CHAPTER 25

67 6 0
                                        

MATURED CONTENT⚠

Naihatid na namin ang kambal

Nakarating na rin kami ng Kompanya pero di ko parin pinapansin si Blake, Yes Im jealous, bakit tawag ng tawag ang babaeng yun sakanya, Hayys


Sa sobrang busy ko hindi namamalayan ang oras, Nalipasan na ako ng Gutom, sinabi ko kasi sa Secretary ko na wag nagpapapasok ng kahit sino sa Office ko dahil busy ako

"Ma'am Sir Blake is here po, papapasu--" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng sumagot agad ako

"Wag kang magpapapasok ng kahit sino" sagot ko

"Okay po Ma'am" sagot niya naman at sinara na ang pinto

"Sir, hindi daw po pwedeng pumasok sabi ni Ma'am" narinig kong sabi ng secretary ko

"Sir, Bawal po" sabi nanaman nito

Hindi napigilan ng Secretary ko si Blake kaya binuksan nito ang pinto ko tyaka pumasok

"Ma'am mapilit po si Sir" sabi naman ng secretary ko, wala na siyang nagawa dahil nakapasok naman na si Blake

"It's okay" sabi ko at lumabas na siya

"Get out" kalmadong sabi ko sa kanya

Hindi siya nakinig at lumapit sa mesa ko

"I said Get out" may diin na pagkakasabi ko

"No, Mag uusap tayo kanina mo pa ako hindi pinapansin simula ng tumawag si Veronica, Walang namamagitan sa amin kung yan ang iniisip mo" sabi nito at nakatitig sa akin, Abala ako sa pagbubuklat kunwari ng papel sa desk ko

"Get out, I don't need your Explanation" sagot ko at tinarayan ko siya

"C'mon I know you are Jealous" nakangiting sabi nito

"Asa ka" sagot ko

"Maniwala ka naman sa akin, nakita mo namang hindi ko sinagot ang tawag niya, Ano bang gusto mong gawin ko para magbati tayo? Sige papalitan ko mamaya Sim ko, Please sabihin mo lang" sabi niya

"Get out" ma awtoridad na sabi ko

"Akala ko ba ayos na tayo, we made love last night" sabi nito

"It just a Plain sex Blake, Walang meaning yun, May pangangailangan din ako bilang babae, kaya kung akala mo may something dun pwes di ko na kasalanan yun" sagot ko sakanya "so get out" sigaw ko

"Wow! Just Wow Maria" nakakunot noong sagot nito

"Hindi mo parin ba nagets ang sinabi ko? Yung nangyari sa atin kagabi wala lang yun kaya wag kang umasa" sabi ko

"So ginagantihan mo ako? Okay aaminin ko nasaktan ako, Umasa ako Maria Umaasa ako, masaya ka na?" Sigaw nito sa akin, kumirot ang puso ko ng may luhang pumatak sa mga pisnge niya

"Oo masaya ako! Kulang pa yan sa pangluluko mo sa akin, kulang pa yang sakit na nararamdaman mo kumpara sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon dahil sa pagluluko mo" agad kong pinunasan ang luha sa mata ko

"Okay Fine pero Hindi parin kita susukuan" kalmadong sabi niya at umalis na ito

Sobra niya akong nasaktan noon, kaya ko nagawa to sakanya, Plano ko talagang gantihan siya, and now I won, halata naman sa mga mata niya na nasaktan siya sa mga sinabi ko kanina, Hindi ko alam pero bigla nalang kumirot ang puso ko ng makita ko ang reaction niya, Imbes na maging masaya ako dahil naka ganti na ako sa pagluluko niya mas lalo lang akong naawa sa sarili ko





Alam kung masama ang gumanti pero wala eh nasasaktan parin ako hanggang ngayon, Oo mahal ko parin siya pero punong puno na ng galit ang puso ko, nilalamon na ako ng galit nagawa ko yun sa kanya




LOVE IN THE DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon