"tulungan mo ko kay Ella" hindi ko alam kung bat ko nasabi yun. Pero hindi sa may interest ako sa babaeng yun ha, kundi dahil sa tingin ko eh magagamit ko siya sa mga plano ko. At para rin matulungan ko si kuya.
*FLASHBACK*
walang nakakaalam sa relasyon namin ng Girlfriend ko. Kasi ang usapan namin, sa 1st anniversary namin eh ipapakilala na namin ang isat isa sa mahahalagang tao sa buhay namin. Sinesekreto lang din namin dahil baka magalit ang team ko sakin dahil sa girlfriend ko ang cheerleader ng D.U. basketball team. Kaya mas pinili naming isekreto na lamang.
Pagkarating ni kuya galing sa basketball practice,nagtaka ako dahil sobrang lapad ng ngiti niya. Kilala ko toh si kuya. Alam ko kung kelan siya masaya at kung kelan siya malungkot, at kelan niya rin ginagamit ang ngiting gamit niya ngayon. Ang alam ko ay ang ngiting yun ay masaya at kakaiba.
"babae?" tanong ko sakanya habang nakatingin lang ako sa laptop ko at hindi natingin sakanya.
Bigla naman siyang lumapit at tumabi sakin sabay tapik sa balikat ko. "Oo bro, ang saya ko dahil nakita ko ulit siya, and this time mas malapit pa kami sa isat isa at alam ko na rin ang pangalan niya" sabi ni kuya. Ah siguro yung babaeng tinutukoy niya eh yung babaeng kwinento niya sakin noon na nakabangga niya nung pumunta kaming boracay. Sabi niya noon palang daw eh alam niyang nainlove na siya dun sa babae. "nagffb ka?" tanong niya pa habang tinatanggal sapatos niya.
"ahuh,bkit?" sagot ko nmn habang nagbbrowse sa fb.
"search mo name niya" sabi niya.
"oh sige nga,matingnan natin kung bakit gnyan ka kainlab sakanya,ano pangalan nang magkaalaman na" biro ko pa.
"etoh, search mo, Aira Shayne Ramirez" agad naman niyang sagot na ikinagulat ko pati ng buong katawan ko.
"A-ai aira? ram- ramirez?" nanghina ako sa narinig ko.
"Oo.. bakit? may problema ba?" tanong ni kuya. Nakita ko namang nabura ang ngiti ni kuya na ngayon ko nanaman nakita simula nang iniwan siya ng bestfriend niya simula pagkabata. Mahal na mahal ko ang kuya ko dahil siya ang tumatayong ama namin ni ate kahit sa murang edad. Kaya ayaw kong nagiging malungkot siya. At sinumpa ko sa sarili ko na kung makikita ko si kuya na ngumiti ulit,gagawin ko lahat para lang manatili ito.Kaya ganun nalang ako nanghina nang marinig ko ang binanggit niyang pangalan.
Sasabihin ko ba na si Aira na nagugustuhan niya eh siya rin ang gf ko? Bukas eh 1st anniversary na namin at balak ko sanang ipakilala siya kanila kuya. Pero paano ko gagawin yun? kaya ba ng konsensya ko na mawawala ang mga ngiti ni kuya dahil lang rin sakin?
Hindi ako papayag. Kung maraming sinakripisyo si kuya para sakin,sa paraang ito baka mabayaran ko siya. Kahit lanmang sa ganitong paraan.
*END OF FLASHBACK*
at tama kayo, kaya kami nagbreak dahil nakipaghiwalay ako,nakipaghiwalay ako dahil ayaw kong malungkot ulit ang kuya ko. Kinaya niyang isakripisyo lahat kahit ang buhay niya para sakin kaya kahit masakit gagawin ko para lang mapasaya ko siya ulit. Nakakabading ba? pasensya na. dahil lang siguro toh sa pinagdaanan ng pamilya namin.
Kaya ngayon eh itutuloy ko ang plano ko. Masakit man sakin na masaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko at pag nagkataon rin na malaman ng Ella na yun na parte lang siya ng plano ko ay panigurado eh masasaktan rin siya,pero mas hindi ko kakayanin kung ang kuya ko ang masaktan. Ang kuya kong tumayong ama at nagpatatag ng loob ko nung nawalang parang bula ang magaling naming ama.
"Tulungan? kay Ella? bakit? paano?" Pasunod sunod na tanong ni Josh. Halatang pati siya ay gulat sa sinabi ko.
"Sumama ka sakin sa bahay at dun natin paguusapan ang plano ko na siyempre plano mo na rin" sagot ko at tinulak ko na siya papasok sa sasakyan. "Manong balik sa bahay" sabi ko kay manong Jose. Siya ang Family Driver namin.
**************************************************************************
SA BAHAY
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang plano ko. Pero kailangan kong gawin toh ng maayos.
"So bat mo nga gagamitin si Ella?" seryosong tanong ni Josh.
Pinaliwanag ko na kasi kung ano talaga ang totoong plano ko. Na gagamitin ko lang si Ella at wala talaga akong gusto sakanya.
"Dahil nga gusto si Aira ng kuya ko,at gagamitin ko si Ella bilang weapon para magselos si Aira mainis at humanap ng masasandalan pag dumating ang time na masaktan siya. At sisiguraduhin kong si kuya ang taong lalapitan niya." Paliwanag ko.
Nung una ay hindi ko napapayag si Josh,dahil nga daw sa itinuring na niyang nakababatang kapatid si Ella.Pero nang sabihin kong ginagawa ko toh para kay kuya ay napapayag ko naman agad siya.
"So anong plano? Magingat ka dun Brayden dahil masungit yun,at pag nahulog ang loob mo sakanya,malaking problema yun" Tila babala ni Josh sakin.
"Oo,sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog sakanya,at isa pa,hindi siya ang tipo ng babaeng magugustuhan ko" Siguradong sagot ko.
"Wag kang magsasalita ng ganyan,dahil hindi mo pa siya nakikita,Baka pagsisihan mo sa huli na binitawan mo yang salitang yan sakin,.Eh kung kaedad ko nga lang talaga yung si Ella eh baka matagal ko na yung niligawan." Sagot niya naman sakin.
"Eh si ate Scarlett nga eh mas matanda pa sayo eh..Pero Makakaasa kang hinding hindi mangyayari ang kinakatakot mo"siguradong sagot ko.
"So ano ngang balak mo? anong gagawin mo? Siguraduhin mo lang na di ako magmumukang masama pag dumating ang araw na malaman ni Ella yang kalokohan mo" tanong ni Josh.
"Ako na ang bahala. Ang trabaho mo lang ay suportahan ako at tulungan na mapalapit kay Ella. Alam kong makakaasa ako sayo. Sa walang makakaalam ng plano natin,kahit ang kuya ko" paniniguradong sagot ko.
"Makakaasa ka..Ipangako mo rin sa akin na makakaasa rin ako sayo" Sagot niya.
"Bro,ang bading mo, oh edi PROMISE" biro ko pa sakanya.
Medyo kinakabahan nga ako sa gagawin namin. Dalawang babae ang masasaktan ko. Basketball player ako pero hindi ko ugali na manakit ng babae o magpaiyak. HAHAII..
__________________________________________________________
Kinailangan ko pang balikan ang simulang simula ng story :D Pasensya na :D Naguluhan kasi ko kung ano story. Hahaha :D
No Edit :D
Pls. Vote and Comment ;)