Chapter 1

13 5 3
                                    

"E-off lahat ng ilaw maliban sa gitna. Siguraduhin n'yong walang makakarinig sa gagawin natin." seryosong turan ni Calix na agad namang sinunod ng tatlo n'yang mga kasama.

"Hoy ugok na Indri ka! 'Wag ka ngang magpakasarap lang d'yan, buhatin mo si Wendell kung ayaw mong ikaw ang buhatin ko," nanlilisik-matang sigaw ni Hansel nang makita si Indri na paupo-upo lang habang panay ang singhot sa hawak nito.

"Oo na!" irap ni Indri at padabog na tumayo. Tinungo n'ya ang kinalalagyan ng walang malay na si Wendell at marahas itong kinaladkad patungo sa gitna. Nang medyo nabibigatan na siya sa paghila'y tsaka pa lang n'ya ito binuhat hangang sa makarating na sila sa gitna. Walang pagdadalawang isip n'yang itong binagsak na para bang isang sako ng bigas.

"Oh tapus na," masaya n'yang turan na parang bata sabay ngite ng sobrang lapad at balik sa kaninang kina-u-upuan n'ya.

Sunod na lumabas mula sa dilim ang isang lalaking naka-hood na may nguya-nguyang chewing gum na kanya pang pinapalubo-lubo. Lumapit siya sa katawan ng nakahandusay na si Wendell na para bang  mangi-ngimbalsamo.

"Si Wendell ang magiging pang-anim na masa-saksak ko. Tingnan nga natin." agad n'yang inilabas ang patalim na nakatago sa kanyang hita at mabilis na pinadaan sa damit na suot ni Wendell dahilan para mapunit ito at lumantad ang maputi nitong t'yan.

Tak!
Tunog ng gum na pumutok sa kanyang mukha na agad n'ya rin namang nilamun pabalik at walang habas na nginuya-nguya.

"Oh fuck! ang ganda pala ng t'yan nitong ugok na Wendell na 'to!" bulong n'ya sa kanyang isip, hindi n'ya inaasahan ang sunod na gagawin ni Peter. Saktong pag-angat n'ya ng tingin ay siya ring pagsabog ng nagliliparang nakabulbong druga sa kanyang mukha.

Tumawa lang si Peter ng tumawa na para bang nababaliw na pero imbes na gumanti ay hindi n'ya na lang ito pinansin. Halatang-halata ang pagbabago ng kanyang templa. Mababakas sa kanyang mukha ang kahibangan at  pagkabaliw. Nakataas na sa ire ang hawak niyang patalim nang magsalita si Calix kung kaya't napatigil siya.

"Siguraduhin mo lang na madra-drawing mo si Spongebob sa t'yan ni Wendell," hindi mababakas sa tuno ng pananalita ni Calix ang pagbi-biro... pagbabanta ang nangi-ngibabaw. 

"Oo naman! Kaya manahimik na lang kayo d'yan... just watch me and learn," patawa-tawa lang siya pero sa kalub-luban niya'y halos himatayin na s'ya sa takot.

Muli, itinaas n'ya na naman ang kanyang patalim. Nanginginig ang kanyang mga kamay tanda na kinakabahan siya pero binaliwala n'ya na lang ito tsaka huminga ng malalim. Sa pangalawang pagkakatao'y may dumisturbo na naman sa kanya.

"Stop Hans! Lets set the mood." 'di mawala sa mga labi ni Peter ang ngite. Tumayo siya at naglakad patungo sa kinalalagyan ng switch. May hinugot s'ya sa kanyang bulsa, ito ang cellphone n'ya. Ilang segundo lang at naririnig na ang kanta ni Billie Eilish na 'Bury Your Friend' sa apat na sulok ng silid. Suminyas s'ya kay Hansel na ipagpatuloy ang dapat nitong gawin.

Tsak!
Saktong pagbaon ng patalim sa katawan ni Wendell ay siya ring pag-patay ng ilaw. Mabilis na hinugot ni Hansel ang patalim mula sa katawan ni Wendell kasabay ang muling pagbalik ng ilaw. Makikita ang malaking saksak na sakto sa puso dahilan para umagus dito ang sariwang dugo pababa sa sahig.

Lahat sila'y nakangise na parang nagandahan sa naisip ni Peter.
Kahit na naka-hi-hilo na kung pagma-masdan ang pagpatay at pagsindi ng ilaw pero parang 'di man lang nila ito ramdam. Patuloy lang sila sa pagtawa at pagsaksak kay Wendell, kung kanina'y si Hansel lang ang sumasaksak ngayo'y silang tatlo na, naiwan si Peter na taga-patay-sindi ng ilaw.

Sa bawat pagsindi ay parami ng parami ang saksak sa katawan ni Wendell pati na rin ang pag-agus ng dugo na ngayo'y natatapakan na nila.

I wanna

I wanna

I wanna end me

When we all fall asleep we're do we go...

Nang matapus ang kanta ay saka pa sila tumigil. Napuno ng dugo ang kanilang mga suot na uniporme pati na rin ang kanilang mga mukha.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nainis si Indri kaya nahilamus niya ang dugo na nasa kanyang mukha na sa bawat pagbuka n'ya ng kanyang bibig ay siya ring pagpasuk ng ilang mga dugo rito.

"Ano nang susunod nating gagawin?" hinihingal pa n'yang tanong na parang wala lang ang langsa ng dugo sa kanyang mukha.

Nanatiling tahimik ang kanyang mga kaibigan  Tanging hininga lang nila ang maririnig sa buong silid.

Gumawa ng ilang hakbang si Peter palapit sa ngayo'y bangkay ni Wendell. Nababalutan ito ng dugo at nakalabas ang ilang mga laman. Hindi nagtagal ang kanyang pagtitig dahil tuluyan na s'yang nasuka.

"Ano, impressive ba?" nakangiseng tanong ni Indri kay Peter at malakas siyang tinapik sa likod kaya muntik na s'yang matumba sa sarili niyang suka.

"Para naman kayong bading!" si Calix sabay hagis ng mga kung ano sa kasama na agad naman nilang pinaghi-hithit.

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon