Brayden's POV
Nasa gitna ako ng pagpapahinga. Katatapos lang kasi ng practice namin para sa basketball. Maglalaban nanaman kasi ang Davies University at ang School namin sa Basketball. Masyadong magagaling ang Davies University players, Pero siyempre mas magaling ang Harris University. Kaso habang nagpapahinga ako,nabwisit ang araw ko dahil sa text ng linalang na di ko man lang kilala.
Ako nga pala si Clint Brayden Ocampo. Isa akong Grade 10 student dito sa Harris University. Isa rin ako sa mga players ng H.U. Basketball Team. Simula ng maglaban ang H.U. at ang D.U. sa basketball,Nagsimula na rin ang isyu ng dalawang University. Unang laban kasi namin ay natalo na agad sila. Ayon sa balita,H.U. daw ang pinaka unang nakatalo sa D.U. Kaya ganun nalang siguro ang init ng ulo ng mga taga D.U. sa mga taga H.U. Pero gusto niyo ba malaman kung bakit badtrip na badtrip ako ngayon? wala naman tong kinalaman sa labanan ng D.U. at H.U. eh. Etoh kasi yung nangyari.
*FLASHBACK*
Habang nakaupo ako at nagpapahinga,Bigla naman akong nauhaw. Kaya lumapit ako sa bag ko kung san nakalagay yung tubig. Pero bago ko pa man makuha yung tubig ko eh napansin ko kaagad ang phone ko na umilaw.
1 msg. recieved
From:0932*******
Hi Bro Josh toh, tuloy pa ba tayo?
Tuloy? Saan? Ah siguro wrongsend lang toh. Kaya rineplyan ko nalang ng hu u? . Kaso nga lang imbis na sagutin ako kung sino siya eh tinanong rin naman tuloy niya ako kung sino ako. At talagang ako pa yung sinungitan. Sinabihan pa ko na Bobo daw ako. Siguro babae toh. Pero kung babae siya,bakit Josh?
*END OF FLASHBACK*
Hindi ko na pinatulan ang huling text niya. Pero maya maya pa nga ay may isa nanamang nagtext.
1 msg. recieved
From:0932*******
Bro,si Josh Zamora toh. Pasensya na kung natarayan ka ni Ella. Nakitext lang kasi ako sakanya kaso lang hindi niya alam. Oh ano tuloy pa ba tayo bukas?
Aaahh, si Josh pala. Sa pagkakaalam ko taga Davies siya. Pero kaibigan ko siya,Hindi naman kasi ako nakikisali sa mga iritan nila.Minsan pa nga eh sa labas pa ng campus nila ako tumatambay. Pero dati yun,Hindi na ngayon. Dun kasi nagaaral ang ex ko.Oo ang Ex ko. Kakabreak lang namin. Pero tiyaka ko na sasabihin kung ano ang dahilan,sa tamang panahon. Mahirap na,baka maiyak kayo. Hindi ako sanay mag emote noh. Hahaha. Tiyaka isa pa,dun din nagaaral ang kuya ko.
Mareplyan na nga lang toh si Josh. Dun na sa no. niya. Maya kasi niyan eh yung si Ina pa may hawak nun. May no. naman ako kay Josh eh, Kaya siya nalang itetext ko.
To: Josh
Ahh bro pasensya na,hindi tayo muna matutuloy bukas. May practice kasi kami. Magtetext nalng siguro ako kung kailan tayo tutuloy. Btw. Ina pala name ng babaeng tigre na yun?
