31

5 1 0
                                    


Lapit na matapos ang 2 weeks naming pahinga, malapit na ring mag start ang enrollment ng SAU, well as for us student athletes, automatic na kaming enrolled dahil ang coaches na namin ang magsa submit ng lahat ng papers namin, we just filled up some forms that contains some personal informations and our family infos too.

Prince and I decided to wake up early for a morning jog, as early as possible kinokondisyon na namin ang katawan namin para hindi mabigla kapag sumabak na kami sa totong training kasama ang team namin.

"try natin mag jog sa oval ng SAU raf" suggest ni fckboy.

I eyed him with my bored look.

"may plaza naman jan, ba't don pa?" tanong ko.

"wala lang, for a change doon din naman tayo next week eh"

"as if papapasukin tayo ngayon, freshmens tayo tanga di tayo papasukin"

"kaibigan ko na ang guard okay? friendly ko no?"

"oh edi ikaw na pumunta"

"alam mo letche ka talaga pag inaaya ka"

"walang kwenta ka naman kasi mag suggest fckboy"

"ayaw mo lang makita si JD eh"

At agad akong napatingin kay Prince dahil sa sinabi nya. Lahat ng bagay na makapa ko ay hinampas ko na sa kanya, gagong 'to

"aray! a- aray ano ba!"

"sabi ng wag babanggitin eh!"

"pikon mo naman- aray! masakit raf!"

Tsaka ko lang naisipang huminto sa pag hampas. Himashimas na nya yong braso nya. Lokong 'to sabi ng wag banggitin yun! hindi naman sa bitter ako okay? ayaw ko lang maalala yong msg nya sakin, nakaka...

"tara sa oval bwesit ka"

"yiee-amp"

Aasarin pa yata ako, sasapakin ko sana ulit buti nalang tinikom ang bibig.






Pag dating namin sa main gate ng campus ay may guard na nasa mid fifty na ata ang edad ang naka tayo sa gilid, nang medjo makalapit na kami ay may sasakyan naman na papasok sa loob ng campus.

"Si coach yun ah" biglang sabi ni Prince

Mataman naman akong napatingin sa lalaking nasa sasakyan, and yeah coach nya nga. Siya yong lumapit kina Prince noon, naisip ko na wag na muna kaming lumapit masyado.

"Prince!" biglang tawag ng coach nya.

Hinayupak kaya ayoko ko muna na lumapit kami eh! for sure hebi chika na naman 'to mabuti sana kung papayagan ako ni Prince na mauna kaya lang kasi ay hindi! ayoko pa namang matagalan sa pagjojogging dahil titirik na yong araw.


"good morning coach" nakangiting bati ni Prince ng maka lapit na kami, so ayun pati ako nadamay na.

"good morning po" i respectfully greeted.

Mukha namang nabigla yong coach nya na makitang may kasamang babae si Prince.

"good morning din sa inyo, girlfriend mo hijo?"

"ah hindi po coach, best friend ko po si Rafielle" Prince introduced me politely and his coach was kind enough to extend his hand to me, na agad ko rin namang tinanggap.

"so where are you two heading?" tanong ng coach ni Prince.

"ah makiki suyo po sana kami kay manong guard na baka pwede po kaming mag jogging sa oval ng campus" sagot ni fckboy.

"yes of course, youre a student athelete here, may list of student atheletes na naka lagay dito sa guard house diba Lucas?" bumaling naman si coach don kay manong guard.


"opo coach, kahapon lang dumating dito."

"pwede kayong pumasok dito kahit wala kayong class, basta ba di lang kayo papaabot ng curfew time. by the way prince, ikaw na una ko sasabihan we'll meet with the team later, don sa gym natin 4pm okay?" yun lang at umalis na ang coach ni prince.

Agad akong lumakad papunta sa bulletin ng guardhouse para matingnan kung nandon ba ang pangalan ko, i sigh in relief ng makita ko naman yun agad.

"totoo ba 'to? student athlete na tayo ng SAU?" i asked, almost getting teary eyed.

Prince tousled my hair.

"ang oa mo ah, para namang di ka student athlete sa artemis" sabi nya na agad ko namang sinimangutan.

"iba kasi kapag college kana ogag" sabi ko tsaka inalis yong kamay nya sa ulo ko.

"tara na nga"







Sunod sunod na katok ng pinto ang nagpa gising saken bandang hapon.

"Raf alis na ako"

"O"

"Wala kang ipapabili sa labas?"

"wala"

"Wala kang ipapasabi kay JD?"

"Punyeta ka"

narinig ko pa syang tumawa sa labas.

"Okay, JD punyeta ka raw"

Dali dali akong bumangon tsaka binuksan ang pinto pero ang loko naka labas na ng unit namin.

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon