Emotions

2 1 0
                                    

Ako lang ba yung taong kakaiba? Yung tipong dadaan lang sila kita ko na ang bawat emosyon na pinagdadaanan nila.

Ako nga pala si Karina Lopez, ang kakayahan ko ay isang malaking sekretong hindi dapat na malaman ng iba. Nakikita ko ang mga emosyon ng taong nakapaligid sa'kin. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, basta't nalikha na lamang ako na may kakayahan na hindi magawa ng iba.

Mula sa mga kulay na nakikita kong anino mula sa tao, doon ako bumabase sa mga emosyon na mayroon sila.

"Nakita mo si Lian kanina? Langya! Nasubsob sa inuupuan niya sa canteen." Halagpak n'yang kwento sa'kin. Nakikita ko ang dilaw na anino, nagpapahiwatig masaya siya ngayon.

"Grabe ka, itigil mo na nga yang tawa mo. Napahiya na nga ako eh." Inayos niya ang salamin niya, at may kulay asul na anino ito. Malungkot siya. "Ang malas kong ngayong araw." Dagdag na sambit pa niya.

"Ayos lang yan, Lian." Sabi ko. At ngiting ngumiti ito sa'kin.

Napabaling kaming tatlo ng mga kaibigan ko nang dumating si Tamara. Kita ko ang pagkunot noo niya, at parang sasabog na ito sa galit sa sobrang laking itim na nakapalibot sa kanya.

"I can't believe na hindi nila ako kinuha sa Pageant! Nakakainis! Hindi naman magaganda ang tinanggap!" Padabog itong umupo saamin.

"Panget ba ko huh, Mimi?" Baling sa'kin ni Tamara. Umiling ako sa kanya.

"Hindi noh. Baka hindi mo lang talaga lucky day ngayon."

Natahimik kaming apat at may kanya-kanyang kami ginagawa. Dahil malapit na rin ang darating na final exam namin sa klase.

Lumipas ang mga minuto, may narinig kaming hiwayan palapit sa amin. And guess what? My ultimate crush since junior high, Kevin Ferrer ay papunta sa direksyon namin. Agad akong nag-ayos ng aking sarili.

"Ehem! Girls, alis na tayo iwan na natin si Mimi." Sambit ni Tamara at tumayos naman ang tatlo. Habang ako nakaupo pa rin.

"Baka kasi makaabala pa kami." Sabi naman ni Paola. Umirap pa ito at ngumisi.

"D'yan ka na Mimi ah." Mahinhin na sabi naman ni Lian.

Wala akong ginawa kundi magpaiwan. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagustuhan si Kevin, siguro maappeal kaya ganoon.

"Hi Mimi." Bati sa'kin ni Kevin ng makalapit ito sa'kin. At naupo naman sa tabi ko sa bench.

"A-Ah hello!" Ngiti kong gawad sa kanya.

I saw multiple shadow colors surrounded by him, may berde, dilaw, asul, pula, at itim. Green symbolizes as fear. May takot? Saan? May galit rin? Saakin?

"Pwede bang samahan mo ko sa likod ng court?" Hindi na ko nagdalawang isip pa at sumama na ko sa kanya.

We talked a lot habang naglalakad kami papunta room until we reached our destination.

"We need to talk, Mimi." Nawala ngiti sa mga labi ko ng sabihin niya ang iyon. Bakit ako kinakabahan? Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya.

"Ano ang pag-uusapan natin?"

Nangingibabaw na sa kanya ngayon ang pagkatakot, I saw fear in his eyes. Parang may gusto itong sabihin.

"I don't know how to tell you this, but Mimi..." Huminga siya ng malalim at sa ngayon pula naman ang nangingibabaw. His love. "I liked you Mimi, I mean more than that."

Gulat na ekspresyon ang pinakita ko sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa narinig ko. Sa pulang anino na pinakita niya kanina, ngayon napapalitan  naman ito ng itim.

"Galit ako sa sarili ko na... bakit ngayon ko lang to nasabi sayo. Kung kailan matagal na kitang gusto." And his shadow changing into blue. "I wanted to court you, pero kung papayag ka? If no, I just respect you decission and..."

"I let you." Nagulat siya sa sinabi ko sa kanya. And those multiple shadows disappeared except two, yellow and red.

"I liked you too, Kevin. So I giving you a chance to court me." Malawak na ngiti ang ginawad ko sa kanya. At bigla yakap naman ang sumalubong sa'kin.

"Thank you, thank you! I love you!" He's happy falling inlove with me, same as I feel for him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random StoriesWhere stories live. Discover now