First day na ng University Week namin. Ngayong first day ang opening remarks at pagbubukas ng mga booth.
Agad-agad namang natapos ang lahat kaya naman kaming mga officer ay nagchecheck lang ng mga booth. Tuwang-tuwa ang mga estudyante dahil hindi daw kami pumapalya tuwing may event. Nagcompliment din ang Dean sa amin pati ang mga teacher dahil nakaayos lahat ang mga booth at makikita naman na lahat ay nageenjoy.
Samantala, ako naman ay naghihintay kay Aste.
"Huy! Ate Z! Tara sa may horror booth sabi ni Pres." Sabi ni Clive.
"Ehhh? Saka na, may hinihintay pa kasi ako. Sunod nalang ako. Mauna na kayo."
"Sino pong hinihintay mo?" Tanong neto.
"Hay naku. KJ kaya 'yang ate Z mo, Clive! Ako nalang. Baka maduwag pa 'yan e." Pagaalburoto ni Phryne. Gaga ampota.
"Alam naman natin sinong duwag sa ating dalawa P, diba?" Tanong ko habang nakangiti.
"De joke lang 'yon, bebe Clive! Kaya n'yo na 'yon ni Pres tutal lagi siyang minumulto tuwing nakakaharap niya salamin nila. Hehehe." Sakto naman dumating si Pres.
"Anong sabi mo?" Awts gege. Taypats ka kay Locke neto, bhie. Tiningnan naman ako ni P. Oh bakit ako? Err.
"Hoy. Itigil n'yo na nga 'yan. Kayo na muna ni Clive magcheck ng horror booth, Pres. Pwede ba, huwag n'yo muna akong guluhin. May hinihintay pa kasi ako, anuba." Sabi ko. Natahimik naman sila at lumayas ang dalawa.
Eto namang babaeng 'to ang naiwan.
"Uy, bebe Z! Nakita ko pala kanina si Cas-"
"Weh? Talaga? Saan mo siya nakita? Saan banda? Anong oras?"
"Wow! Ang dami, bebe! Pwede bang isa-isa muna? Isa lang bibig ko oh!" Pagtuturo niya sa bibig niya. "Anyway, oo nga nakita ko nga. Parang nagmamadali kanina nung papunta ako dito. Hindi ko na alam saan nagpunta e."
"Oh. I see I see."
"Lungkot yarn?" Tanong neto. "Alam mo sabi nung manliligaw ko, bawal ang sad dapat laging happy daw."
"Kahit si Ryza Mae Dizon talaga may sabi n'yan?"
"Fan ka 'teh? Omg." Tska siya tumili. "De, biro lang. Alam mo, may plano ako."
"Ano-ano na namang naiisip mo, ha?"
"Tutal kanina ka pa naghihintay d'yan, e bakit hindi natin isulat pangalan n'yo sa marriage booth? Duh! Hindi ka naman mapapagod kakahabol at kakahanap tska-"
"Good idea!" Hinila ko siya. "Tara."
"Excited ka, ghorl? Eto na, eto na. Huwag mo na ako hilahin grrr." Pagpupumiglas n'ya. Nakadating na kami sa marriage booth at sinulat niya na yung pangalan naming dalawa. Ofcourse, siya na rin nagbayad.
"Umay ka talaga, bebe Z! Kuripot ka haaa." Sabi neto.
"Aba. Ikaw nakaisip, ikaw ang gumawa." Sabi ko sakanya. Tinarayan niya naman ako.
"Pasalamat ka, love kita at ayaw kita makitang nasasaktan." Yeah, thanks for the love.
Sana umatted siya. Kung hindi, it's a sign na nga talaga.
-
Hapon na. Tirik ang araw.Nandito ako sa may office namin. Nakamukmok lang ako. Wala akong ganang makipag-usap or what. Wala pa ring message kahit isa mula kay Aste. Tangina, ang arte. Joke.
"Ayan siya oh!" Nagulat naman ako ng biglang may pumasok sa office at may dalawang babaeng kasama si Phryne.
"Eh? Anong meron?" Tanong ko.
YOU ARE READING
GALIRAM
Hayran KurguNaniniwala ka ba sa 'coincidence'? Kasi ako, hindi. Mas naniniwala ako na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may rason. Tulad nalang ng pagkatagpo ko sa bandang munimuni. May mga tanong na bumabagabag sa aking isipan tulad ng... Bakit ko nga ba...