enjoyed being outdoor." he chuckled. ''Gusto mo labas tayo?'' tanong niya.

Inikot ko ang mga mata sa aking paligid. Marami pa akong dapat baguhin sa bahay na ito kaya malamang ay wala akong sapat na oras para magliwaliw. ''Huwag na. Maraming dapat asikasuhin dito.''

Below the Horizon (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon