-04-
NASA bahay kami ni Auntie, mabirthday na kasi ang anak niya kaya nandito kami. Wala pa si papa, busy kasi siya sa kompanya. Kahit maliit lang iyon nakakabenta pa rin naman, kami ang gumawa ng lambanog.
"Mama, bakit antagal ni papa?" Tanong ko sa mama kong naka tingin sa kawalan
Tiningnan niya ako at ngumiti "busy pa si papa, siguro bukas andito na un" Ginulo nito ang buhok ko "ano ba mama! Ginugulo mo ang buhok ko!" Reklamo ko dito
Tumawa nalang ito at tumayo "dito ka lang, ma bili lang ako ng regalo para sa pinsan mo" Tumango ako at bumalik sa loob ng bahay
May kaya kami, di mahirap at di rin mayaman. Ung tama lang ba "ate, laro tayo!" Sabi ng pinsan ko habang hawak ang damit ko
Tumakbo kami tungo sa bakuran nila at naglaro ng tagu-taguan. Malaki ang bahay nila Auntie kaya madaming pag tataguan
NAKABALIK na si mama. Antagal niya. Siguro di niya alam kung anong regalo ang ibibigay kay pinsan kaya natagalan.
Dumiretso ito pataas, ako naman ay nililinis ang salas. Tinutulungan ko si Auntie mag linis, wala silang maid or kung ano man. Mas gusto daw kasi ni auntie na walang maid or kung ano man.
"Louie, patawag ang mama mo. Sabihin mo kakain na tayo ng gabihan" Sabi ni auntie, tumango ako at itinabi ang tambo at dustpan
Tumaas ako sa kwarto at kinatok si mama "mama, baba na daw at makain na"
"Sige nak, mabihis lang ako. Baba na rin ako" Rinig kong sabi nito
Bumaba na ulit ako at naghugas ng kamay para makakain na "asan na si mama mo?" Tanong ni auntie nung maka upo ako
"Mababa na raw ho, nagbibihis lang" Sabi ko at kumuha ng kanin na nasa harap lang namin
Narinig ko ang yabag ng paa ni mama, naghugas ito at umupo na rin, nagdasal kami bago kumain
PAGKATAPOS kumain tinulungan ko maghugas ng plato si Auntie. Pagkatapos maghugas ng plato dumiretso na ako sa kwarto ko para naman maligo at matulog na
After nakapag ligo na, nitry kong tawagan si papa "the number you dialed cannot be reach, please try again later"
Nagtry ulit ako pero ganun pa rin ang sinasabi, nagbuntong hininga nalang ako at isinantabi ang cellphone. Kakamiss agad si papa
NAGISING ako dahil sa ingay, piste naman oh.. Natutulog eh! Bumangon ako at bumaba
Nakita kong umiiyak si mama at si Auntie, kami naman ng pinsan ko walang alam kung anong nangyayari nagising rin lang yata ito
"Anong nangyari?" Tanong ko tas ung dalawa tumingin saakin, mugto ang mga mata
"Anak ang papa mo.." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni mama..
"Ano po nangyari kay papa?" Tanong ko. Kabadong kabado pa rin ako
Ngumiyak ngiyak si mama, "patay na si papa mo" Bigla akong napaluhod. Parang lahat ng nasa isip ko nawala.
"Sabihin mong di ito totoo mama" Naramdam ko na malapit na ako umiyak
"Patay na ang papa mo.." Niyakap ako ni mama. Parehas kaming umiiyak. Tangina bakit si papa!
LAHAT kami nandito sa sementeryo.. Ililibing si papa.. Nasa harap namin ang kabaong nito. Mugtong mugto ang mata ko
Yakap yakap ko ang picture ni papa "Condolence, Mrs Sanchez" Sabi ng lalaking naka suit, tiningnan nito ang kabaong ni papa na ibinababa na
May kasama itong lalaki, anak rin yata "maraming salamat, Mr Tolentino" Iiyak iyak na sabi ni mama
Tumabi saakin ung anak ni Mr Tolentino, binigay nito ang kanyang panyo, tinanggap ko ito at nagpunas ng luha "wag ka na umiyak, ayaw ni Mr. Sanchez na nakikita ka niyang umiyak"
"Rios nga pala" Ngumiti ito saakin "Louie" Sagot ko
Tinatabunan na si papa ng lupa, tumayo si mama at kinuha ang mic "salamat po sa dumalo sa libing ng aking asawa na si Antonio Sanchez. Di po namin inakala na may papatay sa aking asawa kasi wala naman po itong ginagawang masama" Nangiyak na sabi ni mama
Naramdaman ko ang braso ni Rios na pumulupot sa balikat ko at pinisil ito, tiningnan ko ito. Ngumiti lang siya. Ang ganda ng mata niya magkaibang kulay
"Tahan na" Pinisil uli nito ang balikat ko "ang sabi ng asawa ko, susunod daw siya saamin nung pumunta kami sa bahay ng kapatid nito, Tapos kinabukasan may nagbalita saamin na may pumatay raw sa pinakamamahal kong asawa" Pagpatuloy ni mama
Tiningnan ni mama ang ngayong natabunan nang asawa "maraming salamat po sainyo" Sabay balik ng mic at niyakap ako, tinanggal naman ni Rios ang braso niya saakin.
NARAMDAMAN kong may pumulupot na braso saakin, tiningnan ko kung sino yun, si Auden. Pinunasan nito ang luha ko "tumahan ka na" Bigla akong natauhan
Wala pala ako sa bahay nasa opisina pala ako hala! Tinanggal ko ang pagkakapulupot ni Auden saakin, binigyan niya ako ng panyo "wag ka na umiyak" He sadly smiles
"Halika na, kelangan na nating umalis. Magimpake na kayo ni mama mo" Ani niya at lumakad na. Sinundan ko ito
Nahihiya dahil nakatingin ung mga katrabaho ko, piste kasi. Bakit niya ung ginawa! Naalala ko si Rios.. Hays. Katulad din ng mata ni Auden ung mata ni Rios..
Parehas kaming pumunta sa bahay. Buti nalang walang trabaho ngayon si mama "mama, nakauwi na po ako" Tinanggal ko ang flat shoes ko ganun rin ang ginawa ni Auden
Naramdaman kong nanigas si Auden ng makita si mama "hello po, Mrs Sanchez" Nakipag kamay ito kay mama
"Boyfriend mo, anak?" Tanong agad ni mama na ikinagulat ko, bigla akong nakaramdam na init "Hindi pa!" Sabi ko
Tumawa si mama at Auden "big boss po namin" Pakilala ko kay mama
"Auden Krios Tolentino po" Ngumiti ito kay mama "umupo kayo" Biglang bago ng mood ni mama parang naging excited
Pumasok kami sa salas at umupo "Ma'am, sasama po kayo sa Makati, dun na po kasi mag tatrabaho itong si Ellouise, iniswap ko ho ang secretary ko, so ung secretary ko ho ay secretary na ngayon ng boss niya" Paliwanag nito mukhang di na gets ni mama
"Basta mama, ito ho ung big boss namin." Sabi ko
"Mag impake na ho kayo, sa Makati ho kasi naka locate ang kompanya ng Tolentino" Tumayo si Auden, tiningnan ako.
He went closer to my ear "I'll see you sa office, my secretary" Bakit parang naseseduce ako sa boses nito
Tinapik nito ang balikat ko at nagpaalam na kay mama "Mauna na po ako. Bukas susunduin ko kayo"
Sinamahan ko ito sa may pinto, ngumiti ito. Kinuha niya ang kamay ko, at hinalikan ang likod nito at umalis na
What just happened..
-T.M.B-
![](https://img.wattpad.com/cover/244406998-288-k97348.jpg)
YOU ARE READING
The Alphabet Killer
Romance"You're the one who light up my dark world. Where killing is the only thing I do." Started: 10/16/2020 Finished: 01/29/2021