Kabanata 22

22.6K 674 114
                                    

Kabanata 22

Maraming nagsasabi na kung nagsimula daw kayo sa pagkakamali ay mananatiling mali at malungkot ang buhay. Ngunit tama nga kaya sila?

Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang utak ko ba na nagsasabi na huwag kong hahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kaniya o ang puso ko na ipinagsisigawan na sundin ko ang itinitibok nito?

Ano nga ba? Nahuhulog na ako sa kaniya at hindi ko alam kung makakabuti ba ito sa akin. Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito?

Ang isip at puso ko ay gulong gulo na.

Kaya kong ibigay ang buong puso ko kay Ròisìn ngunit paano nga ba siya? Kaya niya din ba? Ganoon din ba siya?

Ako nga lang ba kung saka sakali? Alam kong playboy siya at nangangamba ako na baka lokohin niya ako.

Babae lang ako at natural na sa amin ang mag-isip ng mga negatibong bagay.

I'm not difficult, I want to make sure that he's earnest and willing to change for me so that I can give him my whole heart without any hesitation. When Edraly loves... I love hard.

"It's been a month, I think we should go out." Wika niya habang ipinupukol niya sa akin ang tingin niya.

Napaayos ako sa pagkakaupo ko sa sofa. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at itinuon ko ito sa bukas na tv.

Napatulala pala ako sa kaniya.

"Tinatamad ako." Hindi sumasang-ayon na wika ko.

"Mas maganda sa buntis ang laging naglalakad. Huwag kang maging tamad, Honey Bunch." sabi niya at narinig ko ang may kasiyahan na tawa niya.

Imbis na mainis ay tago akong napangisi.

Lumayo ako sa kaniya at isinandal ko ang aking likod sa armrest ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata at pagkatapos ay humikab ako.

"Inaantok ako." Mahina kong sagot.

Naramdaman ko ang paggalaw niya kaya napamulat ang isa kong mata. Nasilip ko ang ginawa niyang paglapit sa akin. Kinuha niya ang kaliwa kong kamay at hinawakan niya ito kaya napamulat na ang kaliwa kong mata.

"Pwede kang matulog sa byahe." Suhestiyon niya. May malawak na ngiti sa kaniyang mukha na ikina-ngiwi ko.

"Ayoko nga."

Ang aking pagngiwi ay naglaho nang makita ko ang sunod niyang ginawa. Ang mga mata niya ay mas lalong naningkit at ang kaniyang labi ay bahagyang ngumuso. Ipinagdaop niya ang kaniyang mga kamay na parang nagdadasal.

"Let's date, please."

Nagpapa-cute talaga siya sa akin?

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa ngiti na sumisilay sa mukha ko ngunit agad ko din itong itinigil. Ginawa kong seryoso ang aking ekspresyon ng mukha.

"Date?" Patanong na paninigurado ko.

Tumango siya sa akin. Ang kaniyang nagpapa-cute na ekspresyon ay naglaho na at napalitan ito ng malawak na ngiti.

Anong nangyayari sa kaniya at sa isang buwan na lumipas ay parang nagiging kamukha at kaugali na niya si Pulang bubuyog na laging masaya.

Halos mapuknat na ang kaniyang mga labi dahil sa kakangiti.

"Oo. Date. Kakain sa labas at mamasyal."

"Minsan lang ako maging free. Sulitin na natin." pagpapatuloy na yaya niya.

Umiwas ako sa kaniya ng tingin at inilipat ko ulit ito sa telebisyon. Saktong commercial na naman, hindi na ako nakapag-focus sa pinapanood dahil pilit kong itinatago ang kilig na aking nararamdaman.

The Billionaire's Dauntless SpouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon