Ang Nakaraan

1 0 0
                                    

Napapatingin sa mga litratong naka sabit sa pader si Anya. Mga lumang litrato ng magulang n'ya na nagsisilbing alaala mula sa kanila.

Naulila si Anya dahil sa aksidente na natamo ng magulang n'ya, simula ng magbakasyon sila. Anim na taong gulang si Anya noon at lumaki s'ya sa lola n'yang si Lordes.

"Apo, ano tinitignan mo d'yan?" Tanong ng matanda sa kanya.

"Litrato lang po nila ina, lola." At napatingin muli s'ya sa litratong nakasabit sa pader.

"Maaari ko po bang kunin ang isa dito Lola?" Tanong ni Anya sa kanyang Lola.

"Oo naman, sige. Dalhin mo na sa iyong kwarto, apo." Ngumiti ito sa kanya at nginitian n'ya pabalik.

Kinuha ni Anya ang litrato na magkasama ang kanyang Ina at Ama habang nakasakay ito sa kabayo.

Pumanik s'ya sa taas at nahiga sa kanyang kama. Pero hawak hawak pa rin ang litrato na kinuha n'ya.

"Hindi ko man lang po kayo nakasama ng matagal." Napapikit s'ya at niyakap ang litrato ng kanyang magulang. Para maalala muli ang kwento ng kanyang magulang.

"Saan ba tayo tutungo, Arturo?" Tanong n'ya sa kanyang nobyo habang kinakaladkad s'ya kung saan-saan.

"Sa paraiso aking mahal." Napangiti na lamang s'ya sa kanyang nabanggit.

"Pero Arturo, bawal akong mapagod baka mapaano ang aking dinadalang sanggol." Napahinto s'ya at tinitigan ang kanyang nobyo.

"Pero Delia, isang linggo pa lamang ang iyong tiyan." At ngumiti ulet to sa kanya. At hinila na naman n'ya kung saan.

Napahinto sila sa isang lugar na kung saang madaming puno at malawak na espasyo ng lugar. Pero ang mata ni Delia ay nakatitig sa isang kabayong kulay puti, na nakatali sa isang puno ng narra.

"Tara." Niyaya ni Arturo ang kanyang nobya papalapit sa puno ng narra.

"Eto, si Remi. Remi ang pinangalan ko sa alaga kong kabayo na bigay sakin ni Itay noon. Sakay ka."

"Pero Arturo, baka mahulog ako d'yan. Baka mapaano pa tong..."

"Ako bahala sa'yo Delia, 'di kita ipapahamak." Banggit sa kanya ni Arturo.

Napamulat na lamang si Anya, at napangiti ito ng sobra dahil sa kwento ng kanyang magulang.

Inilagay ni Anya ang litrato sa tabi ng kanyang salamin kung saan nakasabit ito sa pader.

Hinalungkat ni Anya ang kanyang kahon, kung saan nakalagay ang mga gamit n'ya simula nung bata pa s'ya.

Napansin n'ya ang isang lampin na may tatak ng kanyang pangalan sa dulo ng tela.

"Anya Delitar Morales, tama. Yun ang pinangalan nila sa'kin" sambit nito sa kanyang sarili.

Muli, napapikit ulet s'ya habang hawak hawak n'ya ang kanyang lampin.

"Akin na ang lampin, Arturo. Bilisan mo!" Sigaw ni Lordes.

"Aaahhhhh!"

"Opo mama." Dali daling kumilos si Arturo dahil ito ang araw ng kapanganakan ni Delia.

"Ahhhhhh!" Sigaw ni Delia.

"Konti na lang, Delia. Lalabas na ang anak mo." Alalay naman ni Lordes kay Delia.

"Mama, eto na ang lampin na ginawa ni Delia para saming anak." Sabay abot ni Arturo at agad naman na nakuha ng kanyang ina na si Lordes.

Narinig nila agad ang iyak ng isang sanggol. Babae, babae ang kanilang anak.

"Maiwan ko na muna kayo." At sabay alis ni Lordes sa silid.

Lumapit si Arturo sa kanyang mag-ina. Nakikita n'ya ang kanyang asawang nakangiti at lumuluha pa ito.

"Tignan mo Arturo, napaka ganda ng ating anak."

"Maganda nga Delia, kasing ganda mo." Ngiti ni Arturo sa kanyang anak habang hawak ito ni Delia.

"Anya. Anya Delitar Morales ang ipapangalan ko, Arturo." Sabay haplos ni Delia sa pisngi ng sanggol.

"Masusunod aking mahal."

Napamulat na lamang si Anya, at nakita n'ya sa kanyang nakaraan na grabe pala ang pinaghirapan ng kanyang Ina nung sinilang s'ya nito.

Dali dali s'yang bumaba at pinuntahan n'ya ang kanyang Lola Lordes.

"Lola lola!" Sigaw ni Anya.

"Ito po pala yung ginamit n'yo sa'kin nung nanganak po si Ina." Sabay pakita n'ya ng lampin sa kanyang Lola.

"P-paano mo nalaman, apo?" Nagtatakang tanong n'ya sa kanyang apo.

"Nakikita ko po ang nakaraan Lola. Kapag hawak ko po ang isang bagay."

"Nagmana ka pala sa iyong Ina kung ganun. Dahil ganun din si Delia, katulad na katulad mo s'ya" sabi ng kanyang Lola.

Random StoriesWhere stories live. Discover now