Flower Girl

2 1 0
                                    

He loves me

He loves me not

He loves me

He loves me not

He loves me

Pagbilang ko habang pinipitas ang bulaklak ng gumamela. 'Di rin talaga alam kung bakit ko nakahiligan ang mga bulaklak.

Sabi ni Ina, si Lola daw ang may pasimuno kaya daw naging mahalaga na sa'kin ang mga bulaklak.

Nandito ako sa likod bahay namin, dito ako kadalasan pumupunta sa hardin. Ang hilig ko talaga sa amoy ng sariwang hangin at syempre halimuyak ng mga bulaklak.

Pero may isa akong bawal hawakan sabi sa'kin ni Ina, iyon daw kasi laging binibilin sa kanya ni Lola.

Ang mga rosas.

"Alice, anak kakain na tayo!" Sigaw ni Ina mula sa loob ng bahay.

"Papunta na po ako dyan." At karipas ng takbo mula sa loob.

Sinimulan namin ang pagkain ng tanghalian. Ako lamang ang nagkakaisang anak at apo nila Ina at Lola.

Si Ama naman maagang pumanaw, pero ayaw sa'kin sabihin ni Ina at Lola ang dahilan.

"Alice, do me some favor." Sabi saakin ni Lola. Nako! Si Lola talaga englishera, dahil laki s'ya sa ibang bansa.

At umuwi lang si Lola dito, nang namatay si Ama.

"Yes Lola, what can I do for you po?" Magalang kong sagot sakanya. At sabay huling subo sa aking kinakain.

"Nevermind apo." Sabay iwas ng tingin sa akin. Nako si Lola talaga napaka ulyanin na. Sabay kamot sa aking ulo.

Tinulungan ko si Ina na magligpit ng pinagkaininan at hinayaan na 'ko ni Ina mag-urong ng mga plato. At pumanik sa kwarto pagkatapos.

Nagising na lamang ako ng 'di ko namalayan ang oras ay alas kwatro na pala. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Ina na nanunuod.

"Ina, nasaan po si Lola?" Tanong ko.

"Ay nandun anak sa hardin."

Karipas ako ng takbo papunta dun, masaya to sasamahan ko si Lola na magdilig.

At nakita ko nga s'yang nagdidilig.

"Lola, can I help?"

"Yes sure apo. Like what I said don't touch or smell the pink roses, okay? Do you understand?" pagbilin sa'kin ni Lola.

Tumango tango ako bilang pagsunod sa kanya. Kinuha ko ang pandilig kay Lola. At si Lola naman ay pumasok na sa loob para magpahinga.

Natapos kong magdilig. Bumunot ako ng isang bulaklak ang isang maliit at isang piraso ng santan.

He loves me

He loves me not

He loves me

He loves me not

Ganun na lagi ang gawain ko kada pumipitas ako ng bulaklak sa hardin. Nang mapatingin ang sa mga rosas.

Ano kaya ang amoy nito?

Madulas ba sya kung hahawakan ko?

Lumapit ako ng konti sa mga rosas. Ang gaganda nitong tingan. At ang bango ng amoy.

At konti konti nakaramdam ako ng hilo. Wala naman masama kung hahawakan ko diba?

Hinawakan ko ang mga rosas. At natusok ako ng tinik nito. Parang dumidilim ang paningin ko.

Hanggang sa wala na kong makita.

"Alice! Alice!" rinig kong sigaw ni Ina sa hardin.

"Apo, where are you?" boses din yun ni Lola ah.

Nandito po ako Lola, Ina.

"Nako mama, baka nagaya na sya kay Arturo!" rinig kong hikbi ni Ina.

"No this can't be!"

"Mama, alam nyo namang si Arturo ay hilig din ang mga bulaklak kaya sya naging isa sa mga rosas na yan!" bulyaw ni Ina at sabay turo sa mga rosas.

Sumilip si Lola Amelia sa mga rosas para tignan ang mga ito.

"No no no" naiiyak na sabi ni Lola Amelia.

"There's one petal flow down Letticia. A-alice become a rose!" Iyak ni Lola Amelia.

"H-hindi ang anak ko! Alice!" Hikbi ni Letticia.

Narinig ko ang iyakan nila, 'di ko sila nakikita pero rinig ko ang mga sinsabi nila. Iyakan lamang ang aking ng narinig at wala na.

Eto lamang ang unang beses na lumabag ako sa batas ng aking pamilya. And now...

I'm living as a Flower Girl.

Random StoriesWhere stories live. Discover now