Chapter Five

512 16 2
                                    

Dylan Pov

"Wow Daddy ang laki ng house mo po" manghang sabi Sevi buhat buhat ko silang dalawa

"at maganda din po Daddy" Levi "sumala ngayon dito narin kayo titira kasama ko" sabi ko

"talaga daddy yeah" Sabay nilang sabi "Mommy oh ang ganda ng House ni daddy" excited na sabi ni Levi ngumiti lang si Luna pero halatang na pipilitan lang.

Wala akong paki sa kanya ang mga bata lang ang concern ko pero tulad ng sinabi ko ayaw ko naman ilayo ang mga anak ko sa tunay nilang ina.

" daddy may playroom din ba sa house mo kasi in Canada we have playroom." Sevi "Wala pero kung gusto niyo palalagyan ko ng playroom" sabi ko at mukhang tuwang tuwa sila.

Nakatira parin ako sa lumang bahay ko pero my plano na akong magpatayo ng bagong bahay. Hindi ko naman pwede itira si Angela rito kung ikakasal kami. Plano kung ibigay kay Luna ang titulo ng bahay sa oras na magawa na ang bagong bahay na ipapatayo ko. Pwede niyang gawin ang gusto niya pero hindi hindi na niya pweding ilayo ang mga bata.

Speaking of Angela hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, Mahal ko siya pero nagtatampo parin ako sa ginawa niya.
____________

"Luna go to my room and get  clothes that you can wear for tonight. Bukas ko pa ipapakuha ang mga gamit ninyo. I have unused boxer in my closet also that you can use" sabi ko. Tumango ito at lumabas mula sa Kwarto nila.

Hindi ko naman kailangan sabihin kung saan banda ang kwarto ko kasi alam na alam niya yun at itong kwarto nila kwarto to ni Luna noon pero kaninang umaga pinapalitan ko ng malaking kama para mag kasya silang tatlo. Ipapaayos ko pakasi ang kwarto ng kambal.

At pweding si Luna na ang gumawa ng design since she is an architect. Nakapagtataka nga at nagtratrabaho siya bilang secretary ni Maxine sa Canada.

"Daddy I'm sleepy na po" levi "me too daddy" Sevi mukhang na pagood sila sa pamamasayal namin kanina sakto naman bumalik na si Luna bitbit ang damit na kinuha niya sa closet ko.
"Magbihis kana gusto na raw ng mga bata matulog" tumango lang ulit ito at pumasok sa banyo. Pinag bihis ko narin ang kambal ng damit binilhan ko sa kasi sila ng damit kanina sa mall.
"daddy Milk please!" Levi "Milk din ako daddy" Sevi tumango ako at  tumayo "ipagtitimpla kulang kaayo babalik din ako agad" sabi ko "yes daddy" Levi at Sevi lumabas na ako ng kwarto nila at bumaba papuntang kitchen.

Pagbalik ko sa kwarto nila nakita ko si Luna inaayos ang damit nila kanina sa laundry basket. Parang siyang hanger sa t-shirt ko dahil sa maliit siya kumpara sa akin. I think she 5.2 ft habang ako ay 6 ft. Mahaba ang buhok niya at mas pumiti siya kumpara noon. bakit ko Inisip ang babaing toh, binigay ko sa kambal ang gatas nila at kinandong silang dalawa habang uminom ng gatas.
___________

Nang makatulog ang ang kambal ay pumunta ako ng kwarto ko para magbihis ng damit.

Bumababa ako para sana kumuha ng tubig ng pansin kong medyo naka bukas ang main door. Lumabas ako ng bahay ng makita ko si Luna kausap si Maxine hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero nanatiling akong  naka tayo lang ako sa may pinto ng bahay.

Napakunot ang noo kung makita si Maximo. Pero mas napakunot ang noo ko ng yakapin nito si Luna at hinalikan sa noo. May relasyon ba silang dalawa sa hindi ko malamang dahilan napakuyom ako ng kamay ko.
_________
Luna Pov

Ayaw man nila Maxine na dito kami magstay ng kambal sa bahay ni Kuya dylan. Wala din silang magagawa pag nag decision na si Kuya yun na yun. " Basta Luna sa oras na may gawing masama si Dylan sa inyo lalo sayo tumawag kalang at ilalayo namin kayo ng kambal dito." Maxine tumango ako "salamat sa paghatid ng mga gamit namin wag kayong masyadong mag alala" niyakap ko si Maxine " ang sarap bugbugin ng gagong Dylan na yan" Max lumapit ito sa akin "parang malalayo naman ako sa isa kung kapatid" ngumit ako.

I Want You Back (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon