Chapter 2

157 25 8
                                    


Love? Sino toh? Hindi ito yung unang beses na sinurpresa nya ako, Pero bakit di ko parin nakikita ang mukha nya, Nung nakaraang birthday ko naka mask sya kaya di ko nahalata, pero ngayon kakaiba

Unti unti ko syang nilapitan at tinanaw ang kanyang mukha

Palapit sya ng palapit sakin na para bang hindi natatakot na makita ng mukha nya

Sino ito?

"Love nakalimutan mo na ba ako?" Sabi nya, tyaka bumukas ang mga ilaw

Oh myyyyyy MARLON??

"marlon" pabulong kong sabi

Si Marlon ang Ex ko na, iniwan ako ng walang pasabi, ni hindi nga sya nakipag hiwalay, wala kaming closure, basta nalang syang nag aral sa ibang bansa

Nalungkot ako bigla, Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, bat di ko sya nakilala? Sya ang unang lalaking pinaiyak ako at sya ang lalaking mahal na mahal ko

"Sorry Love for being stupid, Sorry for eveything, Magpapaliwanag ako"

Lumapit sya at niyakap ako

SABI KO SA SARILI KO HINDI NA AKO MARUPOK, OO HINDI AKO MARUPOK KAY MARKY PERO KAY MARLON ANG RUPOK RUPOK KO

Bumalik lahat ng sakit

Tinulak ko sya, At nagsimula ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata na para bang agos ng Falls (Kemi)

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya

"Sorry, Matagal na akong andito sa pilipinas, pinagmamasdan ka sa malayo na may kasamang iba, nasaksihan ko kung paano ka umiyak sa ulan noon ng dahil sa kanya, nasaksihan ko lahat ng masakit na nangyari sayo Love"

"Pero--" di ko na tuloy ang aking sasabihin ng biglang lumabas si Kuya Alex

"Maria?, Sino ya----"

"Magandang gabi kuya alex"

Agad sinugod ni Kuya si marlon ng suntok

"Pagkatapos mong iwan ang kapatid ko ng walang pasabi, Sana hindi ka nalang bumalik!" Galit na tugon ni kuya alex

"KUYA!"

"Wag mong sabihin tatanggapin mo yang g*gong yan Maria? Nakalimutan mo na ba na muntikan ka ng mamatay ng dahil sa lalaking yan? Huh?? Nakalimutan mo ba?"

Bumuhos ang mga luha ko, naaalala ko lahatng nangyari noong iniwan ako ni Marlon

"Ma, Pa, Kuya alis muna ako, punta lang ako kila marlon"

"Sige mag iingat ka iha" sabi ni mama

"Hatid na kita" kuya alex

"Sige kuya, Tara na!

Habang nasa byahe kami nakapansin ako ng isang familiar na sasakyan, Sasakyan nila Marlon, mula sa loob natanaw ko si marlon Ba bat bihis na bihis at umiiyak? San sya pupunta?

Agad ko syang tinawagan pero hindi sumasagot

Wait, baka nagmamalikmata lang ako, Hindi si Marlon yun, Hindi! Hindi sya yun

Pagdating namin sa harap ng bahay nila bigla kaming sinalubong ng Guard

"Maam Maria, Kanina pa po umalis sila Sir, Tutungo raw po sila sa Europe para din na sya mag aral"

"Huh? Bakit? Hindi man lang sya nagtxt sakin, bat di ko alam?" Litong tanong ko

"Sigurado ba kayo kuya? Baka may pinuntahan lang na bakasyon? Or may bibilhin? Tanong ni kuya

"Hindi po, Nung nakaraang linggo pa po plinaplano nila Maam Lhea na pumunta ng Europe, narinig ko ring pong inuutusan ni maam na hiwalayan ka na daw po, para daw po sa kapakanan ni Sir" malungkot na sabi ng Guard

"Maria uwi na tayo, Ga*gong yun, Putan* i*na nun!" Galit na sigaw ni kuya

"Kuya hintayin natin baka may pinuntahan lang" naluluhang sabi ko sa kanya

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Manong? Umalis na sya, iniwan ka naaaa! Kaya hayaan mo na sya, Hindi sya karapat dapat sayo"

"Hihintayin ko sya dito kuya"

"Maria, wag matigas ang ulo, kakagaling mo lang sa sakit, Makulimlim na rin ang langit oh baka umulan"

"Kuya mauna ka na"

"Hindi! Sasama ka sakin"

"Kuya pls!! Mauna ka naaa! Sigaw ko sa kanya (nadala tuloy ako ng galit ko)

Sa galit ni kuya sumakay sya sa sasakyan at hinayaan na ako
Pero akala ko aalis na sya pero binantayan nya ako, Ramdam ko ang pagmamalasakit ng kuya sakin, Bumuhos ang malakas na ulan

Parang may nag reflect na kanta sa isipan ko
"How do i mend a broken heart? My entire world has fallen apart, How do I find hope in a brand new day, when the one I love has gone away?

(Ito ang unang mababasa mo sa kantang LET ME BE THE ONE BY JIMMY BONDOC LYRICS)

"MOVING ON IS EASY BUT WHAT YOU LEAVE BEHIND IS WHAT MAKES IT HARD"

"🎶 somebody told me you were leavi'n I didn't know
Somebody told me you were unhappy but it doesnt show,
Some body told me that you dont want me no more
So you were walking out the door🎶🎶🎵🎵"

Credits to Jimmy Bondoc.

Mas lumalakas ang ulan, at mas bumibigat ang aking pakiramdam na para ba akong sinasagasaan ng isang kotse, agad nanlabo ang mga paningin ko at di ko na alam ang sumunod na nangyari

"Umalis ka dito sa pamamahay namin, kapal din ng mukha mong magpakita rito, matapos mong iwan na parang tanga ang kapatid ko, di mo alam ang pinagdaanan nya nung iniwan mo sya nakapa ga*go mo!"

"Di mo rin alam ang nararamdaman ko, di ko kagustuhan--"

"Hindi kagustuhan? Pero ginawa mo parin, iniwan mo parin!!"

"Pe--"

"Wag ka ng magsalita, Umalis ka na rito, O gusto mong kaladkarin pa kita palabas" sigaw ni kuya alex

Nagsilabasan naman na sila kuya Aron, Mama at papa

"Anong--"

Di natuloy ni Papa ang kanyang sasabihin ng makita nya si Marlon, aakmang susugurin na sana ni papa kaso pinigilan sya ni Kuya Aron

"Marlon Umalis ka na, Pabayaan mo na ang kapatid namin" mahinahong sabi ni Kuya Aron

Hindi na ako nakapag salita, at umalis na rin si Marlon

Nakatunganga nanamann ako sa kwarto ko matapos ang nangyari, Imbes na maging masaya ako na nakita ko na sya pero nangunahan ng Galit at lungkot, Oo galit ako na iniwan nya ako pero mas nangingibabaw parin yung pagiging maunawain ko

Siguro kaya sya umalis kasi ayaw ako ng pamilya nya, siya lang ang naiisang anak kaya dapat nyang sundin ang magulang nya, kesa naman labagin nya pero mag hihirap at itatakwil sya ng pamilya nya, Oo masakit pero pinipilit ko parin intinidihin ang lahat nangyari

Sa huli napatawad ko na sya at nakapagmove on na ako pero bumabalik parin yung sakit

Tanga ko rin eh sana pala pinigilan ko yung kotse nila para di sya makaalis, sana pala naniwala ako sa nakita ko at hindi pinairal ang pride ko. Nakita ko na sya pero binalewala ko lang kaya ngayon ganto ang nangyari




©mariaaa_phiaaaaa| Enjoy reading everyone❤

THANK YOU❤

LOVE IN THE DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon