Lumabas na lang ako sa Private Room para magpahangin at magpalamig na rin ng ulo, masyadong mainit ang mga nangyayari ngayon, parang di ako anak kung makasigaw si mama, wala naman akong masamang ginawa
nagtataka ako kung bakit nalaman ni mama na andito kami sa Ilocos, at ang parang ang bilis nya lang naka sunod
Bumaba na ako kasi gutom na rin ako, Kaninang hapon pa ako walang kain, at gabi na rin, Nahiya tuloy ako kay Jeri kasi nasaksihan nya ang gantong bangayan ng pamilya namin
Agad kong tinawagan ito
"Jeri, Sorry" panimula ko
"Di mo kasalanan Maria"
"Sorry kasi nakita mo ang lahat ng nangyari"
"Okay lang, Besides We're Friends"
"Thank You"
Pinatay ko na ang tawag
San kaya ako pupunta ngayon? Ayaw kung bumalik ng Hospital siguradong magsisigawan nanaman kami ng Mama
10:27 in the Evening
Pumasok ako sa Jollibee upang kumain, nag order lang ako ng Super Meal
Nagpalipas ako ng ilang oras at nagpasya na akong bumalik sa Hospital
Dahan dahan kung binuksan ang pinto pero narinig kung nag uusap si Lola at Mama
"Ano ka ba Stella, Wag mo namang tratuhin ng Ganun si Maria"
"Ma naman, Sumusobra na yung batang yan"
Wow! Ano ba ginawa ko? Bat ako sumusobra?Hinahayaan ko ngang tratuhin nila ako na parang ampon
"Stella anak mo na yan, at bakit ba hindi mo sya itrato gaya ng pagtrato mo sa mga Anak mong lalaki"
"Ma, alam mo naman ang dahilan" nagpabuntong hininga si Mama
"Kung ayaw mo na syang alagaan, ako na mag aalaga sa bata, maawa ka naman sa anak mo Stella"
"Ma, pahinga na po kayo, pagkalabas nyo dito uuwi na rin kami sa Manila at iaasikaso ko ang papeles natin para makapunta na tayo mg Canada"
Di nalang sumagot si Lola
19 na ako pero di parin ako nakakaranas ng special treatment mula sa nanay ko, minsan sweet sya pero parang peke, I can't feel her Love, I can't feel the care of a Mother
Im so confused about their Conversation Earlier, parang may bumabagabag sa isipan ko at di ako makapakali, parang may kulang, parang may tinatago
Here we go again, Nag oover think nanaman ako
Kumatok ako bago pumasok
"Apo, San ang kuya mo?" Tanong ni Lola
"Di ko po alam Lola" mahinang sagot ko
"Alis muna ako Ma" singit ni Mama
Tumango lang ang Lola
Agad naman akong tumabi at umiyak sa harap ni Lola"Pag pasensyahan mo na ang Mama mo iha, Baka marami lang syang iniisip at problema kaya ikaw nag pingbubuntungan nya" nakangiti ito habang hinahaplos ang Buhok ko
Di ako sumagot, Umikbi ako para naman kahit papaano mabawasan ang bigat sa dibdib ko
"Shh tahan na, kung pwede lang ako nalang mag alaga sayo, kaso matanda na ako baka di na kita maabutang mag asawa"
"La, wag ka namang ganyan"
"Basta lagi mo lang tatandaan na, Mahal na mahal ka ng Lola, Tiisin mo lang ang Mama mo, Pag may nalaman kang sekreto, wag kang magagalit sa Mama mo"
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE DARK
RomanceSince the day I met you, I never would imagine that i would have such strong feelings for you I find you arrogant and rude that day, But I'll admit that I attracted on you, specially when i saw you smiling, Your smile is my favorite part of you. Yo...