01

85 7 3
                                        

-01-

KABADO ako ng pumasok sa loob ng café, Sino ba naman ang hindi kakabahin kung muntikan ka ng mapatay?

Nag order ako ng kape at tinapay, un lang kaya ng budget ko at nagiipon ako para sa pagpagawa ng bahay.

"Hoy!" May nagsalita na babae sa likod ko. Nilingon ko ito. Baka kasi ako ung kinakausap

Pero mali ako dahil ung katabi niya ang kinakausap "nabalitaan mo ba ung tungkol dun sa alphabet killer? Grabe nakakatakot. Iniisa isa daw niya ang mga alpabetong meron dito. Pag nagsisimula sa A ang letter ng pangalan mo ay Letter A din ang inuukit niya sa dibdib" Nagiging chismosa ako dito, pero I'm curious about him

Inubos ko na ung inorder ko at baka magalit nanaman si boss baka tanggalin pa ako nun sa trabaho

Lumabas na ako ng café, pero I have this feeling na may nakatingin saakin. Ginala ko ang paningin ko.. Nakakatakot kasi wala namang nandun

I just shrugged it off at patuloy na lumakad papuntang opisina. Pagkapunta ko sa opisina ko andun si boss. Binaba ko ang tingin ko "ano't ang tagal mo ha?! Nakipag chismisan ka ba?" Sigaw nito. Tongono nito. Miss yata agad ako

"Naglunch lang ser, miss mo kaagad ako" Sarkastikong sabi ko

"Anong miss ka jan? Mandiri ka naman. Di ako pumapatol sa sekretarya" Sabi nito na may pagkasungit

"Aba ser, di rin naman ako pumapatol sa boss ko na walang respeto" Banat ko. Nagsisisi kaagad ako sa sinabi ko, umalis sa harap ko si boss. Ipagdadasal ko na sarili ko na sana Hindi ako mawalan ng trabaho

Siniko ako ng katrabaho ko "Hala ka ghorl, ipagdasal mo na Sana di ka mawalan ng trabaho" Tumawa ito ng bahagya

"Kakaloka ghorl, dapat di ko na sinabi un. Kakahiya" Pinalo ko noo ko. Grabe antapang ko. Dahil sa katapangan ko mapapahamak pa ang trabaho ko

GABI NA hinihintay ko umalis ang boss ko. Kasi naman ma sorry ako, pag nawalan ako ng trabaho paano na ang pangarap ko na kasama si mama

Simula kasi ng mamatay si papa ako na nagtaguyod saamin, ung negosyo ni papa na bankrupt kasi wala naman saamin ni mama ang marunong na magpatakbo nun

May natabi naman akong pera, kaso kinailangan un gamitin at nagkasakit si mama. Nakita ko ang boss ko na lumabas. Binaba ko ang tingin ko "Sir, sorry for what I said" Ani ko

"Di ko ho sinadya ung sinabi ko kanina, minsan ho talaga walang filter ang bibig ko" Sabay palo ng bibig ko

Narinig ko siyang bahagyang natawa "it's okay, sorry rin at nasabi ko un kanina."

Napangiti ako, my job is now save. "Umuwi ka na. Mag iingat ka" He ruffled my hair

Chansing si bossing, choss. Niligpit ko na mga gamit ko at bumaba na. Dinalaw nanaman ako ng kaba, hangga't di pa nakukulong yang alphabet killer na yan ay di ako magiging maayos at lagi akong kakainin ng kaba.

Nagpaalam na ako sa guwardya "manong, goodbye po. Ingat po kayo sa pag uwi" Ngumiti ako at kumaway

Naglalakad ako papunta sa baranggay namin. Kabadong kabado, nakaramdam ako ng may nakatingin saakin. Ginala ko ang paningin ko. Wala naman

"Umuwi ka na" Rinig kong may bumulong, tiningnan ko sa likod ko. Wala

"Kundi mapapatay kita" Rinig ko uling bulong

Dinalian ko ang pag lalakad, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang mapagawa ung bahay na gusto ni mama

HINGAL hingal akong nakarating sa bahay. Lumabas si mama sa may kusina at tiningnan ako "ayos ka lang ba?" Pag aalala niyang tanong

"Ayos lang ako ma, nag takbo ako pauwi eh" Sabi ko at nilagay ang bag sa may table malapit sa pinto

"Magpalit ka muna ng damit, pagkatapos bumaba ka dito at malapit na matapos ang niluluto ko" Sabi nito

Tumaas siya at pumunta sa kwarto niya, naglabar siya at nagsuot ng pambahay na damit, hindi masyadong praning si mama ngayon. Mabuti na un.

Bumaba ako, nakita kong naghahain na si mama kaya tinulungan ko ito. Naghugas muna ako ng kamay at umupo na sa upuan "kamusta ang trabaho nak?" Tanong ni mama habang sumusubo ng adobo

"Muntikan na ako masisante dahil sa wala kong filter na bibig, mama" Ani ko

"Kailangan mo rin kasi pigilin yang bibig mo, para di ka mapahamak o makasakit ng damdamin ng tao" Paalala na tugon ni mama

Tinuloy namin ang pagkakain at niligpit na ito. Ako na ang naghugas ng mga pinggan. Alam kong pagod si mama sa kakalaba, pagnagkaroon na ako ng maraming pera kailangan ko na siyang iparetire sa pagtatrabaho

Ako na bahala sakanya pagnagkaroon na ako ng maraming pera "hoy, ung hinuhugasan mo" Tawag ni mama

Ngumiti ako ng bahagya, embarrassing "sorry ma, nagiisip lang" Tinuloy ko ang paghuhugas

Pagkatapos kong hugasan ang mga plato, nag punta ako sa salas at binuksan ang TV

"Breaking news! Ang alphabet killer ay nakapatay nanaman ng isang tao. Guwardiya ito sa ***** may nakaukit itong letter J sakanyang dibdib." Pinakita ng cameraman ang nakaukit na J.

"Andito ang asawa at anak ng  namatay na gwardiya, ano pong masasabi niyo sa nangyaring ito?" Tanong ng interviewer sa asawa ng namatay

"Pinatay niya ang asawa ko na wala namang kasalanan sa mundo. Pinatay niya ito!!" Humiyaw at humagulgol ang  asawa

Pinatay ko ang TV.. Ung guwardiya na un ay ang gwardiya sa kompanya namin. Wala naman siyang kasalanan pero bakit siya pinatay

Nangpapatay ang Alphabet killer ng walang kamuwang muwang na tao.. Bakit niya ito pinapatay..

"BOSS" Nilingon ko ang nag tawag saakin "may bago nanaman, boss" May binigay itong files saakin

"Boss, sigurado ka bang di ka mahuhuli nito?" Tanong nito saakin

"Matagal na natin itong ginagawa nung nasa Tondo pa tayo." Tugon ko sabay bukas ng files

"Boss,may negosyo ka na. Makukulong ka pag nalaman nila ang background mo" Pagalala na sabi ng sekretarya

"I'm still the powerful one, Secretary." Ngising tugon ko

"Yan si Kiala Suinto. She raped some 8 years old below" Ani ng Sekretarya

Tiningnan ko ang files. Magandang babae pero rapist. "Ikaw na bahala dito. I'm going hunting tonight"

Tumango ang sekretarya "ang mga gamit mo para mamayang gabi ay nandyan sa loob ng cabinet."

Let's carve some letters. I smirked. The nightmare will come to you.

-T.M.B-

The Alphabet KillerWhere stories live. Discover now