Ilang taon na rin nakakalipas ang mga araw na lagi ko s'yang kasama. 'Di kami naghihiwalay, kung nasaan ako, nandoon din s'ya.
Naglalaro kaming magkasama, halos parehas kami ng kilos at galaw. Napagkamalan na kambal, kumbaga.
May mahabang buhok, gaya ko. At laging nakabestida katulad ng sinusuot ko araw-araw.
Kaibigan ko lagi ang karamay ko sa lahat, kaya pag malungkot ako nandyan siya. Siya na rin ang dahil kung bakit ako nasaya tuwing araw na kasama ko s'ya.
"Dalia, sino nga pala yung ipapakilala mo sa'kin?" Tanong ng isa kaibigan kong si Ness.
"Ah, si Delia ba? Tara panik tayo sa kwarto." Isinama ko siya sa taas kung nasaan ang kwarto ko.
Puting mga pader, kurtina at mga iba pang bagay ang nasa loob ng kwarto. Iyon talaga ang pinasabi ko para sa kwartong gusto ko.
"Malaki laki rin pala ang kwarto mo Dalia, pero nasan si Delia?" Nagtatakang tanong n'ya.
Pumunta ako sa aking puting pader ng aking kwarto, na may kunting agwat dito at humarap kay Ness.
"Ness, eto si Delia." Ngiti kong sabi.
"H-Ha? Pero w-wala naman eh?"
"Hindi mo ba nakikita, Ness? Ayan n'ya siya kumakaway sayo." Tumingin ako sa likod ko habang nakangiti. Tumingin ako kay Ness, pero wala na to sa kwarto ko.
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko s'yang nakikipag-usap kay mama. Pero nagtago ako sa gilid para marinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Tita, si Dalia po sabi n'ya magkaibigan daw po s'ya ang pangalan n'ya daw ay Delia. Pero wala naman po tita eh." Nakikita kong mangiyak-iyak na si Ness kakapaliwanag.
"Pag pasensyahan mo na Ness si Dalia ah, ganun din ang sinasabi n'ya sa'kin. Pinakilala n'ya na rin saakin yun, pero wala. Hayaan mo, pagsasabihan ko siya." Rinig kong sabi ni mama.
Tumakbo ako papanik sa taas, hindi sila naniniwala saakin. 'Di ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo.
Kinulong ko ang sarili ko sa aking kwarto, at umiyak. Tanging si Delia lang talaga ang karamay ko sa lahat.
"A-Ayaw nilang maniwala saakin na kaibigan kita Delia." Sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na Dalia, nandito lang ako. Ako ang karamay mo sa mga problema mo." Sagot ni Delia saakin.
"Pero ayaw nilang maniwala na nandito ka, na kasama kita araw-araw. Ang gusto ko lang naman makilala ka rin nila, dahil napakabait mo sa'kin." Paliwanag ko sa kanya.
"Wag natin pilitin ang ayaw Dalia, at tanggapin mo na lang na ako ang nag-iisang karamay mo sa mga problema mo."
Napalingon ako ng biglang nagbukas ang pinto at nakita ko si mama.
"Anak, s-sino kausap mo?" Tumingin si mama sa paligid. At tumingin sa'kin.
"Si Delia po mama, ang kaibigan ko." Sabi ko na wala sa sarili.
"Pero wala siya anak, ilang beses ko bang sasabihin sayo yun Dalia." Pagalit na sabi ni mama.
"Nandito s'ya! Kaya umalis na kayo, nasasaktan lang si Delia sa mga sinasabi n'yo!" Tumayo ako at tinulak si mama palabas ng aking kwarto at sinara ko ang pinto.
"Pasensya kana Delia sa sinabi ni mama, hayaan mo na yun."
"Ayos lang, masaya na 'ko na pinaglaban mo ko sa kanila." Sagot ng itim na anino sa aking tabi.
YOU ARE READING
Random Stories
RandomWhen the Author seems to be bored, she used imagining things before she go to bed.