FRIENDS???

31 0 0
                                        

Napaisip siya sa tinanong ko.

"Hmm, siguro  hindi mo pa mababayaran ang utang mo ngayon pero maaaring bukas, sa susunod na araw o kaya sa susunod na buwan, pero hindi pa ngayon" Sabi niya.

Hindi pa ngayon? pero maaaring bukas? sa susunod na araw? sa susunod na buwan? Ano naman kaya?

"Eh so ano nga yun?" Pagtatakang tanong ko. Kinakabahan naman tuloy ako sa pwedeng kabayaran.

"Simple lang, hihingi ako ng favor sayo kapag kailangan ko na, pero tulad nga ng sabi ko, hindi pa ngayon." Sabi niya. WHUT?! favor? aba grabe naman, sasakay lang ako sa kotse niya tapos favor na yung kapalit? aba abuso ah. Paano kung ang favor niya eh ipapatay yung aso ng kapitbahay nila na kinaiinisan niya.. Hindi ko yata kaya yun

"Favor? di ko yata kaya yun, magtataxi nalang ako" walang pagdadalawang isip kong sabi sakanya. Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko. Problema nito?

"Hindi mo pa nga alam kung ano pwedeng kong favor eh nagrereact ka na jan..CHIIIILLL.. okay?" sabi niya sabay tapik sa ulo ko. Ginawa pa akong aso nitong mokong na toh.

"Eh yun na nga eh di ko pa alam tas basta nalang ako papayag..maya nyan ikapahamak ko pa yang favor mo na yan..Wag nalang. Magtataxi nalang ako." Sagot ko.

"Hihingi ba ko ng favor na ikakasama mo? siyempre hindi noh." sabi niya agad.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Masyadong mabait ang muka niya para gawin yun. Ano kaya kung pumayag nalang ako,tapos pagkatapos ng araw na ito eh takasan ko nalang siya. Pero hindi naman pwede kasi parehas kami ng school na pinapasukan eh. Bahala na nga.

"Sige,payag na ko,. basta hindi masama yan ha..kundi ipapapulis talaga kita... tiyaka...ano...irerecord ko bawat sinasabi mo,para kung sakali man, edi may ibidensya ako" Sabi ko sakanya. Hindi ako nagbibiro ha, seryoso ako. Talagang natatakot ako sa kung anumang favor niya.

"Yes My lady, Hinding hindi kita ipapahamak" Sabi niya. 

"Okay,pero wag mo ko tatawaging My Lady. Di mo naman ako girlfriend eh." sabi ko sakanya. Maka MY LADY kasi eh wagas.

"Okay My Gentleman" Sabi niya. Sarap lang talaga sikmuraan nitong lalakeng toh eh.

"HEH!" inirapan ko siya ng mata.

"Biro lang, oh tara na" Sabi niya tapos pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Ang ganda ng kotse niya. Halatang mamahalin. Mayaman nga eh diba?. Di na ako umimik, pumasok nalang ako sa kotse niya. 

Habang nasa kotse kami,sooobrang tahimik. Awkward din naman pala kung kami lang dalawa. Atleast kanina may mga tao naman sa paligid namin kahit papaano.

"Aahmm, so... May girlfriend ka na? siguro madami ka nang naisakay dito" Binasag ko ang katahimikan sa loob. Mas lalo kasing iba ang atmosphere kung hindi kami magiimikan.

"Actualy wala pa. Akala talaga ng mga babae na dahil basketball player ako eh babaero ako. Pero sa totoo lang hanggang date lang ako. Nangako ako sa sarili ko na hanggat di ko pa nakikita ang right girl for me, Eh hindi muna ako manliligaw at hanggang date lang muna" Seryosong sagot niya. Mas awkward pala yung tanong ko. Bigla tuloy siyang naging seryoso. "Sa totoo nga lang eh,ikaw palang ang nakakasakay na babae rito" dagdag niya pa.

"Weh?" matipid na sagot ko.

"Eh ikaw ba may boyfriend ka?" Sabi niya.

"Kailangan paulit ulit? sabi ko nga kanina diba,wala." pilosopang sagot ko. Paulit ulit kasi eh.

 "Ahh,san ka nga pala pupunta?" Tanong niya.

"Ahh dun sa ****.. Sa bahay yun ng kaibigan ko,dadalawin ko kasi" sagot ko naman.

"Ahh okay okay, malapit lapit na rin pala tayo" sabi niya.

Medyo traffic ngayon. May inaayos daw kasing kalsada sa may dulo kaya One way lang lahat ng sasakyan. Maya maya pa eh gumalaw na ang traffic.

"Andito na tayo sa lugar na sabi mo, saan ba banda yung bahay ng kaibigan mo?" Sabi niya

"Right turn then left turn, derederetso lang. tapos yun na" Sagot ko.

"Aaaahh okay" inferness naman sakanya ha. Marunong makinig ng direksyon.

Di katagalan ay dumating na kami sa tapat ng gate nila Aira. Bumaba siya tapos pinagbuksan ulit ako ng pinto. Gentleman ang bata.

"Hmm salamat sa paghatid" Bumaba na ako tapos ngumiti. 

"Wag ka magpasalamat dahil may kapalit yun. REMEMBER?" Diniin niya talaga ang salitang REMEMBER.

"Opo mister,Sige na uwi ka na,maya niyan marape ka pa, ako pa mapagbintangan,ako pa naman huling kasama mo.Pwera nalang kung may date ka pa pagkatapos nito." Biro ko pa.

"Wala na noh. Oh sya sige uwi na ko." sabi niya. Tumalikod na ko para pumasok na sa gate nila Aira.

"Ella" narinig kong sabi niya. Bigla ko namang naibalik ang tingin ko sa direksyon niya.

"Hmm?" sabi ko.

"Friends?" sabi niya tas ngumiti. MY GOSH. Ang GWAPO!

"Kumain na tayo tas hinatid mo pa ko, sa tingin mo di pa yun friends?" sarcastic kong sagot. "Biro lang.Sure.. FRIENDS" sabi ko sabay ngiti tas talikod.

Sa totoo lang sobrang kinikilig talaga ako. And now may new Friend na ako. Di basta bastang FRIEND ha. Kundi super cute na friend. As in <3 <3 <3.

___________________________________________________________________________

Hai salamat natapos ko na ring iupdate ang chapter na toh.Wala pong edit kasi inaantok na si Author.

Nakakakilig naman si Neil,Super gentleman. Pero siya nga ba ang Lover ni Ella sa story na ito? ABANGAN......

Tnx guys. Pls. Vote and leave Comment ;)

Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon