"AIRA! AIRA! TULOOOONG" natataranta kong sigaw.
Sobrang putlang putla na kasi si Aira pero hindi ko alam ang gagawin sakanya.
"O-okay,okay lang ako Ella. Pakikuha nalang yung gamot dun sa kwarto ko" sabi niya sa sobrang hinang boses. Nakahawak siya sa ulo niya. Alam kong masakit ulo niya to the point na hinimatay siya.
"O-oh ah ah sige sige,hintayin mo ko jan ha" Tumayo na ko at naglakad patungo sa kwarto ni Aira. Pagbukas ko,sobrang kalat. Parang binagyo.
Ayun nakita ko na yung gamot niya. Nakapatong ito sa isang folder. Project niya ata.
Kukunin ko na sana yung gamot nang biglang nahulog yung folder.
Hindi ko sinasadyang mabasa. Pero pinulot ko dahil nakita kong isa itong test sa utak. Nung binabasa ko na, bigla namang pumasok si Aira.
"WAG MONG PAKIKIALAMAN YAN!" nagulat ako dahil bigla niya akong sinigawan.
"Ah oh oo oo,pinulot ko lang naman kasi nahulog nung kinuha ko yung gamot" Paliwanag ko. Bigla naman siyang lumapit sakin at kinuha yung folder ng mahina.
"P-pasensya na.. Dala lang siguro to ng sakit ng ulo ko." Sabi niya tapos yumuko.
"Ok lang.. Teka,okay kana ba? Sabi ko diba hintayin mo lang ako doon" Sabi ko sakanya.
"Hindi na,nakainom na ko ng gamot. Bago ko pala kasi buksan yung pintuan,Iinom pala sana ako nun ng gamot kaso sa sobrang excited kong makita ka nadala ko nalang yung gamot" sabi niya tapos ngumiti siya.
Alam kong kahit nakangiti siya,nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya at may pinagdadaanan. Hindi ko nga lang alam,pero sigurado akong may kinalaman yun sa folder kanina. Kaya siguro magulo dito kasi di na niya kinaya kaya nagwala siya. Ano kaya ang problema ng bestfriend ko. Sana lang alam ko para makatulong ako. Masakit para saakin na malamang nasasaktan ang bestfriend ko sa mga nangyayari.
Aira's POV
Hindi dapat malaman ni Ella ang totoo kong kalagayan. Nalaman ko kasi kaninang may sakit ako sa utak. Sumabay pa yung boyfriend ko na nakipagbreak sakin kanina lang. Kaya di ko napigilan ang sarili at nakapagwala ako.
*FLASHBACK*
Pupunta daw si Ella dito kaya maghahanda nalang ako sa sala ng pwede naming kainin. Sa paraang yun siguro,eh kahit papaano ay makakalimutan ko ang tungkol sa sakit ko. Tiyaka isa pa,dapat akong magcelebrate dahil 1st anniversary namin ng boyfriend ko. Kaya dapat magpakasaya ko instead of magmukmok ako at isipin ang sakit ko.
Nandito na ako sa kitchen ngayon maghahanda ako dahil pupunta rin ang boyfriend ko dito. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang kare-kare. Sa lahat kasi ng luto ko,yun daw ang pinaka gusto niya.
Maya maya pa ay naiset ko na ang table para sa tatlo. Excited na excited na kasi akong ipakilala ang boyfriend ko kay Ella. Hindi niya pa kasi ito nakikilala at nakikita. Sabi ko kasi pag umabot na kami ng year eh tiyaka ko na sasabihin ang pangalan ng boyfriend ko sakanya para exciting. At ngayon ngang one year na kami,excited na akong sabihin kay Ella. Gustong gusto niya na kasi malaman kaya isusurprise ko siya ngayon. Ang alam niya kaya ko siya pinapapunta kasi may sakit ako.
Papunta na akong kwarto mag ayos ng sarili. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko sa kusina kaya sarili ko nalang ang kailangan ko ihanda.
Pagkapasok ko sa kwarto. Naghanap agad ako ng pwede kong maisuot.
Pagkatapos kong magbihis ay humarap na ko sa salamin. Nakita ko ung phone ko. Ay oo nga pala naiwan nga pala toh kanina nung pumunta akong kusina.
Binuksan ko. 20 missed calls from Babe. Halah baka on the way na siya. Call back ko na nga lang siya. Dapat kasi dinala ko nalang tong phone ko eh.
Calling Babe....
Hindi pa man din nakakailang ring ay sinagot niya na.
"Hello Babe sorry kung di ko nasagot kasi may ginagawa ako ngayon ko lang nakita na ang dami mo na palang miss calls malapit ka na ba? Kasi sasal---"
"Lets have a break" naputol ang sunod sunod kong salita ng bigla niya yung sinabi.
"Babe sorry hindi ko naman sinasadyang di masagot yung taw--"
"It's not about that. I just dont love you no more" (kanta yun diba?XD Anyways balik tau sa drama) sabi niya sakin.
"Babe..pwede naman nating pag us--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya.
Pagkatapos ng paguusap na yun. May biglang nagtext.
From: Babe
I hope you'll understand. Hindi ko lang talaga kaya na makisama pa sa taong hindi ko na mahal. Alam kong makakalimutan mo lang ako agad. Bye.
Beset na lalake toh. Ano ba ko? Papel para walang feelings? After 12 months na pagsasama namin makikipaghiwalay siya?! At sa mismong araw ng Anniversary pa?! nananadya ba toh? Sinong lalakeng walang puso ang gagawa nito? SIYA LANG!!!
Alam ko naman dati pang babaero siya eh. Winarningan na ko ng mga kaibigan ko pero di ako nakinig dahil mahal ko siya at mas pinaniniwalaan ko siya. Eh sino ba kasing babaero ang aabot sa 12 months na relasyon diba?
Lahat ng bagay na mkita ko sa kwarto ay hinahagis ko.
"Bakit ngayon pa?! Kung kailan nalaman ko ang sakit ko! Malalaman ko ring hindi na niya ko mahal?! Bakit?!" sinisigaw ko. Ang masakit kasi dun. Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit siya nakipag hiwalay.
Di ko lang kasi talaga maintindihan ang mga nangyayari sakin. Pinaparusahan ba ko dahil sa mga ginagawa ko? kaya nagkakaganito? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
*END OF FLASHBACK*
____________________________________
Nakakaawa naman pala si Aira. Sasabihin niya parin kaya kay Ella ang totoo o pipiliin nalang niyang isekreto.
NO EDIT po ito. :D
Tnx. Pls Vote and Comment ;)
