02

46 6 0
                                    

-02-

NAGISING akong pawis na pawis, a nightmare.. Napanaginipan ko ang Alphabet Killer. Inuukit niya ang simula ng aking pangalan

Pinunasan ko ang pawis ko, tiningnan ko ang orasan. Lumaki ang mga mata ko, pakshet late ako!!

Nagmadali akong maligo at sinuot ang pangtrabaho kong damit. Bakit di nag alarm ang cellphone ko! Bumaba ako at hinanap si mama

"Ma! Bakit di mo ko ginising" Pag papanic na sabi ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin

Nakita ko ung ulo ni mama na nag pop out sa kusina "6AM pa lang nak" Tugon ni mama

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 6AM pa nga lang. "Bakit 10AM na dun sa orasan sa kwarto?" Pag mamaktol ko

"Sira na ung orasan sa kwarto mo, bibili sana ako ng bago" Sabi ni mama

Tumango nalang ako, at binuksan ang TV. Baka may news nanaman sa alphabet killer "Breaking News! Isang biktima nanaman ang na may ukit sa dibdib nito. Letter K ang nakaukit dito. Hindi pa rin Alam ng mga pulis kung sino ang gumagawa nito. Maganda pa naman ang babaeng pinatay. Hindi natin alam kung anong kailangan nito at kung anong plano nito. Kailangan nalang natin magdasal." Sabi ng reporter

Padami na ng padami ang napapatay niya. Masyado ng nakakatakot ang nangyayari ngayon sa kabilang baranggay.

Inuubos niya ang mga tao sa baranggay na iyon. "Nako nako, dumadami na ang namamatay." Mama facepalm herself

"Wag ka na muna mama maglabas. Ako na magtatrabaho para saatin" Sabi ko, nakakakaba pag parehas pa kami lumabas

Inoff ko na ang TV. Puro ganyan lang naman ang nasa balita ngayon. "Kumain ka muna, bago umalis"

NAGLALAKAD ako papunta sa opisina ng may nakabunggo akong lalaki, tongono naman oh!

Nahulog ung mga dala kong files, pisteng yawa. Minadali kong kunin ito at baka sigawan nanaman ako ni bossing dahil late nanaman ako

Tinulugan ako ng lalaking nakabunggo saakin "sorry miss" Sabay ngiti niya saakin

Ang gwapo naman nito. Kulay brown ang buhok, ung mata niya iba ang kulay, violet ang kanan blue ang kaliwa. Maganda ang gawa sa jaw line niya. He's a bit muscular. Matangkad rin.

"Hey miss" Kaway niya malapit sa mukha ko, natauhan ako bigla. Nahihiya akong ngumiti

"It's okay. Kasalanan ko rin dahil di ako tumitingin sa daan" Sabay takbo ko palayo roon at papunta sa opisina

TUMAWA ako sa reaksyon ng babae. It's our 2nd time meeting, muntikan na ako makapatay ng inosente.

I smirked, magandang babae. Nagring ung phone ko. Sinagot ko ito at inilagay sa tainga "bossing, nasaan ka?" Tanong ng sekretarya

"Naglilibot sa iba't ibang baranggay" Bored kong sagot "I'll send the files for the new person" Sabi nito at pinatay ang tawag

I rolled my eyes at dumiretso sa kotse ko. Katamad rin pala pumatay ng tao. Hays

Pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa kompanya ko, I can't for more killing. Binilisan ko ang pagmamaneho.

KAKAPAGOD rin pala tumakbo. Pumasok ako sa opisina ko. Tiningnan ko ang paligid wala si bossing. Dali dali akong umupo na parang wala lang nangyari kahit late ako

"Ms. Ellouise Aira Sanchez" Tumayo ako nung marinig ko boses ni boss. Pakshet talaga

Nakababa ang tingin ko "po, sir" Lumunok muna ako ghorl. Katakot

"Look at me." Tongono umeenglish si ser, tiningnan ko siya

Gwapo niya. Pakshet, di ko na idedescribe basta gwapo, gusto niyo un diba.

"Bakit late ka nanaman?" Galit na tanong nito. Lumunok uli ako. Kakatakot talaga ghorl

"Anong oras na kasi ako nagising" Pagkakamot ko sa batok ko habang kausap si boss

He crossed his arms "alright. Get back to work. Kakaltasan kita ng sweldo" Pagkasabi niya ng ganun, umalis siya. Tongono

GABI NA ng natapos lahat ng Gawain. Kinakain nanaman ako ng pangangamba. Bakit baga ang late na matapos ang mga Gawain ko!

Niligpit ko na ang mga gamit, exhale.. Inhale.. Nireready ko sarili, tatakbo ko pauwi.

Sinakbit ko na ang bag ko at bumaba. Exhale.. Inhale. Inulit ko lang baka kasi di na ako humihinga katakot un ghorl

Di na ako nagpaalam sa bagong guwardiya baka mamatay rin ito. Dumaan ako sa may iskinita nang may biglang humablot saakin at tinakpan ang bibig ko

"Wag kang gagawa ng ingay" Bulong nito saakin, lalaki.

He pinned me on the wall, tiningnan niya ang paligid. Nakita ko na may hawak itong duguang kutsilyo. Tiningnan ko ang mukha. Meron siyang maskara, half of his face was covering it.

It's the alphabet killer. Kinain ako ng kaba, pangalawa na itong pagkikita namin. Tiningnan niya uli ang paligid tsaka inalis ang sarili niya saakin.

Lumakad ito palayo saakin. What the fuck just happened.

Hinawakan ko ang puso ko. Lakas ng tibok, nyemas naman. Nararamdaman ko ang paghihina ng tuhod ko. Nakakatakot, Di ko unexpect un. Kailangan ko ng umuwi.. Baka mag alala un si mama

Dinalian ko nang umuwi..

I ALMOST got caught, antanga ko. Tinanggal ko ang maskara na suot ko.. Nakakainis bakit andun ang mga pulis

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil naiirita ako. Pero masakit pala, my secretary went to me. Binigay ko ang kustilyong puno ng dugo at ang gloves.

"Muntikan ka na dun boss" Tawang tawa na ani nito

"Hindi mo ko sinabihan na may pulis pala dun!" I hissed at her.

Tinaas nito ang kamay na parang sumusuko na "Hindi ko rin alam,nag hire na pala ang putanginang un"

Ako naman itong natawa "ang di alam ng pulis pedophile ang isang un. Nirape niya ang anak niyang 4 years old palang." Pumasok ako sa driver seat

Pumasok na rin ang sekretarya ko sa loob ng kotse "next time, ipaimbestigahan mo muna kung may body guard or pulis ang mga un. Kailangan ko pang gamitin ung babae na nakasalubong ko kanina para lang kunyareng may ginagawa kami" Pagbubunganga ko dito

"Manahimik ka na nga, iuwi mo na ako. Kailangan ko pang ayusin itong mga gamit mo" Nakita kong umikot ang mata nito. Abugh

Pinaandar ko ang kotse at paspas na nagmaneho. Sumigaw sa takot ang sekretarya ko at ang bilis ko mag maneho. Yan napapala mo.

-T.M.B-

The Alphabet KillerWhere stories live. Discover now