"Itigil mo ang kotse, Leo!" Inaapakan ko ang preno ng kotse pero 'di ko magawa.
Tumitingin ako sa daan, at humahanap kung saan ito pwedeng ibangga. Inaalala ko ang asawa ko dahil buntis ito sa magiging prinsesa namin.
"Hindi ko mahinto ang sasakyan natin, mahal." Agad na sabi ko.
Nakikita ko ang pag-aalala n'ya, habang hinahaplos ang tyan n'ya."Ang anak natin, Leo." Puno ang pag-aalala sa mukha n'ya at nakikita yun ng dalawang mata ko.
Nakakita ako ng isang puno, siguro doon na lamang dahil wala talagang mas pwede pang pagbanggaan ng kotse. Ibabangga ko na ang kotse sa puno. At sisiguraduhin kong ligtas ang reyna at prinsesa sa buhay ko.
At tuluyan na 'kong mawalan ng malay.
Abala ako sa pagbibili ng gamit kung saan-saan para sa aking gagawin.
Mga tela, plastic, bakal, mga turnilyo, at pang tahi. Ang karayom at sinulid. Alam kong mga gamit na to ang ayos na para sa gagawin ko. Umuwi na 'ko saamin para ayusin na ang lahat.
"What are you doing Leo?" At sabay haplos sa pisngi ko. At dinadama ang pagmamahal na 'yon.
"Para sana sa prinsesa natin mahal." At ngumiti sa asawa kahit wala itong ekspresyon sa mukha.
Tuluyan ng lumabas sa ang asawa ko sa silid ko. At sumilip ako bahagya sa labas para makita ang ginagawa n'ya. Naglilinis ito ng bahay.
Pumasok ulet ako sa loob para ayusin ang aking gagawin. Ihinanda ko ang mga gamit na pinamili ko sa labas.
Nagpukpok pukpok ako ng bakal at pinapainit ito mula sa apoy.
Nag gugupit ako ng tela para sa mga damit na aking gagawin.
At ang mga plastic ay hinuhulma ko para sa mga disenyo nito."Take a break Leo. I know you're tired." At sabay lapag n'ya ng pagkaing dala dala n'ya para sa'kin.
"Salamat mahal, pero alam mo naman kung gaano ko kagustong matapos 'to diba?" Yumuko ang asawa ko sakin at hinalikan ako sa noo.
"I know Leo, I know." At hinaplos n'ya ulet ang pisnge ko na araw araw nyang ginagawa sa'kin.
"Mahal na mahal kita Thea, kayo ng anak natin" at ngumiti ako sa kanya.
"I love you too, Leo." At tuluyan ng lumabas ng sa aking silid.
Tinapos ko ang meryendang inihanda ng asawa ko para sa'kin. Tama lang ang luto at parehas na parehas sa aking panlasa.Humanga s'ya dahil doon. Alam n'yang makakaya n'ya pang makalikha ng bago. Pumunta ako sa kusina para ilagay ang plato at baso. At pagbalik ko nakita ko ang asawa kong nakahiga sa sala, natutulog ng mahimbing.
Bumalik ako sa aking silid, at may kinuhang batiryang malaki. Nilagay ko sa asawa ko ang batiryang iyon para mamaya maya maayos na rin ang kalagayan n'ya.
"Leo" tawag ng asawa ng magising ito. Nagising ko yata ang reyna ko.
"Bakit mahal?" Balik ko ulet sa kanya. Tinitigan n'ya lamang ako sandali at nagsalita na naman ito.
"How's our baby?" Walang emosyon n'yang sabi. Pero ramdam ko ang pag-aalala nya sa prinsesa namin.
"Magiging ayos din s'ya, mahal." Hinalikan ko to sa noo. At bumalik na naman ako sa aking silid para tapusin ang lahat lahat.
Nagpukpok ako
Nag tahi
Nag kulay
Nag hulma
Hinahandaan ako ng asawa ko ng pagkain. Pero hinayaan ko na muna yun. Kasi alam kong matatapos rin 'to ngayong araw, mismo.
Naglagay ang ng batirya sa gilid at sinara iyon. At nilagay ko sa gitna ang ginawa ko, at inupo iyon.
Sinaksak ko ang mga kuryenteng na dapat malalahangap ng ginawa ko.
Bumalik ako sa pinaglagyan ko ng batirya at hinawakan ang bakal kung saan papaikutin ko ito para maipasa ang lakas ng batirya sa nilikha ko.
"Sana gumana." Panalangin ko.
Inikot ko ng inikot ang bakal, at nakikita ko ang mga ilaw nagpapatay sindi dahil sa batirya.Binigay ko ang lakas ko sa pag ikot sa bakal para mapabilis ang pag lipat nito.
Huminto na ko nang maubos na ang batiryang nilagay ko. Alam kong sapat na 'yun para sa ginawa ko. Kinuha ko ang nilikha ko. At inilagay sa lamesa at itinayo roon.
"Gumana ka sana." Pangalawang hiling ko.
Pinindot ko ang likod nito kung saan nandun ang pagbukas at pagpatay nito. Nagulat sya sa biglang pagmulat ng mata ng manikang ginawa nya.
"P-papa" pagsalita ng manika saakin.
Lumuha ang mga likido mula sa mata ko. Di ko inaasahan na magagawa to ulet. Niyakap ko ang manika dahil sa sobrang tuwa ko.
"M-mama" muling pagsalita ng manika.
Dali dali kong tinawag ang asawa ko dahil sa sobrang saya.
"Mahal! Thea! Ang prinsesa natin!" At nakita kong tumatakbo na ito papalapit sa'min.
"Oh my! My little princess." Sabay yakap ng asawa ko sa anak namin.
Tuwang tuwa ako ng makita silang buhay ulet. 'Di ako makapaniwalang makakasama ko ulet ang mga mahal ko sa buhay. Oo nadisgrasya kami noon, at ako lamang ang natira.
At masaya ako ngayon na nandito ulet sila kasama ko. Kahit walang emosyon ang mga mukha nila, basta masaya ako na nakikita sila araw-araw.
Dahil ako ang lumikha sa kanila.
YOU ARE READING
Random Stories
RandomWhen the Author seems to be bored, she used imagining things before she go to bed.