-08-
UMAGA ng dumating uli si Astrid sa bahay ko. Binigay nito ang file, binasa ko kung kaninong pangalan ang nandun, bigla akong nanigas.. It can't be.
Andun kung ano ang nagawa nito. Naglilihim siya, binaba ko ang file at tiningnan si Astrid "ayoko.. Di ko magagawang patayin ito" Sabi ko
Nagbuntong hininga si Astrid "kailangan mo itong gawin, boss"
Tiningnan ko uli ang file, I shook my head. Imposible ito "ayoko, Astrid. Hindi pwede" Nanlumo ako. Ayoko itong gawin
Hinawakan ko ang ulo ko, sumasakit ito ngayon dahil sa problema na di ko kayang lutasin. Naiiyak ako, alam ko kung anong mangyayari kung papatayin ko itong taong ito
Takot.. Takot ang nararamdaman ko. Patawarin mo ko..
MASAYA akong tumitingin ng mga damit dito sa tiangge, pero di ako bibili since madaming nabili saakin ni Auden
Bigla akong nakaramdam ng haplos saakin braso, nilingon ko ito at isang matandang ale "ano po un?" Tanong ko
"May nababasa akong Hindi maganda sa kapalaran mo, hija" Sabi nito ng ikinagulat ko
Wtf? Hindi maganda? Naging curious ako "ano po ang nababasa mo?" Nagkuha ako ng pera, since binibigyan nila ang manghuhula ng pera
Pinigilan ako nito "di mo na ako kailangan bayaran" Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko
Hinimas nito ang palad ko at pumikit "masama, masamang kapalaran. Dalawa, dalawang importanteng tao, ang isa mamatay.. Ang isa ay pagtatabuyan mo" Nagmulat ito at may takot sa mata nito
Natakot bigla ako, dalawang importante saakin na tao, may isang mamatay at may isa akong ipagtatabuyan
"Magkikita pa rin po ba kami nung ipinagtabuyan ko?"
Hinaplos ulit nito ang palad ko "may posibilidad na magkikita kayo, pero may anak at asawa na ito.. O di kaya hihintayin ka nito kung totoo ka nitong mahal"
"Ingatan mo ang mga Mahal mo, may isang mamatay" Kumurap lang ako tas wala na ang ale sa harap ko
Nakakatakot, biglang nag iba ang mood ko. Takot, takot ang nararamdaman ko.
NAKAUWI na ako, may takot pa rin akong nararamdaman, Sino kaya ang importanteng mawawala saakin?
Binuksan ko ang pintuan ng unit namin, "mama, nakabalik na ako!" Sabi ko habang inaalis ang suot na sapatos
Walang sumagot, sinuot ko ang pangbahay na tsinelas. Tiningnan ko ang salas, wala dun. Tiningnan ko ang kusina, wala rin dun. Asan si mama?
"Mama?" Sabi ko habang hinahanap si mama
Weird, wala si mama. Nasaan ito? Wala ring selpon un, paano ko malalaman kung safe siya? Binalot ako ng kaba
Napatalon ako at may nagdoorbell sa unit namin, pumunta ako sa front door at binuksan un.
Bumungad si Auden, naka pang opisina ito "pasok ka" Sabi ko at nilakihan ang bukas ng pinto..
"Bakit di ka pumasok?" Tanong nito ng nakapasok na "late ako gumising, tas nag tingin ako sa tiangge" Sabi ko
Niyakap ako nito bigla "I'm glad that I met you again, Louie" Nanigas ako
Si Rios? Kinalimutan ko na ito, kasi iniwan rin ako. Bigla nalang siyang nawala..
"Imposibleng si Rios ka" Sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap nito, ngumiti ito. Nakita ko sa Mata nito na may unting lungkot
"I'm sorry for leaving you, Louie"
YOU ARE READING
The Alphabet Killer
Romance"You're the one who light up my dark world. Where killing is the only thing I do." Started: 10/16/2020 Finished: 01/29/2021