Feeling Close???

41 0 0
                                    

"Neil" ilinahad niya kamay niya sakin

Aba ang bilis naman ata nitong lalakeng toh.

"okay??? Sige alis na ko" sagot ko lang sabay talikod.

"Teka,wait" agad niyang pigil. Wow tagalog-english dictionary pala toh, Teka in tagalog Wait in english (ok corny =.=). Hinawakan niya kamay ko. May spark. Hoy Ella marunong ka na lumandi ha, gumising ka nga, muntanga lang...

"Kanina nakita kitang nakatitig, tapos ngayong nagpapakilala ako iiignore mo lang ako? Unfair naman nun, wag ka magalala mabait naman ako eh" sabi niya. So nakita niya pala talaga akong nakatingin sakanya kanina.

"Malamang titungin ako sayo, eh nanunuod nga akong basketball diba?" Palusot ko. Eh totoo naman eh.

"Ah so ako lang pala yung naglalaro ng basketball kaya ako lang ang tinintingnan mo?" Aba pilingero rin pala toh.

"Hindi naman ako naremind na babagyuhin pala itong basketball court ngayon, edi sana di na ko nagstandby dito" Sabi ko.

"Biro lang yun, nakita ko kasi kaninang mag isa ka lang, may hinihintay ka ba? Boyfriend mo ba ang isa sa mga basketball players?" sabi niya ng mahinahon habang pinupunasan ang pawis at uminom ng tubig. Gwapo.... Heh! Ella tumino ka nga..

"Ahh oo,mag isa lang ako, may pinagawa kasi si Mrs. Vergara sakin kaya andito ako...wala akong hinihintay,wala akong boyfriend, napadaan ang ako" sagot ko naman. Di ko napansin na naglalakad na pala kami papalabas ng court habang naguusap.

"Aahh,so ano ka ba dito?"sabi niya sakin."(ah sige preh, next tym nalang)" sabi niya naman dun sa biglang tumawag sa pangalan niya.

"Ah ako ang Youth President ng campus." sagot ko. 

"Aahh...kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayo? Gutom na kasi ako, tapos wala akong kasama...treat ko" sabi niya. Aaahh..so mayaman pala toh. Eh karamihan naman siguro ng students ng University na ito eh may mga datong.

"Hindi pa eh,... Hmm sige ba basta libre mo" agad na sagot ko.

"Sure, Tara" sabi niya.

Wow ang Feeling Close lang talaga namin. Makaasta kami parang ang tagal na namin magkakilala. Sa totoo lang ang bait niya. Tiyaka napakakomportable ko sakanya.

Habang kumakain kami,nagtatawanan kami at nagkekwentuhan. Napagusapan kasi namin yung The Conjuring. Ang weird namin noh? Horror pero tumatawa kami.

"Alam mo kasi, kaya ang naman yun tumatakas si anabelle kasi gusto niya sumama kay Dora na maglakwatsa pero kinulong siya dun sa glass, kaya ayun nagrebelde" Sabi niya.

"Siguro nga ganun yun, Bakit kasi ang strict ng parents ni Anabelle eh" sabi ko naman.

"Siguro kasi takot yung parentsa niya na marape si Anabelle,balita ko kasi nagiisang anak siya" Sagot niya pa.

"Siguro nga ganun yun" Sabi ko tapos nagtawanan na kami ng nagtawanan...

Habang tumatawa kami may biglang lumapit sa table namin.

"Bro..." Sabi niya kay Neil.

"uuyyy" Sagot lang ni Neil pagkatapos ay nag handshake sila.

"Girlfriend mo?" Tumingin sakin yung lalake tas nagsmile. Syempre nagsmile na rin ako.

"Naku, hindi,hindi..kaibigan ko lang, Oh bat ka nga pala nandito, akala ko ba nasa Canada ka" ayun nag usap na sila.. "Afsgsbxudbdhdks" di kp na naintindihan dahil di na ko nakinig.

Maya maya umalis na yung gwapo rin na lalake.

"Ai, sorry dun ha, pinsan ko yun" sabi niya tapos umupo na.

"Okay lang" Sabi ko tas ngumiti ako.

" Teka kanina pa tayo naguusap pero di ko parin alam ang pangalan mo" Sabi niya. Ai oo nga pala nakalimutan ko magpakilala sakanya. Ang daldal niya naman kasu eh.

"Ai oo nga pala, Ella" pinunasan ko muna kamay ko tiyaka ko ilinahad sakanya.

"Nice naman pala name mo eh" sabi niya.

Hindi namin napansin ang oras. Madyado siguro kaming natuwa sa mga topics namin. Tiningnan ko muna ang time sa phone ko. Halah! 6:35 na pala.. Nakalimutan kong pupunta pala ako sa bahay nila Aira. Nasabihan ko pa naman na siya na pupunta ko sa bahay niya. Baka maghintay yun sakin. Magtataxi na nga lang ako. Hai naman oh. Tanga mo talaga Ella. Inuna mo pa pakikipaglandian kaysa sa friend mo.

"Okay ka lang?" Natauhan naman ako nang bigla siyang umimik. Nakalimutan kong may kasama pala ako. Napansin na sigurong nagiba ang expression ng mukah ko.

"Ahh oo oo, ahm Neil kailangan ko na palang umalis, may dadalawin pa kasi ako eh, mauuna na ako ha" tumayo na ako.

"Teka aalis ka ng ikaw lang mag-isa? Mag gagabi na ah...Hatid na kita" sabi niya. Ai naku, nakakahiya naman kung pumayag pa ko. Nilibre niya na nga ako ng pagkain eh magpapahatid pa ko. Baka isipin niya namang namimihasa na ako.

"Ah hindi na, magtataxi nalang ako, madami pa namang dadaan na taxi dito eh" pagtanggi ko sakanya.

"Oo nga maraming dadaan at marami ring mapagsamantala, kaya halika na sumama ka na,..Sige isipin mo na lang na Taxi rin ng sasakyan mo. Pero utang ang pamasahe, tapos tiyaka mo nalang babayaran...Okay ba yun?" Sabi niya. Hmm, sabagay eh tama naman siya eh marami nang mapagsamantala ngayon. Hmm sige na nga lang.

"Hmm sige na nga...Eh pero ano naman ang kabayaran niyan?" Tanong ko...

____________________________________

Maraming salamat. Para sainyo yan :)

Tnx. Pls vote and comment ;)

Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon