Moira pov
"Oh moira bakit naririnig kong sumisigaw si sean inasar mo na naman ano." bintang ni mama kahit totoo naman haha
"Wala ma nagkaasaran lang kami hahahaha."
"Oh e ano ba yang hawak mo?" tanong ni mama kaya naalala kong may inabot pala sakin si sean kanina
"Ah binigay ni sean bago siya umalis."
"Ano ba yan?" tanong pa ulet ni mama
"Chocolates tapos yung ginawa naming papel." yung papel na ginagawa namin na love letter para sa taong gusto niya
"Anong papel?"
"Ah wala toh ma yung nilalaro lang namin sige ma akyat na ako sa taas." palusot ko nalang
"Kayo talagang mga bata kayo osige na at may gagawin pa ako."
Umakyat na ako sa taas dahil nangako ako kay sean na sikreto lang namin ito tungkol sa kanyang nagugustuhan na ako pala ang tinutukoy nya. Naaawa ako sakanya dahil alam kong nasasaktan siya ngayon lalo nalaman pa niyang may balak akong sagutin si dan. Alam kong masasaktan siya pero sa tingin ko puppy love lang tong nararamdaman niya sakin. Hiling ko nalang sana na lumipas din at mawala rin ang nararamdaman niya para sakin dahil isa pa mas matanda ako sakanya at parang kapatid ko narin siya. Binasa ko yung mga nasa papel na isunulat ko at itinuro ko sa kanya na kinopya niya nakita kong may mga pangalan ko doon na nakalagay kaya tiyak ko na akin talaga yon. Hahayaan ko nalang ang nararamdaman niya at irerespeto narin.
Next few days...
Pagkaraan ng araw hindi na pumupunta saamin si sean at kapag pupunta naman ako sakanila ay umiiwas siya o kaya ay nagtutulogtulugan siya kaya hindi ko rin siya makausap tungkol doon sa love letter at chocolates. Pati rin si mama ay nagtataka na kung bakit hindi manlang pumunta si sean sa bahay samantala dati ay halos doon na tumira sa bahay namin. Hindi ko rin naman masabi kay mama ang tungkol doon sa letter dahil nga nangako ako kat sean na sa amin lang dalawa ang tungkol doon. Sinagot ko na rin si dan at wala pa akong balak sabihin kay sean dahil alam kong masasaktan talaga siya. Naging maayos naman ang relasyon naming dalawa ni dan ngunit kahit ganon ay hindi ko magawang maging masaya ng buo dahil alam kong may nasasaktan akong tao at hindi lang basta tao dahil parang kapatid ko narin iyon. Lumipas ang mga araw, linggo ay hindi nagpupunta sa bahay si sean at kahit pumunta pa ako sa bahay niya ay hindi ko naman siya nahaharap kaya hinayaan ko nalang muna siya dahil baka kapag lumipas pa ang mga araw ay makalimutan at mawala na rin yung pagkagusto niya sakin kaya pinapabayaan ko nalang kahit takang taka na talaga si mama ang sabi pa ni mama sakin ay baka daw inasar ko na naman daw kaya hindi pumupunta na dito sa bahay. Sinasabi ko nalang na baka busy sa school o dikaya sa pag lalaro niya dahil kahit matured na siya mag isip ay hindi parin niya talaga maiiwasan ang mga ginagawa ng mga bata na mag lalaro ang inaatupag. Sa totoo lang namimiss ko yung bata yon nung mga asaran namin pero gaya nga ng sinabi hinayaan ko nalang siya..
continue...
BINABASA MO ANG
My 10 Year Gap Boyfriend (short story)
Historia Corta"If I give up on you I give up on me If we fight what's true, will we ever be Even God himself and the faith I knew Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you..." (Completed) •Tagalog •Romance