Isinulat ni
Jhemar LagataCHAPTER 9
SEX was part of Frances life. In any position, she will reach the climax. But sex was not for game—but for Frances, sex was life and a game. Play it and you will earn money.
Kaharap ngayon ni Frances ang manager ng Fake Car Company. Ang araw na ito ang pagtanggap niya ng unang sahod bilang pornstar at bilang miyembro ng kompanya.
“You’ve made a great job!” habang nakaupo sa malambot na upuan ay masayang inabot nito ang pera sa kanya. “Next week, there will be another.”
“Thank you,” Ngumiti siya.
“Hope that next time you’ll do the same.”
“I can do that, ma’am,” proud niyang tugon.
Tumango ang manager at nakipag-shake hands siya rito.
MASAYANG umuwi si Frances sa kanilang bahay. Napakalaking pera! Agad mayroong bagay ang nabuo sa kanyang isipan kung ano ang gagawin niya sa pera.
“Magbabakasyon muna ako sa Australia,” sabi niya sa sarili.
Nang kaagad na nakarating sa bahay ay pumasok na siya sa kwarto matapos kumain ng hapunan at natulog.
Sa kanyang pagtulog ay may napanaginipan siya. Kakaibang panaginip.
BUMILI ng regalo si Frances para sa kanyang asawa. Pinagdiriwang nila ang ikalima na taong pagsasama nila bilang mag-asawa. Galing sa SM si Frances at marami siyang pinamili. Bumili rin siya ng lulutuin niya para pagsaluhan nila.
A loving wife that wanted to be a perfect wife for her husband.
Nang makauwi galing sa palengke ay kanyang kaagad binuksan ang pinto ng bahay. Tahimik ang buong bahay at parang walang tao. Siguro’y nasa trabaho pa ang kanyang asawa. Dumiretso na lamang siya sa kusina at ang mga dala niya ay inilapag sa lamesa.
“Ano kayang masarap kainin ngayon, hmm?” tanong niya sa sarili habang inaayos ang mga gulat at prutas.
Sinimulan niyang hugasan ang mga pinamiling gulay at ang iba ay pinalamig sa ref. Habang naghuhugas ay may naririnig siyang ingay sa itaas. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at hinihikayat na ma-de-detect ang ingay na nagmumula sa itaas.
Napagpasyahan niyang tuntunin ito pagkat nakaramdam siya ng kaba. Dahan-dahan lamang siya sa paglalakad patungo sa ipinagmumulan ng ingay.
Dinikit niya ang kanyang tainga sa pinto. Pinakikinggan kung sa kuwarto nga ba ng asawa nanggagaling ang ingay.
Subalit inilayo na lamang bigla ni Frances ang kanyang tainga sa pinto. Nagulat siya. Bakit may ungol ng babae sa loob? Kunot-noo niyang binuksan ang pinto. At ang kanyang nasaksihan ay ang siyang nagpaguho ng kanyang mundo. Nagimbal ang katawan niya. Taksil! Biglang naninikip ang kanyang dibdib. Hindi maaari!
“Chescka?” bulong niya.
Kitang-kita ng dalawang mata niya ang walanghiyang pinaggagawa ng kanyang asawa at ang babaeng malanding nakikipagtalik sa kanyang asawa. Gulat na gulat na napatingin ang mga manloloko at mga hayop!
Napabalikwas ang kanyang asawa at agarang nagsuot ng damit. Huli na, tumakbo na palabas ng bahay si Frances. Mga walanghiya! Paanong nagawang pagtaksilan siya ng kanyang asawa?
Hindi napigilan ni Frances ang kanyang sarili na umiyak. She runaway, away from pain. Away from her husband. Away from her bestfriend. Napakasakit, sa mismong bahay pa nila ito nagtaksil! Walang habas! Mga walanghiya! Mga hayop!
“Mga walanghiya kayo!” nahihirapang sambit niya.
Tanging pagtakbo lamang ang ginawa ni Frances. Namalayan na lamang niya ang sarili na napaupo sa gilid ng kalsada at ang masaganang luha ay patuloy sa pag-agos.
“Jon, why did you do that?” pumiyok pa siya at hinampas-hampas ang sariling tuhod. “Bakit mo nagawa iyon sa akin, pinagkatiwalaan kita.” Humahagulgol na siya nang humagulgol.
Sobra siyang nasasaktan, ang akala niya’y hindi na siya sasaktan ng kanyang asawa. Ang akala niya ay kailanman, hindi siya lolokohin nito at hindi ipagpalit sa iba. But all of those are just made of fiction.
ILANG ORAS na lang ay lalapag na ang sinasakyang eroplano ni Frances patungong Australia, ang bansang kanyang nilakihan. Hindi mawala-wala sa kanyang labi ang ngiti. Sa wakas, isang taon din ang lumipas at ngayon ay lalanghapin na naman niya ang hangin na minsan na niyang iniwan.
“Hello, Australlia,” masayang bati niya sa sarili.
“We just arrived!” rinig niyang sabi ng speaker.
Binaba niya kaagad ang magazine na binabasa. Bahagya niyang tiningnan ang labas. Manghang nakatingin siya rito. Maraming nga ang nagbago sa lugar na iyon.
Nagsilabasan na ang lahat. Gano’n din si Frances. Excited na excited siyang puntahan ang mga lugar kung saan lagi niyang tinitingnan sa internet. Babalikan din niya ang bayan na s’yempre, doon siya lumaki.
“Welcome to me,” ani niya sa sarili.
Nag-check in muna siya sa isang hotel at nagpadesisyunan na ipagbubukas na lamang ang pagpunta sa bayang nilakihan.
Parang nasapian ng masayang demonyo si Frances habang inaayos ang sarili at mga gamit nito. Walang hahadlang sa kanyang pagbabakasyon dito. Off-to-sex-duty.
“G’day!” slang na kanyang sabi. Tinaas pa ang dalawang kamay at ang ngiti ay abot tainga.
Kinabukasan ay masayang bumyahe si Frances tungo sa Melbourne City. Nang makarating ay agad siyang bumaba. Wala na siyang pupuntahang pamilya bagaman wala na ang mga ito. Wala na rin siyang ibang kamag-anak dahil bago namatay ang kanyang mga magulang ay wala ang mga itong sinasabi o hinabilin sa kanya. Kaya ay pupuntahan niya ang mga lugar na palaging pinupuntahan nila noong hindi pa man patay ang kanyang mga magulang.
“’Ma, ’Pa,” Tumingin siya sa kalangitan. “’Andito ako sa bansang kinalakihan ko. Sana ay nandito rin kayo.” pag-alaala niya sa mga yumaong magulang.
Binuklad ni Frances ang mahabang listahan ng mga lugar na iyon. Listahan na ginawa pa no’ng hindi yumao ang ina niya. Unang nakalagay ay ang National Gallery of Victoria.
Ngumiti muna siya at sumilay sa labi niya ang simpleng ngiti. “Itutupad ko na ’Ma at ’Pa.”
Humanap ng masasakyan si Frances. Nang makahanap ay sumakay kaagad siya at tinunton na ang lugar. At nang makarating ay kaagad siyang pumasok.
“G’day Madame,” sa entrance pa lang ay iyon agad ang bumungad sa kanya. Isang naka-uniform na matangkad na babae. Ngiting-ngiti ito sa kanya.
Ngumiti siya rito, “G’day.”
Nilagpasan niya ang matangkad na babae. Taking pictures and enjoying all the time. Hanggang sa napagod ay lumabas na siya at napagdesisyunang pumunta sa pinakamalapit na restaurant para kumain dahil nakaramdam na rin siya ng gutom.
![](https://img.wattpad.com/cover/246409582-288-k281084.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER LUST (COMPLETED)
Ficción GeneralFrances and Jony's love story. Credits for the book cover.