Prince POV
Tatawa tawa ako nang maalala ko ang kalokohan ko kanina kay Raf, of course hindi ko sasabihan ng punyeta si JD, inaasar ko lang sya bilis ma pikon eh.
Nginitian ko si Kuya Lucas, yong guard, ng pumasok na ako sa main entrance ng campus. I'm 15 minutes early than the scheduled time, ako pa lang ang tao sa lounge ng dorm ng SAU, ayos din ang SAU ah, binigyan talaga nila ng sariling building ang mga student athletes nila. Sabi ko kay mom na mag dorm nalang kami kaya lang naisip ko rin na mas may ibang student athlete na kailangan ng libreng matutuluyan kaya I quickly told mom that I changed my mind and agreed on buying a not so fancy condo unit. Papaupo na ako ng may lalaking pumasok sa loob ng building, tumango sya sakin na agad ko namang nginitian ng slight.
"New student?" tanong nya ng makalapit sya sakin.
"Oo"
"Mikael" pagpapakilala nya at inilahad ang kamay sakin, na agad ko ding tinanggap.
"Prince" sabi ko, sabay rin kaming naupo.
"Anong course mo bro?"
"Engineering, ikaw ba?"
"Architecture. Ayos, tatlo na kayong engineering sa team"
"Anong course ba ang nag dominate sa team?"
"Archi at tourism"
Napa ah ako sa nalaman, so kami ni james daniel at di ko kilala yong isa, ang kumukuha ng engineering sa team. Alam kong si James Daniel ang tinutukoy ni Mikael dahil sinabi ni Raf yun sakin, babaeng yun patay na patay kay JD eh nong nasupalpal kulang nalang patayin na talaga si JD lololols halos magkasabay lang ding dumating yong iba pang players, pinaka huling dumating si James Daniel. Kaya naman pala patay na patay si raf eh, legit ang gwapo ni bwesit tangina. Mag kasing tangkad lang siguro kami ni JD tisoy din pero pag matagal mong tinitigan nagiging parang sunkissed yong skintone nya peste nababakla na ako sa lalaking 'to mabuti nalang dumating na si coach.
"Kompleto na kayo?" tanong ni coach na bagong dating.
"Yes coach" sagot nong lalaking medjo kulot.
kanya kanya nang hila ng mauupuan yong mga player na wala ng maupuan.
"Before we start, I'd like to introduce to you the additional member of the team, Prince Alvarez from artemis college." tinapik pa ni coach ang balikat ko pagka sabi nya non.
bahagya akong tumayo tsaka bumati."Magandang hapon, musta kayo." nyeta ang awkward naman nito! coach naman eh! buti nalang nag smile tsaka thumbs up sila sakin.
Coach explained to us the upcoming activities for the student atheletes at kung sineswerte ka nga naman, halos lahat ng activities ay ka partner ng basketball ang badminton. It will be easier for me kasi kasama ko si raf, ewan ko lang sa babaeng yun pag nalaman nya 'to lolololols naks kung kailan iwas na iwas na sya kay JD tsaka naman sya tinutulak ng tadhana pabalik sa kanya chaaar- aish! nababakla na ako sa dalawang yun pero kasi cute lang nila.
"Since may walong tao lang ang badminton team, I expect you boys to be generous okay? lend them a hand."
At sabay naman kaming napa yes coach. Yes na yes coach!
"Oh and by the way, paki add sa prince sa gc natin. dismissed"
Pero si coach lang yung umalis, nag paalam sya na mauuna sya kasi may meeting pa sya. as for us..
"Saan gala mga 'tol?" tanong ni mikael
"Puro ka gala umuwi ka na nga" pambabara ni Paolo
"Capt naman, lapit na matapos vacation natin sulitin na natin"- mikael
Pansin ko lang, malakas mang uto 'tong Mikael na 'to.
"Wag mo akong dinadaan sa pa capt mo tarantado ka, kahit hindi vacation gala ka ng gala" sabi ni Paolo sabay amba ng suntok.
"Pao, may lakad ka?" tanong naman nong Alden.
"Wala, bakit?"
"Okay guys g si Paolo!"
"Orayt!" at isa isa nilang hinawakan si Paolo, lol lakas ng tama ng mga lalaking 'to.
"What the? he's not speaking for me! bitawan nyo nga ako!" ang huling nakita ko nalang ay kinuyog nila palabas ng dorm si Captain. Maya maya narinig kong may tumikhim sa gilid ko. Si James- pota si James Daniel!
"Pasensya ka na sa kanila"
"Ah okay lang mukhang enjoy naman silang kuyugin si capt" tumawa ako slight.
"By the way, James Daniel bro, James nalang" sabi nya sabay abot ng kamay sakin. shit rafielle mainggit ka ples lololols
"Prince" sabi ko sabay kuha ng kamay nya.
"Di ka sasama?" tanong nya.
Sabay kaming napatingin sa labas ng sabay nag yehey ang mga team namin, mukhang napasok na nila sa sasakyan si Paolo.
"Pass muna, di ako nakapag abiso eh"
"girlfriend?"
"Di ah" fan mo 'tol, di ako nakapag abiso dun.
Sakto namang tumawag si Raf awit nice 'tooo!
Sinenyasan ko saglit si JD, pero di ako umalis sa harap nya. Sinigurado kong maririnig ni Raf ang boses ni JD nyahaha!
"James bro excuse me ah"
"Sige bro, habol ka if ever you change your mind, nasa limelight verandah lang kami." sabi nya sabay alis.
"Peste ka talaga" bungad ng boses ni Raf sa tenga ko lmao
"Yiee narinig nya boses ng crush nya" at kung ano anong bad words na nga ang lumabas sa bibig ni raf sa kabilang linya
"Hayup! kaya pala patay na patay ka don, legit piglet ang gwapo"
"Ew kilabutan ka nga"
"Wala kayong meeting badminton players?"
"Wala ata, at kung meron man di ako na inform"
"Ah sige ako na magsasabi sayo mamaya"
"Whatever, nga pala, what do you want for dinner?"
"Kung anong meron jan raf and hey, they invited me"
"So?" maldita nyang tanong.
"Maldita nito, wala sge na pauwi narin ako"
I can feel that Raf's journey with her team and mine will be so exciting.
BINABASA MO ANG
Notice Me
RomanceJD x Raf Raf was just trying her luck, that maybe, well, out of the blue James Daniel will notice her messages. And because of JD's impulsive acts, he accidentally opened Raf's messages. And that's where their conversation begun.