The Beginning <3

28 0 0
                                    

Ella's POV

Tatlong linggo na ang nakalilipas matapos ang nangyari kay Aira. Ikwinento niya lahat saakin. Sabi niya ay nagbreak daw sila ng boyfriend niya sa mismong araw na yun na anniversary nila. Pero hindi niya nabanggit yung tungkol dun sa nabasa ko sa folder kaya hindi ko nalang inopen up yung topic. Sayang pala noh? Edi sana pala kilala ko na yung matagal na matagal nang nagpapasaya sa bestfriend ko na ngayon ay yun na ang nagpapasakit ng damdamin ni Aira. 

Sabado nanaman nga pala ngayon,as usual eh nandito nanaman ako sa school kahit na walang pasok. And oo naglilinis nanaman. Pero hindi na sa Assembley hall,kundi sa mga rooms. At hindi na rin ako mag-isa,Meron na rin akong kasamahan :). Inatasan na kasing maglinis lahat ng youth officers dito sa lahat ng rooms. Kpag daw kasi hindi nanaman sumiot ay siguradong ibabagsak na. At sino may pasimuno ng parusang yan? AKO lang naman :D. Eh kasi naman eh ang hirap kaya maglinisng mag-isa. Kaya sinabihan ko yung mga teachers na sabihin yun para sa susunod na may ipapagawa sila eh lahat na sumipot. Pero siyempre hindi naman totoo yun eh. Panakot lang yun kung baga. Pero nag work naman eh. Tah mo ngayon,edi lahat sumipot.

Tahimik kaming naglilinis lahat. Dala dalawang youth officers sa bawat limang rooms. Kaming dalawa ni Josh ang naassign dito sa room ni Mrs. Cornelia. Nagpapatugtog nalang kami gamit ang phone ko para kahit papaano naman ay maibsan ang kaboringan.

"Ella may load ka?" nagulat naman ako ng biglang sigaw ni Josh mula sa CR ng room, dun kasi siya naasign. HAHAHHAHAHA. 

"Oo bakit?" pasigaw ko ring sagot.

"Pwedepahiram ng phone?" Tanong niya.

"Okay" hindi naman ako maramot kaya pinahiram ko na siya. Alam ko naman kasing mag gegames lang siya,kaya pahihiramin ko nalang. Kadalasan kasi kapag nanghihiram siya ng phone sakin, Ginagawa niyang palusot ang makikitext,yun pala magiinstall lang ng bagong games =.=.

"Tapos na. isasauli ko na ha" sabi niya.

"Ha? Ang bilis naman. Pero, sige ilapag mo nalang jan sa mesa,madumi kasi kamay ko eh." sagot ko. Himala. Ang bilis niya naman atang matapos gumamit. Kadalasan eh aabutin yan ng ilang oras bago maisauli. Minsan nga nadadala niya pa sa bahay nila. Ganyan kami kaclose at ganyan rin ako di karamot.

Lumabas muna si Josh para bumili ng pagkain. Nagugutom na kasi kami. Maya maya lang habang naglilinis ako at wala pa si Josh,may biglang nagtext.

From:0999*******

Hu u?


Sino naman toh? At ano daw? Hu? Me? Aba siya na nga tong nauuna magtext,tapos magtatanong siya kung sino ako? ABA MATINDE. 

To:0999*******

Ikaw po? sino ka?

From:0999*******

Ikaw ang una nagtext tapos pag tinanong kang"hu u"ibabablik mo yung tanong mo sakin?Bobo lang?


Aba! ang kapal naman ng muka nito. Rineplyan na nga ng magalang tapos rineplyan naman ako ng kawalaang ugali na reply. 

To:0999*******

Hoy! wag mo akong matawag tawag na bobo. Ikaw na nga itong nakakaistorbo sa ginanagawa ko dahil basta basta nalang nagtetext pagkatapos "hu u" pa ang laman,tapos susungit sungitan mo pa ko?! ikaw ang BOBO!!!

From:0999*******

HOY! ka rin. FYI ikaw una nagtext. At sa tingin mo? Di ka ba nakaistorbo sakin?! ikaw lang ba may ginagawa?!

To:0999*******

Nagsabe ko?! Oh sige nga. Kung ako ang unang nagtext. Ano sabi ko?

From:0999*******

Hi Bro Josh toh, tuloy pa ba tayo?

Yan ang nakalagay dun.

To:0999*******

Eh ikaw pala bobo eh. Nabasa mo naman sigurong may JOSH na nakalagay.

Pero siyempre nahiya rin naman ako kasi totoo naman pala na yung no. na toh ang nauna nagtext sakanya hindi siya ang nauna nagtxt sa no. na toh. Hindi na sana ko magrereply at maglilinis nalang. Kaso....

From:0999*******

Aaaahh.. So bat nagtatanong ka pa kung sino ako? eh ikaw pala yan Josh eh. Musta na?

=.= Bobo pala talaga toh.. Ano yun? naamnesia lang si Josh kaya di niya naalala na nagtext siya dito sa kung sino mang unggoy na toh. Walang commonsense..sushmita.!

To:0999*******

HINDI NGA SABI AKO SI JOSH!!! NAKITEXT LANG SIYA!!! HIRAP UMINTINDI?!


Aba! nakakairita na kaya. Ang istorbo! Maya nito makita pa ko ni Mrs. Cornelia,sabihin nun nagtetext lang ako at hindi nagtatrabaho. Etoh naman kasing unggoy na toh.

Maya maya pa dumating na si Josh. Humanda toh sakin.

"Hi Ella :) etoh na pagkain mo oh, grabe ang dami nakapila, nasisira itong kagwa--"

"HOY ikaw lalake ka!, Bat di mo sinabing makikitext ka pala? tah mo tuloy yan,Pagod na nga ako dahil pasunod sunod tong gawain ko! May bigla pang asungot na magtetext, Oh ayan replyan mo nga yan! BISCUIT!" napalitan naman ang smile niya ng pagkatulala dahil sa masungit na pagka sabi ko. Pagkatapos ay ihinagis ko sakanya yung phone ko.

"Ah E-Ella..nag ano naman ako ah, nagsabi ko na hihiramin ko phone mo. Kaya nga ako nagtanong kung may load ka eh kasi naubusan kasi ako ng load kaya naisipan kong--"

"HEH wag na madaming sat sat, Replyan mo na yan kung ayaw mong pati ikaw madamay" pagputol ko sa sinasabi niya.

"Oo na Sor--" 

"Sorry ka jan,pagkatap--" 

"Hoy Ella ikaw talaga kanina pa ko nagtitimpi sayo ha, kanina mo pa ko di pinapatapos sa sinasabi ko" pagputol niya naman sa sinasabi ko.

"Aii hehe, sorry jo-- Hoy teka nga ikaw may kasalanan dito ha,wag ka makagalit galit sakin jan" sabi ko.

"Hehe, Eto na po oh rereplyan na po" sabay ngiti niya tapos nagtouch touch kunwari sa phone ko.

Gwapo naman etong si Josh eh. Heartthrob nga eh. Kaso nga di ko type. Close kami. Kaya nga ang daming naiinis na malalanding babae sakin. Akala kasi nila may gusto ako dito sa unggoy na toh.

"Oh ayan Ella,nareplyan ko na,wag na msungit ha" sabi niya sabay akbay tas gulo ng buhok ko. Ang lapad lang ng ngiti nito. ANYARE..

"Dapat lang noh" sagot ko 

_____________________________________________________________________________

Ito na ba ang simula ng love story sa kwentong toh?

Sorry po kung matagal ang Update. Masyado kasing busy ang mga araw ni Author. :( Pero sana magustohan niyo toh.No Edit parin. Sana maintindihan niyo parin. SALAMAT. :D

TNX. Pls. Vote and Comment ;)

Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon