Third person pov
Ang akala ni moira ay siya ang mababangga ngunit nagkamali siya hindi niya inaasahan na may tutulak sakanya palayo sa sasakyan upang hindi siya mabunggo. Nang makabawi sa pagkagulat si moira ay tiningnan niya kung sino ang nagligtas at tumulak sakanya pero ganon nalang ang pagkapako niya sa kanyang kinauupuan at sunod sunod na nagpatakan ang kanyang luha ng makita niyang ang batang si sean na naliligo sa sarili niya dugo.
Ang batang si sean pala ang tumulak sakanya upang hindi siya mabunggo, nang makabawi siya sa pagkagulat ay humingi agad siya ng tulong para mapadala sa hospital agad si sean at dahil nga nasa malapit lang sila sa hospital ay nadala agad at narescue si sean. Sumunod agad si moira sa loob na sunod sunod parin ang patak ng luha kanyang luha at ayaw tumigil. Sasama sana siya sa loob ng operating room ngunit pinigilan siya ng mga doctor kaya wala na siyang nagawa kundi ang maghintay sa labas tinawagan na rin niya ang tita niya mama ni sean at sinabing nandito sa hospital si sean.
Dumating na ang mama ni sean ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas ang doctor na nag oopera kay sean. Makalipas ang isang oras mahigit ay lumabas na ang doctor ang doctor kaya napatayo sila sa kanilang inuupuan.
"Doc kamusta na po ang anak ko?" tanong ng mama ni sean
"Maayos na naman siya sa ngayon pero kailangan parin namin siyang imonitor oras oras, ipapalipat ko na siya sa kanyang room pwede niyo siya tignan kapag nakalipat na. Sige po mauuna na po ako." sabi ng doctor
"Salamat doc." sabay na sabi ni moira at ina sean
Nailipat na si sean sa private room, nasa loob narin sila moira ng room at hindi parin nagigising si sean. Kinwento narin ni moira sa ina ni sean kung anong nangyari kanina.
"Magpahinga ka na muna moira alam kong pagod ka pa sa trabaho mo."
"Hindi po magbabantay po muna ako. Patawad po talaga tita kung hindi dahil sakin wala po jaan si sean ako po talaga dapat ang nanjaan ngayon."
"Alam mo bang lagi saming sinasabi ni sean na mahal ka daw niya, kaya sigurado akong mas malulungkot si sean kapag ikaw ang nanjaan at hindi siya." sabi ng ina ni sean kaya mas napaiyak na naman si moira dahil sa narinig dahil totoo ngang mahal siya ni sean.
"Ma'am kailangan po itong bilhing gamot ngayon." sabi ng nurse na kakapasok lang kaya tumayo at nagpaalam ang ina ni sean upang bumili ng gamot sa labas at naiwan naman si moira sa loob.
"Huy biek *sniff* gumising ka na naman jan oh, lagi mo nalang ako nililigtas hindi ka naman super hero."
"Please naman biek gumising kana *siniff* ililibre kita kapag gumising kana jan *sniff* kahit anong gusto mo gumising ka lang."
"Kapag nakalabas ka na dito igagala kita lalabas tayo kaya please *sniff* gumising kana." kausap ni moira kahit hindi siya nito naririnig
"Mahal kita" amin niya sa batang nakahiga sa hospital bed
"Gumis.." hindi na niya naituloy sapagkat biglang nagsalita si sean at dahan dahang nagmulat.
"Narinig ko yon moira, mahal mo ko."
"Uy sean gising kana thanks god." sabi ni moira at hindi binigyan pansin ang sinabi ni sean, laking tuwa niya ng makitang gising na ito.
"Mahal kita moira totoong mahal kita." pag aamin ni sean sa nararamdaman niya at kahit bata pa sya tiyak niyang mahal talaga niya ang dalaga
"Ssshh wag ka munang magsalita kaka opera mo lang." paalaa ni moira
"Moira kapag ako nawala pangako mo sakin na pipili ka ng taong hindi ka sasaktan." bilin ng batang si sean sakanya.
BINABASA MO ANG
My 10 Year Gap Boyfriend (short story)
Short Story"If I give up on you I give up on me If we fight what's true, will we ever be Even God himself and the faith I knew Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you..." (Completed) •Tagalog •Romance