Moira pov
Nandito ako ngayon sa bahay nanonood ng tv. Nag day off ako ngayon para naman makapagpahinga ako kahit papano. Tuloy parin sa panliligaw sa akin si dan okay naman sya mabait naman kahit papano.
"Hello po tita anjan po ba si moira?" narinig kong tanong ni biek sa labas ng bahay namin.
"Oh sean, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni mama
"Meron po half day lang po kami ngayon dahil exam namin." biek
"Ah ganon ba, sige anjan sa loob si moira, pasok ka nalang."
"Sige po."
"Uy biek ginagawa mo dito?" tanong ko
"May tatanong lang ako panget pero wag mo kong pagtatawanan ha?" sabi niya sakin na parang bata.
"Oh ano ba yon tungkol sa school mo ba? Hahahaha" natatawa kong sabi dahil sa jtsura niya.
"tch sabi ko wag mo kong pagatatawanan e wala pa nga akong sinasabi e." sabi niya haha
"O sige hindi na ano ba yon ha? Biek?"
"Wag na nga lang." tampo niya ng akmang tatalikod na pero pinigilan ko sya
"Joke toh naman. Ano ba talaga yon?" pilit ko na sakanya
"Pano ba manligaw ng babae?" nagulat ako sa tanong niya pero kalaunan ay natawa ako hahaha
"HAHAHAHA uyyy binata na sya nanliligaw na hahaha." pang aasar ko sakanya pero mukhang napikon siya.
"Sabi ko wag mo kong tatawanan e." nguso niya
"Natawa lang ako sorry o ano ba yon?" tanong ko ulet
"So paano nga kase?"
"Alam mo iba iba kase kami ng gusto sa manliligaw namin." sabi ko sakanya
"O e kunyare ikaw ano ba mga gusto ng babae para mapasagot nila yung manliligaw sa kanila." curious na tanong niya
"Ako? Hmmm mabait, makisig tapos lagi akong pinapatawa." sabi ko sakanya
"Hmm, bakit ganon ba sayo si dan lagi?" tanong niya sakin.
"Uh medyo." sagot ko dahil minsan ganon siya.
"Ah sige alis na ako turuan mo ako ah." sabi niya sakin.
"Sige ako bahala tuturuan kita biek."
"Sigeee paalam panget." tapos lumabas na siya samin.
Days Passed...
Lumipas ang mga araw at tinutulungan ko naman siya ng mga kung pano manligaw, nakikita ko naman na parang seryoso siya sa mga ginagawa niya. Tinuturuan ko din siyang gumawa ng love letter. Isusulat ko sa ibang papel at siya naman ay gagayahin niya sa ibang maayos at mabangong papel ang sabi pa niya sakin ay nag iipon daw siya ng pera para bilhin niya ng papel iyon.
Sa isip isip ko ang swerte ng liligawan niya balang araw dahil sa katulad ni sean ngayon na bihira nalang ginagawa ng mga kalalakihan ngayon. Kung ako lang ang nililigawan mas gusto kong katulad ng ginagawa ni sean dahil mas napapakita mo talaga na gusto mo yung isang tao kahit sa pamamagitan lang ng mga sulat sulat.
Tinanong ko rin si sean kung anong pangalan ng nililigawan niya pero ang sabi niya sakin ay ipapakilala naman daw niya sa akin yon kaya hindi ko sya tinigilan ng mga nagdaang araw kung sino ba talaga yung babae pero ayaw talaga niyang sabihin kaya tinigilan ko nalang ang pagatatanong.
"Uyyyy binata na siya nagkaka crush na." asar ko sakanya, sa tuwing magkikita kami ay inaasar ko sya lagi kaya lagi siyang inis na inis sakin.
"Tch tigilan mo nga akong panget ka talaga e."
"Inlove na si biek hahahahaha." asar ko pa hahaha
"Makauwi na nga lang. Tita uuwi na po ako baka mahawa pa ako ng kapangitan ni moira." paalam niya kay mama
"Naku kayo talagang dalawa kayo walang araw na hindi kayo nag asaran ni ate moira mo." rinig na sabi pa ni mama pero hindi ko na narinig sumagot si sean baka nakauwi na sakanila. Napangiti nalang ako dahil totoo naman talaga yon masarap talagang asarin si sean kahit ako minsan ang talo.
continue...
BINABASA MO ANG
My 10 Year Gap Boyfriend (short story)
Historia Corta"If I give up on you I give up on me If we fight what's true, will we ever be Even God himself and the faith I knew Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you..." (Completed) •Tagalog •Romance