Letse. Tumunog na ang alarm clock. Kakapikit ko lang, oras na nga agad? Wala pa akong maayos na tulog. Ang daming project na kailangan ipasa kaya napuyat ako.
Nag-unat unat muna ako habang nakahiga at umupo upang magdasal. Yes. Always start your day with a prayer. Kahit kaunting pasasalamat lang dahil nagising tayo, diba?
Nag-ayos na ako ng higaan at dumeretso sa banyo. Nakakain na ako ng almusal at nakapagbihis na. Buti nalang at marunong ako sa mga gawaing bahay kahit papaano at maayos akong nakakagalaw dito sa dorm na inuupahan ng mga magulang ko. Malayo layo rin kasi ang bahay ko mula dito hanggang sa school. Kaya hindi hassle kung malelate man ako dahil malapit lang itong dorm.
Kanina pa may katok nang katok sa pintuan kaya naman binuksan ko ito.
"Good morning, tangi!!!" Sabay yakap niya sa akin. Sweet.
"Good morning. Saglit lang! Matutoothbrush muna ako. Kakatapos ko lang kumain e." Nagthumbs up naman siya at naupo sa sofa. "Kumain ka na?" Tumango lang ito. Weird. Kanina ang ingay tapos biglang naging tahimik. Hindi ko nalang pinansin at pumunta akong banyo.
Problema niya? Hindi naman kasi ganun 'yon. Jolly type siya. Ewan. Basta. Nagooverthink lang siguro ako.
"Ang seryoso mo naman dyan."
"AY SIOMAI RICE!!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Gutom ma teh? Cute mo tangiiii." Kabwisit. Kiniliti niya lang naman ako at hindi ko napansin na nakapasok na pala siya ng banyo.
"Hmpk!!! Letse ka!!!" Nagmumog na ako tska nagpunas ng mukha. Sabi sa inyo, hyper ang manliligaw ko!
"Tara na, sabay na tayo pumasok. Lezgawwww!" Tumango naman ako at nilock na ang dorm. "Akin na 'yang mga project mo. Pakopya ako." Hinampas ko naman siya ng bahagya. "Joke lang e!" Baliw. Ganyan lagi siya kahit siya yung may medyo kalayuan na bahay, laging maagang pumapasok para sunduin ako. Sweet (again). Mainggit kayo. Perpekto ang jowa ko! Ay. Soon to be.
"Tangi, sa tingin mo, kailan mo ako sasagutin?" Nagulat ako sa tanong niya kaya naman napatigil ako at nauna siya sa paglalakad. "Uy, bebe ghorl!"
"H-ha?"
"Hakdog."
"Halaman kaya."
"Hakin ka." Sagot niya. Errr. Namumula ako. Ayoko na.
"Ew. Corny."
"Ayaw mo non? May jowa kang corny?" Amfeeling talaga neto.
"Whatever." Since pinagtitripan niya ako. Balak ko rin siya pagtripan. Pero mahina lang. Sobrang hina to the point na hindi niya maririnig. "Sige tayo na."
"Ha? May sinasabi ka? Paki-ulit?" Bingi hshshaha.
"Wala! Sabi ko bingi ka." HAHAHAHA galit na galit. Nilagpasan ko nalang siya at naglakad ng deretso at taas noo. Charot.
"Woi bebe ghorl! Hindi ako bingi ha! Mahina lang 'yang boses mo. Pinapaulit ko naman ayaw mo!" Tumalikod ako at humarap sakanya at nagwink face with tongue na nakalabas. "Huwag mo akong iwan dito. Hindi porket mahal kita ha!" Tumakbo naman siya papalapit sa akin. Pinagtitinginan na naman kami. Y man ka ganyan.
Independent study. Isang oras ang IS namin na tinatawag naming 'break time'. Mabilis ang takbo ng oras. Naipasa ko naman ng maayos ang mga project ko at ang taas din ng marka na binigay sa akin. Hindi nasayang ang pagpupuyat ko. Pero antok na antok ako kaya andito ako sa favorite kong tulugan- ang library. Isang subject nalang pagkatapos pwede nang umuwi. Yes, makakatulog na ako.
Tuwing IS, ang ginagawa ko ay pumunta ng library dahil trip kong magbasa ng mga books na pangmedicine. Yep. Balak ko maging doctor kaya naman nag-STEM ako. Wala namang strand na hindi mahirap. Kumbaga sa labanan, eto yung training. Enjoyin lang. Kung nagtataka kayo bakit walang nanggugulo, may pasok po si Cas.
YOU ARE READING
GALIRAM
Fiksi PenggemarNaniniwala ka ba sa 'coincidence'? Kasi ako, hindi. Mas naniniwala ako na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may rason. Tulad nalang ng pagkatagpo ko sa bandang munimuni. May mga tanong na bumabagabag sa aking isipan tulad ng... Bakit ko nga ba...