Chapter 5

97 21 13
                                    

Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa pakikitungo ng pamilya ko, May di sila sinasabi sakin, Pero aalamin ko nalang,

"Isla, Jere, Tara sa Beach ming ming tayo" pagyayaya ko sa kanila

"Ming ming ka dyan, Ano ka bata?" Nakangising sagot ni Jere

"Eh di Swimming, Arte mo magkatunog naman"

Pagkatapos naming magbihis ng pang swimming bumaba na agad kami

Ang ganda talaga ng kurba ng katawan ni Isla, Parang mala nadine lustre, morena, medyo kulot ang buhok, matangkad at higit sa lahat ang gabi ng hugis ng labi nito parang puso

At ito namang si Jere gwapo pero ewsn ko bat bading, Ang ganda ng din hubog ng katawan pang matcho dancer pero yun na nga Bading pala, akala ko nga nung una Gwapo, Crush ko pa nga noon HAHAHA

Wala kaming ginawa kundi mag picture ng mag picture, pose dito pose dun

Napaka ganda ng kulay ko sa suot kung bikining itim, mas lalo nyang pinakikinanang ang aking balat at mas lalong humuhubog ang aking katawan, mataba ako pero di naman malaki tyan ko, di naman ako mabilbil, Kahit mainit langoy kami ng langoy, syempre lilipat na kami sa Rest House may swimming pool naman dun kaso iba parin ang Dating ni Poseidon sa aking balat at may pinag halong Hangin na mula sa mga Anemoi at ang init na mula kay Helios, napaka ganda ng kombenasyon ng tatlong ito yun ang imahinasyon ko

*GREEK MYTHOLOGY*

*ANEMOI- the four wind Gods
*POSEIDON- God of the Sea (water)
*HELIOS- God of the Sun

Tumahan na kami nung sobrang init na ng araw at feeling ko nga nang iitim na ako sa kababad sa Tubig, at syempre gutom na rin kami, alas tres na ng hapon

Plano pa sana naming maligo pero pinigilan na kami ni Papa dahil ngayon na raw kasi mismo tutungo ng Rest House, Akala ko Bukas pa, Hayyst, Ang saya ng araw ko pero pinalungkot ako ng mag yaya na sila Papa, muntikan ko ng nakalimutan kasama pala ang ugok na Marlon, Ewan ko parang guni guni ko lang ata na mahal ko pa yun pero ang totoo si Marky parin talaga mahal ko, Ewan ko nakakalito na, may nagsasabi sa utak ko na wag ng tanggapin ang kauna unahang lalaking iniwan ako

Nakapag impake na kami ng gamit at nakaligo na, handa na kaming lumipat sa Rest house medyo malayo layo pa naman dito yun

Habang nasa Van kami hindi ko maiwasang mailang sa mga kinikilos ng pamilya ko, nakita kong tumingin sakin si Kuya Aaron, Na parang nagtatanong, pero agad ding nag iwas ng tingin

Ewan ko parang may kakaiba talaga di ko maintindihan

Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko tumunog ang cp ko

*Marky is calling*

"Hello" panimula ko

"Hi Babe, babe balik ka na babe" na parang umiiyak

Ano bang nagyayari sa mga tao ngayon

"Lasing ka ba?" Diretsyahang tanong ko

"Hindi naman babe, Andito ako sa kwarto ko ngayon"

"Oh pahinga ka na muna, mag uusap tayo pag uwi ko"

"Asan ka?"

"Andito kami sa palawan, Ewan ko kung kelan kami uuwi''

"Cge hihintayin kita babe"

"Cge"

"Iloveyou"

Narinig ko nanaman ang gustong gusto kong salita na mula sa lalaking ito

"Iloveyou too" mahinang sambit ko

LOVE IN THE DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon