Alone im not alone

50 0 0
                                    

Masyado pong maikli ang update ko nung chapter 1. Pero sisikapin ko pong hindi tamarin magtype para mahabaan ko pa. :)

________________________________

Katatapos ko lang sa Assembly Hall. Uuwi na ko sa apartment ko. Pero dadaan muna ko sa classroom, baka kasi nandun pa si Mrs. Vergara, siya po ung teacher ko. Baka sabihin nanaman nun na umaalis lang ako ng hindi nagpapaalam. Mahirap na,ako na pagod,ako pa walang ugali,oh edi WOW.

Naglalakad na ko sa ground ng campus namin. Wala masyadong tao kasi nga sabado. Kumpleto ang school na toh sa lahat ng Sports. May basketball court,may soccer field,may pool etc. Dahil sabado,bihira ang guro at estudyante.

Wala naman akong gagawin sa apartment kaya naisipan kong maglakad lakad muna. Hindi na ko pumunta sa classroom dahil panigurado eh may iuutos nanaman si Mrs. Vergara. Kaya naglakad lakad nalang ako, hindi man ako pumunta dun atleast nasa Campus parin ako. Tatawagan ko nalang si Ate Dona. Sasabihan ko siya na medyo malelate ako ng uwi. Baka kasi damihan niya yung luto niya.

Calling Ate Dona....

"Hello? Ella, nasan ka na?" Di pa nakakailang ring eh sinagot na ni Ate Dona.

"Hi ate, andito pa po ako sa school,katatapos ko lang kasi sa mga pinapagawa ni Mrs. Vergara. Tiyaka ate late ako uuwi ngayon,wag ka nalang po magluto ng marami. Sunday naman po bukas. Maglalakad lakad lang po ako tas dadaanan ko nalang din po siguro si Aira kasi may sakit raw." Dirediretso kong sagot. Siguro naman naintidihan yun ni Ate Dona.

"Ano ba yang si Mrs. Vergara, di parin talaga nagbabago..Oh sya sige,basta magiingat ka. Kung masyado nang late eh dun ka na kanila Aira matulog..Delekado kasi papuntang apartment kung uuwi ka pa mag isa,ha?" Pagaalalang sabi ni Ate Dona. Si Mrs. Verara din kasi ang teacher niya nung highschool siya. Si ate Dona na ang tumayong Mama ko dito,dahil nga sa malayo ang bahay.

"Ah opo ate,thank you po..sige po magiingat rin po ikaw jan" Sabi ko tapos pinutol ko na yung tawag.

Habang naglalakad ako, napansin ko sa bandang kaliwa yung basketball court. May mga naglalaro. Sa pagkakaalam ko kasi,every Saturday ang practice ng mga varsity players dito,specialy ang basketball players. Ilalaban kasi sila sa isang University. Balita ko nga magkainit ang dugo ng University namin at yung makakalaban nila. Parehas daw kasi magagaling.(chismisss XD)

Umupo ako sa may grandstand para manuod. Medyo mahaba pa kasi ang natitirang oras bago ako pumunta sa bahay nila Aira. Kesa naman maglakad lakad ako, mapapagod na ko baka mapispis pa sapatos ko.

Ang gagaling pala talaga nila. Ngayon ko lang kasi napanuod na maglaro ang mga basketball players namin. Wala naman kasi talaga akong hilig manuod eh. Inaaya ako ni Aira minsan dahil daw madaming gwapo,mahilig kasi sa gwapo eh buti na nga lang eh hindi ako nahawa. Pero pag yinayaya niya ako hindi ako sumasama. Kaya nga sinasabihan niya ko ng..Oh! kaya ka NBSB kasi hindi ka lumalandi paminsan minsan. Ang weird niya lang talaga. Kung baga B.I..

Habang nanunuod ako napansin ko yung no. 4, ang gwapo tapos ang galing maglaro. Finocus ko yung tingin ko sakanya. Biglaan naman siyang tumingin sa direksyon ko. Susmeh! Nabuking pa ata ako.

Nagtake na sila ng break kaya aalis na ko. Tumayo na ko at naglakad papuntang pintuan ng Court nang biglang...

"Miss wait!" narinig kong sigaw ng lalake sa bandang likuran ko. Hindi ako tumingin. Malay ko naman kung iba pala tinatawag niya tas magpapaka assuming ako, Edi napahiya pa ko. Pero...

"Hoy miss,ikaw na nakablack na Tshirt,naka jeans at rubber shoes..ikaw,tinatawag kita" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko muna yung suot ko bago ako tumingin. Unti unti akong lumingon sa direksyon niya.

Tumingin muna ko sa paligid ko bago ako nagsalita.

"a-ako?" sabi ko na may pagkaalanganin habang tinuturo ko ng daliri ko ung sarili ko.

"Oo ikaw,may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" sabi niya. Aba pilosopo din tong lalakeng toh ah. Luminga luminga ako tapos tinuro ko yung likuran niya.

"Oo meron,ayan oh" Natawa ko sa reaksyon niya. Dahan dahan siyang tumingin sa may likuran. Napahalakhak ako ng wala sa oras.

"Biro lang, Muka mo di maidiscribe" sabi ko. Sa totoo lang ginawa ko lang yun kasi sobrang Awkward. Siya pala yung no. 4 na nahuli ako kaninang nakatingin sakanya.

"heh! Halika,tinatawag kita diba?" sabi niya. Ai oo nga pala.

Lumapit na ko sakanya.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Neil" ilinahad niya kamay niya sakin.

___________________________________

Sino kaya si Neil sa buhay ni Ella? Abangan sa mga susunod na chapters :)

Sana po kahit papaano nagustuhan niyo ang update ko na toh :* ;)

Tnx. Pls vote and comment :)

Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon