-05-
NANDITO na kami sa makati. Nasa labas ng condo, tiningnan ko si Auden. Ngumiti ito at ipinulupot ang braso
Tinanggal ko ito at tiningnan ng masama, tumikhim si mama "nasa 4th floor kayo. Ito ang susi, malaki ang loob nun at fully furnished na" Binigay nito ang susi
"Pero dahil di pa kayo masyadong familiar dito, sasamahan ko kayo"
Pumasok kami sa loob, tumayo ang receptionist at nagbow pero ung ulo lang "magandang umaga ho, Mr Tolentino"
Ngumiti ito sa babaeng receptionist "magandang umaga rin"
"Tara na" Tugon nito, hawak nito ang maleta namin ni mama. Nakita ko ang tingin ng receptionist saakin
"Akin na" Nitry kong agawin ang maleta namin ni mama, tinabig niya ako at pinanlakihan ng mata. Tumikhim uli si mama
"Sigurado kayong Hindi kayo magkasintahan?" Tanong ni mama, tiningnan namin ang isa't isa
"Hindi nga ma!" Reklamo ko, ngumuso si Auden at naglakad na.
Sinundan namin ito hanggang sa elevator, priness niya ang 4th floor button, he leaned on the elevator wall, habang naka cross ang braso. Mukhang malalim ang iniisip nito..
"Dito na ba kami titira?" Biglang tanong ni mama, tiningnan ito ni Auden "opo, since secretary ko na si Ellouise. Dito kayo titira" Ngumiti ito
Nag stop na ang elevator, lumabas kami. Nilakad kami ni Auden sa may pinto ng condo. Binuksan ko ito gamit ng susi na binigay niya
Nung makita ko ang loob nito lumaglag ung panga ko. Tongono ang laki at ang ganda! Naramdaman ko ang kamay ni Auden sa baywang ko, pinalo ko un "chumachansing ka ha" Bulong ko na kami lang ang nakakarinig.
Narinig kong natawa ito, Tapos pumasok sa condo"I hope you guys like it here"
"Malaki siya, salamat" Pagpapasalamat ni mama "maiiwan ko na kayo dito, feel at home po"
Tiningnan ako nito at kumindat, bigla ako nakaramdam ng init sa pisnge, tumikhim ako "salamat po, Mr President." Nginitian ko ito
Sinamahan ko siya sa front door, binigyan ko ito ng masamang tingin "wag mo gagawin un! Lalo na pag andyan si mama! Napagkamalan pa tayong magkasintahan" Dinutdut ko ang daliri ko sa matipunong dibdib nito
"So pwede kong gawin ito sa opisina?" Ngumisi ito sa sinabi niya "eh kung hampasin kita?" Gigil na tugon ko
Hinawakan nito ang baba ko at ngumisi uli "Oh, I feel threatened, honey."
Kinurot ko ang ilong nito, syempre masakit ung pagkakakurot ko at talagang nilakasan ko ang pagkurot.
"Aray ko naman" Ngumuso ito at hinawakan ang sariling ilong "lumayas ka na nga Mr. Pressy"
Nakita ko umikot ang mata nito "I'm still having fun eh!" Reklamo nito
Ang kulit pala nito, ponyemas kung di ko lang ito boss sinakal ko na Sana ito eh "Mr Tolentino, hinahanap ka na po ni Ms Astrid" Narinig kong may nagsalita sa likod nito
Tiningnan niya ito "itong si Astrid talaga panira" Tiningnan niya ako, ginulo nito buhok ko "I'll see you tomorrow" At akmang aalis na
"Hindi po ba ako ma start ngayon?" Tanong ko, he turned to me "bukas nalang, ma unpack pa kayo"
Pagkatapos nun, umalis na ito. Tiningnan ako ng masama nung babae. Inikotan ko lang ito ng mata at pumasok na
"That kid is being touchy with you" Sabi ni mudra aba umeenglish
Ngumiti nalang ako at inilagay ang maleta sa kwarto, buti nalang dalawa ang kwarto dito. Malaki ito. Maganda rin ang design
Nag unpack na ako ng mga damit, tiningnan ko iyong mga damit ko pang opisina, kailangan ko na bumili ng bago. Kaso wag muna.
PANIRA talaga si Astrid, I found Louie.. She's so beautiful just like before. Simula nung umalis kami dito sa Pilipinas habang nasa ibang bansa gusto ko na umuwi.
Gusto ko na uli siyang makasama, tinulungan namin sila, kasi ang kompanya nila na bankrupt kaya kami muna nagtustos ng ibang pangangailangan nila
Nakita ko kung gaano kasipag si Louie. Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang mama niya simula nung namatay ang Tito Antonio.
Pumasok ako sa penthouse, nandun ang sekretarya ko na kampanteng nakaupo sa sofa "ano nanaman kailangan mo, nakikipag landian ako kay Ellouise eh!" Reklamo ko
"Boss, baka nakakalimutan mo may trabaho ka pang ginagawa tuwing gabi" Bored nitong sabi "at tsaka magpasalamat ka na pumayag ako na makipag swap sakanya" Naging matalim ang mga mata nito.
Minsan talaga nakakatakot ito "asan ung file?" Tanong ko, binigay niya ito
"Leanie Mendones, a kidnapper and a drug addict" Sinabi ko sa sarili ko
Umupo ako sa sofa at tiningnan pa ang mga information tungkol dito sa babaeng ito. How come halos criminal ang nasa kabilang baranggay ng secretary ko(Ellouise)
Tumikhim ako "maayos na ba ang mga gamit para mamaya?" Seryosong tanong ko
Tumango ito "naka ready na yun"
Tumayo ito at pinagpagan ang jeans, Kala mo naman madumi ang penthouse ko or ang sofa ko "kailangan ko na umalis, baka naghihintay ung bago kong boss" Umirap ito at umalis na
"When will I stop killing people?" Tanong ko sa sarili ko.
I know I'm killing a criminals, but it's judge's decision if they are guilty or not. Or family has this tradition where we kill criminals. Well it's not a tradition
Government don't mendle with our work. If they mendle then papatayin sila.
Hinding Hindi pwede sila mangialam lalo na Kaya namin silang pabagsakin. Well un ang sabi ni papa
Makikita niyo kung paano ko patayin ang mga criminal. Ngumisi ako sa sarili, niready ko na ang itim na jeans, t-shirt at ang maskarang ginagamit ko
Tiningnan ko ang litrato nang pamilya ko, halos lahat kami naka maskara.
Ung maskara na ginagamit namin only half of our face is covering it, I look at the mask. Maganda ito, si mama ang gumawa nito
Nag ring ang cellphone ko, tiningnan ko kung Sino tumawag at si Ellouise, baka magtanong kayo kung bakit may number niya ako well kinuha ko ito kasi boss ako diba
Masaya ko itong sinagot, "what do you want?" Seryoso kong tanong pero kilig to the bones ehe
"Busy ka ba boss?" May pagkamaldita nitong tanong "yeah" Sagot ko
Bigla nitong binaba ang telepono, tf. Bastos na babae hmpk!
-T.M.B-
Nasa taas ung picture ng maskara para may idea kayo kung ano eon. Black dapat ean pero wala ako mahanap na black

YOU ARE READING
The Alphabet Killer
Romance"You're the one who light up my dark world. Where killing is the only thing I do." Started: 10/16/2020 Finished: 01/29/2021