CHAPTER 18MAGKATABI silang dalawa at magkaharap.
“About yesterday night, is that true?” malumanay ang pagkakatanong niya.
“No, that woman!” tila galit ito. “Hindi ko alam mga pinagsasabi no’n, hindi ko siya asawa. Kailanman ay hindi ako nagpakasal sa kanya. Sa ’yo lang ako nagpakasal.” saad nito. Hinawakan ang kamay ni Frances.
“Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa ’yo. Nasaktan ako at hindi ko alam kung totoo iyon,” yumuko siya at ang luha ay pinipigilan na tumulo.
“Nasaktan ako ng sobra. Bawat nalalaman ko ay sumasampal sa akin at parang paniniwalaan ko na ito,” tumingin siya kay Jony.
“I love you Jony... But sometimes kailangan kong matauhan, hindi ko na kaya na masaktan pa. Hindi kakayanin ng aking sarili na saktan ng taong minahal ko. Noon pa man ay sinaktan mo na ako at akala ko ay nagbago kana pero hindi pala. Ngayong asawa mo pala iyong babaeng iyon ay sobra akong nasaktan,” bumitiw siya sa pagkahawak ni Jony at lumingon sa ibang direksyon upang hindi ipakita na naiiyak siya.
“Baby, mali ka. Paniwalaan mo ako. Hindi ko asawa si Cheska. Sinabi ko sa ’yo ‘to nang totoo. Ngayon, magkaroon ka naman ng tiwala sa akin, please...” nasasaktan din ito. Kung akala ni Frances na siya lamang ang sugatan, parang nagkakamali siya.
“I love you so much sweetheart... Huwag mong paniwalaan ang ibang tao. Ako ang paniwalaan mo please...” at tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata nito.
“Paano ako magtitiwala?” diretsong tumingin siya sa amerikano. “Paano ko ipagkatiwala ang sarili ko kung ayaw ko ng maniwala dahil sobra na akong nasaktan?” nagkatinginan ang dal’wa at naglalaban ng mga tingin.
“Sa ngayon, gusto kong lumayo. Gusto kong maging masaya kasama ang anak ko,” ang mga katagang iyon ay nagpa-alma sa amerikano.
LALAYO? Paano na naman siya? Ngayon na natagpuan na niya ang asawa ay mawawala na naman ito?
“No, you will stay. Bigyan mo ako ng pagkakataon. At ang pagkakataon na iyon ay hindi ko na sasayangin...” hinawakan niya ang dalawang kamay ni Frances. “Hindi na kita hahayaang lumayo o lumisan. Mahal na mahal kita... Kaya sana ay ako ang paniwalaan mo at hindi ang ibang tao. Buhuin natin ang ating pamilya. Ako, ikaw at iyang magiging anak natin.”
Umiwas ng tingin si Frances. Susundin kaya nito ang sinasabi ng isip na, lumayo at lumisan para maiwasan ang masaktan? O ang sinisigaw ng puso na manatili sa taong minsan na itong sinaktan ngunit mahal si Frances ng totoo?
Tumayo si Frances at mula sa bulsa ay dinukot ang cell phone. Isinauli nito sa kanya.
“Give me time to make a decision.”
ISANG buwan na ang lumipas. Ang tiyan ni Frances ay lumaki na. At ang desisyon niya ay siyang ikinasaya ni Jony. Binigyan niya ng pagkakataong si Jony na mahalin siya nito at tunayan na hindi sasayangin ang pagkakataon. Hindi na rin nang gugulo si Cheska dahil nalaman nila na iba pala ang ama ng anak nito. Madaming nagbago sa loob lamang ng isang buwan. Naging masaya sina Jony at Frances. At bukas ay ang araw na kanilang hinihintay, ang ikasal ulit.
BAWAT araw na lumipas ay napatunayan ni Jony kay Frances ang gusto niyang patunayan. His love is unconditional. Walang ibang lalaki ang makakapantay nito. Bawat araw ay pinapahalagahan niya ang nag-iisang babae sa buhay niya. Hindi pinaramdam na hindi ito importante sa kanya. Hindi nagkaroon ng dahilan si Jony para pagtaksilan ang asawa. Hindi niya ito binigyan ng problema. Minahal niya ito nang minahal. Buong pusong inaalagaan at bawat segundo ay pinaramdam ang pagpapahalag. Naging komportable sa kanya si Frances at nangako na hindi niya sasaktan muli.

BINABASA MO ANG
LOVE AFTER LUST (COMPLETED)
Fiksi UmumFrances and Jony's love story. Credits for the book cover.