CHAPTER 4

195 3 0
                                    

Isinulat ni
Jhemar Lagata

CHAPTER 4

ANG TOTOO niyan ay hindi niya na kailangan ng ibang trabaho para magkapera ng malaki. Sapat na sa kanya ang perang  nakukuha sa pagiging call girl niya. Natustusan naman ang kanyang pangangailangan gamit ang pera sa pagiging call girl niya. Hindi nga lang lahat dahil hindi malakas ang binta niya sa katawan. 

“Tatawagan ko na lang si Lyka,” si Lyka—ang kaibigan niya. 

Kinuha niya sa bag ang cell phone. Dalawang beses na nag-ring bago sumagot ang kaibigan. 

“Hello?” anang nasa kabilang linya. 

Ngumisi siya. Buti na lang ay hindi siya sinungitan nito. “Ahm … May sasabihin sana ako sa ‘yo,” huminto siya.

“Ano na naman ‘yon?!” bigla ay nailayo niya sa tainga ang cell phone. 

Nagkakamali pala siya. Nakalimutan niyang in born na palang masungit si Lyka.

“Kasi may nag-imbita sa ‘kin na kompan—” hindi siya nakatuloy sa pagsasalita.

“Tanggapin mo na! Ano pa’ng hinihintay mo? Kumiringking na naman ‘yang pagkamahiyain mo?!” sarkastik iyong huling sinabi nito. Batid niya iyon.

Umasim ang mukha niya. Kahit kailan talaga!

“Patayin na nga lang!” Iyon nga’y pinatay niya ang tawag. Na-realize niyang wala pa lang kuwentang kausap si Lyka. Puro lang ito sigaw at sungit.

Binuksan na lamang niya ang bag at may kinuha. Kinuha ang malaking pera na ngayon niya lamang na tanggap sa tanang buhay niya, sa pagtatrabaho bilang call girl. 

Hindi akalaing malaking pera ang ibabayad ng amerikano sa kanya. Kadalasan kasi sa kanyang mga kliyente ay malaki na ang 50,000 pesos. Minsang ay 5,000 lamang. Napangiti na lamang siya marahil sa naging iba ang kanyang karanasan sa pagiging call girl lalo na’t ang karanasang iyon ay ang tanging hindi niya malilimutan. Limang oras silang nagtatalik ng Amerikanong iyon. Kadalasan naman kasi sa kanyang mga kliyente ay hindi umaabot ng isang oras. 

Subalit mas rumirehistro sa kanyang isipan ang salitang hindi niya inaasahan sa kanyang kliyente. Ang katagang sinabi ng amerikano sa kanya. “I think I like you … ”

What with his words? Nagbibiro lamang ba ang amerikanong iyon o napaibig ito sa kanya? Ang bilis naman kung gano’n, ‘di ba? Wala man lang thrill. At sa lahat ng kanyang kliyente, ang amerikanong iyon lamang ang naglakas ng loob na halikan siya nang walang pag-alinlangan. Napansin niya iyon.

Sa anim na taong pagiging call girl ay nakapundar siya ng sariling bahay. Ang mga perang kinikita ay ginagamait niya para sa pansariling luho. Wala naman siyang gagastusin para sa pamilya sapagkat ulila na siya at matagal ng patay ang mga magulang. Nag-iisang anak lamang din siya. 

Gamit ang kanyang raket, binuhay niya mag-isa ang sarili. Hindi naging madali sa kanya ang mabuhay ng mag-isa. Bawat saya na kanyang mararanasan ay may kulang. Masaya man ngunit hindi nawawala ang lungkot. May pera man para sa mga bagay na kanyang kailangan, ngunit hindi iyon sapat at lahat ay may kulang. Kulang ang bawat nararanasan niya.

Bagaman maraming bagay ang umiikot sa kanyang isipan. Bilang call girl ay hindi niya nakitaan ng tunay na pag-ibig ang amerikano kung kaya itinakwil niya sa kanyang isipan ang mga bagay na iyon. At huwag na sanang bumalik sa isip niya.

Habang iniisip ang mga iyon, mula sa kanyang bulsa ay tumunog ang kanyang cell phone. Ang kompanya.

Sinagot niya ito. “Yes hello ...” bungad niya sa magandang pananalita.

“Good evening Miss Frances Guivara. This is Zue Salico from Fake Car Company. We would like to invite you to our office. We offer you billion of payment every week,” napa-ayos ng upo si Frances sa narinig. “And we are hoping of your presence on Milla Hotel and Restaurant. Pick up for details on registrar.”

“I’ll be there,” tila nabuhayan siya. Magandang oportunidad na siguro ito para sa isang babaeng tulad niya.

Natapos na ang tawag at naghanda na si Frances. Sinuot niya ang strapless na damit at isang maikling damit pang ibaba. She must be attractive para sa interview.

Hindi na rin siya nag-alinlangan at dahil iyon sa malaking pera. Masasayang ang pera kapag tatanggihan niya iyon. 

Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kuwarto para magbihis at nang matapos siya ay mabilis niyang tinunton ang address na sinabi ng kausap niya sa cell phone.

“GANITO kasi iyan Miss Frances. Ang Fake Car ay isang sex vlog. Ngunit babae ang aming kailangan para gumawa ng video. Kung noon ay lalaki ang cast ngayon ang pangunahing cast ay babae na. Gagawa ng video habang katalik ang iba’t ibang lalaki at take note, sa kotse lamang kayo magtatalik. Kaya sana ay tanggapin niyo ang aming offer. 1 billion per week at depende na rin sa naging performance mo,” mahabang paliwanag ng nagngangalang Zue Salico.

Halos lumuwa ang kanyang mata nang sabihin iyon sa kanya ng company manager. Malaki ngang pera iyon. 

“Opo. I would accept the invite,” hindi na siya nag-isip pa ng kung anu-ano. 

Ang mahalaga ngayon ay ang perang matatanggap niya. Iyon lamang.

“Well, kailangan mong pirmahan ‘to,” naglahad si Zue Salico ng mga papel. Tiyak na kontrata iyon.

Pumirma siya sa contract na iyon. Sa isip niya’y kasiyahan ang namumutawi. 

Madami pa ang napag-usapan sa pagitan ni Frances at ng company manager. Tinanggap na rin niya ang offer ng kompanya, sayang ang malaking pasahod kung hindi niya tatanggapin. Isang malaking pera ang mapasakamay niya kaya naging mabilis ang usapan nila.

LOVE AFTER LUST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon