"Alam mo naman matagal na kitang gusto 'di ba?" Sabay hawak niya sa dalawang kamay ko, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Wag mo naman ako pahirapan ng ganito, Alexa."
Malamig akong tumitig sa kanya. Halos lahat na pinaliwanag ko sa kanya. Pero hindi pa rin tumigil kakakulit niya sa akin.
Binitawan ko ang kamay naming magkahawak. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Akmang hahawakan niya sana ulit ako, pero umiwas ako.
"Carl, pinaliwanag ko na sayo 'to hindi ba? Napag-usapan na natin ito. Wag mo naman binabaliwala ang sinasabi ko oh." Medyo napataas na ang boses ko nang sabihin ko ang mga iyon.
Hindi ko gustong makasakit ng tao, at mas lalong ayokong magpaasa. This is for his own good, well as mine.
"Maghihintay ako, Alexa. Maghihintay ako once na handa ka na."
"Hindi na, ayoko pa ulit pumasok sa relasyon. Tigilan mo na 'ko Carl. Bye." Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya. Pero sa mga oras na iyon, napahinto ako sa sinabi niya.
"Hindi ka pa rin nakakamove-on, kaya ba pinapatigil mo ko, Alexa? Mahal mo pa siya hanggang ngayon? Kaya bina-busted mo na 'ko?"
"Tumigil ka na Carl."
"Niloko ka na ng tao, Alexa! Ba't hindi mo ko piliin para sumaya ka? Ba't hindi mo ko piliin para maka-move on ka? Nandito na ko oh! Binibigay ko na sarili ko sayo, ano pa ba ang gusto mo?! Matagal na tayong magkakilala, kilalang-kilala mo ko!" Lumingon ako sa kanya tila bumuhos na ang luha sa'king mga mata.
Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang mga luhang iyon. "I'm here, I won't hurt you. You know that." At yumakap sa'kin, pero 'di ako yumakap pabalik. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap na iyon.
"I liked you, Carl. But it doesn't mean na hanggang ngayon gusto pa rin kita. Yes! I do still loved him, but I still can't. Hindi pa kita kayang mahalin pabalik, hindi pa ko handa. Ayokong umasa ka lang sa wala Carl. Ayokong saktan kita!" Hindi ko na napigilan at humagulhol na ko sa harapan niya.
"Then... I'll wait, until you're ready. Kahit ihatid na lang kita sa ikakasaya mo. Ayos na 'ko doon. Kahit hindi mo na ko mahalin pabalik, kung ano ikakasaya mo doon ako." He kissed my forehead and whispered at me.
"I loved you, since we met. And I'm still here for you, no matter what."
YOU ARE READING
Random Stories
RandomWhen the Author seems to be bored, she used imagining things before she go to bed.