For the First Time

38 0 0
                                    

Andito na ko sa gate ng bahay nila Aira. hindi ako nakatingin sa kotse ni Neil pero alam kong umalis na siya. Sinadya ko kasi talagang tagalan ang pagbukas ng gate para mapakiramdaman ko ang pag alis niya. Ewan ko pero iba ang dating nung lalakeng yun. Siguro nga dahil siya ang kauna unahang lalake na kinausap at sinamahan ko. Hoy! Ella natututo ka na lumandi ha. BEHAVE.

Maya maya pa nga ay nakapasok na ko sa gate ni Aira. Tulad ko,umuupa lang din siya dito kasi malayo rin ang bahay niya. Sabi ko nga sakanya noon, kung uupa rin lang siya,dun nalang siya sa inuupahan namin ni ate Dona. Malaki naman yun,may 3 kwarto tyaka 2 storey. tiyaka sabi ko nga rin eh mas makakatipid pa siya tas sigurado pa siyang safe siya kasi nga 3 kami sa bahay. Kaso ewan kung bakit parang ayaw na ayaw niya.Ilang beses ko na siya pinilit. Dun tuloy sa isang kwarto bakante kaya ginawa nalang naming guest room. Sinadya talaga nila mommy at daddy na malaki ang upahan kong apartment para daw komportable ako.

Nagtataka siguro kayo kung bakit Apartment ang inuupahan ko pero may kasama ako. Kasi ganito yun.

                                                   *FLASHBACK*

Si Daddy at kuya ang sumama sakin sa paghahanap ng mauupahan kong apartment para daw makasure sila na safe ang princess nila. Ang O.A pero sweet. So sumama sila. Naghahanap kami ngayon dito sa lugar na di kalayuan sa University na papasukan ko. May nakita kaming nakapaskil sa may poste na APARTMENT FOR RENT so nag inquire kami. Pumasok kami dun sa gate ng apartment na tinutukoy nung nakapaskil. May sumalubong saaming ang ganda gandang babae. Matangkad,sexy,maputi,chinita,matangos ang ilong, tiyaka palangiti. Kaya nagtanong kami sakanya.

"Excuse me Miss,ahm may nakita kasi kaming nakapaskil dun sa may poste na APARTMENT FOR RENT and dito yung lugar na nakalagay dun. Magtatanong lang sana kung may bakante pa ba?" tanong ni Daddy dun sa babae.

"Ahm wala na pong bakante sir eh,sino po ba ang uupa?" sagot nung babae kay daddy.

"Ang anak ko" sabi ni daddy tapos pinakita niya ko dun sa babae. Ngumiti naman ako.

"Ahm sir if okay lang sainyo,pwede siyang umupa nalang sa same apartment na inuupahan ko,ako lang naman dun magisa eh. Actualy naghahanap talaga ako ng makakasama, kasi parang sobrang laki nung apartment para sakin eh. If okay lang po sainyo eh magsasama nalang po kami sa Apartment ko." Offer nung babae tas ngumiti. Ang ganda niya tiyaka ang bait. Tumingin naman si daddy sakin na parang nagsasabing okay lang ba sayo?. Tumango naman ako kay daddy agad. Kasi gusto ko rin naman ng may kasama lalo pa hindi ako sanay na magisa tiyaka di ako marunong sa gawaing bahay.

"Ahm pwede bang makita?" sabi ni dad dun sa babae.

"Sure sir,Follow me po." At naglakad na kami habang sinusundan yung babae. Habang naglalakad kami,nagsasalita yung babae. "Actualy sir,hindi po pwede makapasok ang lalake dito. Kaya kahit ang Security Guard ng Apartment na toh eh Babae. Pero since kamag anak po kayo ng uupa. Pwede po kayo pumunta pero ngayon lang." Paliwanag nung babae.

"Ahmm mas okay kung ganun. Nakakasiguro kaming safe etong si Ella." sabi ni Daddy. Tumigil naman kami sa isang unit ng apartment. 

"Ahhh Ella po pala name niya, Hi Ella im Dona pero just call me ate Dona." Tinigil niya muna yung pagbubukas ng pintuan pagkatapos ay tumingin sa direksyon ko at ilinahad ang kamay para magpakilala.

"Ella po" sagot ko lang tas inabot ang kamay sabay ngiti.

"Ayan, pasok po muna kayo" nabuksan na yung apartment ni ate Dona. Ang ganda at ang laki. Napaka organize ng mga gamit. Kahit ang tiles ay napakakintab. Hindi mo talaga aakalaing isa lang itong apartment. Unang tingin palang kay Daddy,alam kong payag na payag na siyang dito ako titira. 

Natapos na naming tingnan ang baba. Nasa baba ang Sala,Kitchen,Dining Area,Movie room tiyaka 1 shower room at 1 toilet room. Sosyal diba? parang Condo lang. Sabi kasi ni ate Dona mayayaman daw talaga ang mga nakatira dito,yung iba nga daw eh maldita at maaarte kaya ayaw nyang makihalubilo. Bagay lang daw to sakin dahil unang tingin niya palang daw ay mayaman daw kami which is totoo naman kahit papaano. Si mommy kasi Doctor sa ibang bansa, Si Daddy nagpapatakbo ng sarili naming company, Si kuya naman eh may sariling Business rin, Di ko nga lang alam kung ano. Ako na nga lang talaga ang wala pinagkakakitaan sakanila eh. Kaya nga nagbabalak akong magpatayo nalang ng Boutique. Magpapatulong ako kay Daddy at kuya since sila naman ang maimpluwensya tungkol sa Business business na yan.

Nakaakyat na kami. Nakita kong may 4 na pintuan. Isa isa naming pinasok. Yung una naming pinasok ay ung isang pintuan. Kwarto daw yun ni Ate Dona. Color purple lahat. Ang cute. Dun naman sa isa ay puro Pink pero di ko type. Wala daw natutulog dun.tulad nga kasi daw ng sabi ni ate Dona kanina. Siya lang magisa rito. Binuksan na namin yung pangatlong room, at yun ang nakakuha agad saakin ng attensyon. Para kang nasa ulap. Ang kama kasi malaki, kulay puti tapos baby blue ang unan tiyaka kumot. Ang wall naman eh white and baby blue din ang motive. Ang sahig color pink. Ang ganda sobra. Lahat ng kwarto malalaki at magaganda pero etoh ang pinakanagustuhan ko. Favorite color ko kasi ang baby blue. 

Bumaba na ulit kami. Andito kami ngayon sa sala. At napagusapan na rin na yung blue na kwarto yun na yung akin. Napagusapan na rin ang mga assignments ko. Actualy parang wala nga eh. Kasi si ate Dona ang tagaluto may house keeper naman daw tiyaka naglalaundry. So wala nang problema. Eh magkano naman kaya upa nito.

"Ahm bale 30K po ang upa rito buwan buwan.. pero ako po ginagawa ko. 15K sa ika 15 na buwan 15K rin sa katapusan, so since magkasama naman po kami na rito hati nalang kami sa upa, okay lang po ba?" Tanong ni ate Dona.

"Sure sure no problem" sagot naman agad ni dad. "basta ba komportable lang ang prisesa namin" dagdag pa ni daddy. Etong si daddy maka  sure sure no problem kala mo naman 10 pesos lang ang upa dito.

Nasettle na ang lahat pati ang paglipat ko kaya umuwi na kami.

                                                       *END OF FLASHBACK*

At yan nga po ang story behind ate Dona and Ella's Apartment. Oh ha. Ai oo, di pa nga pala ako nakakapasok sa bahay ni Aira. Maya maya bumukas na yung pintuan.

"Hmm..E-ella?" nanghihinang sagot ni Aira pagsalubong niya sakin. Maya maya bigla nalang siyang natumba at hinimatay.

"AIRA! AIRA! TUUULOOONNG!" natataranta kong sigaw.

__________________________________________________________________________

Ano ba yan kinikilig pa nga si Ella kanina dahil first time niyang may makilala at makasamang kaibigan na lalake tapos bigla namang magkakaganito ang Bestfriend niyang si Aira.

Ano kayang meron kay Aira..?

ABANGAN...

Medyo mahaba haba rin tong chapter na toh ah. Ginaganahan si Author. :D Sorry po if may mga mali maling type. Tulad po ng sabi ko,hindi ko po kasi iniedit. Pero sana naiintindihan niyo parin. Di ko po malagyan ng picture pero next tym susubukan ko nang lagyan. Salamat. :)

TNX. Pls Vote and leave a Comment ;)

Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon