Kabanata 10

27.1K 801 128
                                    

Kabanata 10

I'm enjoying my own company while window shopping at the little Seaside Shops. Being alone is what I like. Minsan tuwing nalulungkot ay mas mabuting mapag-isa muna para makapag-isip isip.

Maganda ang mga beach resorts dito. For me, Palawan is the best Island in the Philippines. There are a lot of beautiful places here. Some places are quaint and fun to explore. If you want to unwind by yourself, you can do that here.

Nakatambay ako kanina sa dalampasigan ngunit nang dumami ang mga tao sa paligid ko ay napagpasyahan ko kanina na maglakadlakad.

Pumunta ako sa tagong bahagi ng resort at doon ko lang nalaman na may mga kabahayan pala doon. In the side of the seashore, there's a bunch of little stores set up along the beach.

May mga souvenirs, t-shirts, at pagkain kang makikita. May ilan ding mga seashells na decorations ang ipinagbebenta.

Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Kakaunti ang mga tao, siguro ay hindi rin alam ng iba na may mga stores din dito. Akala nila siguro ay nasa unahan lang ng beach resort ang mga souvenirs shop.

Napatigil ako sa paglalakad at pagsulyap sa mga store nang may nakita akong isang Antique shop. Pinuntahan ko ito at tiningnan ko ang mga gamit sa loob ng maliit na shop.

It's supposed to be a wonderful day, but it turns out the opposite. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pero nagulat pa rin ako dahil paglabas ko ng Antique Shop ay bumungad agad sa akin si Ròisìn.

"Edraly, Bakit ka umalis at iniwan ako kahapon?" nakakunot ang noo niya habang itinatanong iyon sa akin.

"Akala ko ba ay lulubayan mo na ako?" tanong ko sa kaniya pabalik. Kung nakakunot ang noo niya ay ganoon din ako.

"Bakit gan'yan ka?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

Nilampasan ko siya at naglakad ako palayo sa kaniya ngunit hindi naman niya ako tinantanan. Tulad ng laging nangyayari ay para siyang unggoy na laging nakasunod sa akin. Parang ako si Dora, laging kasama ang unggoy niyang kaibigan na si Boots.

"Anong pinagsasabi mo?" walang pakialam na tanong ko sa kaniya.

Itinatanong niya kung bakit ako ganito? Hindi ko siya maintindihan kung anong ibig sabihin ng tanong niya. Pakiramdam ko ay naging tanga ako sa tanong niyang iyon.

"Bakit gan'yan ka, Edraly? I'm handsome. Nasa akin na ang lahat. Sa'yo ko lagi ibinibigay ang atensyon ko. Lagi kitang hinahabol at sinusuyo. Why don't you like me? May kulang pa ba sa akin?" wika niya na may halong panlulumo.

Itinigil ko ang paghakbang ko. Pumihit ako patalikod upang makita ang kaniyang mukha. Then I noticed that he's serious. This is all new to me. He looks like he's frustrated, and about to cry.

Ah, ngayon ko lang napagtanto ang ibig sabihin ng tanong niya.... Bakit ako ganito, ipinagtatabuyan at iniiwasan siya?

Humugot ako nang malalim na paghinga dahil may naramdaman akong awa. Umaarte lang siya ngunit bakit nadadala ako?

His eyes were expressive.

"Other girls are dying just to get my attention, but you easily get it without any hardships. Ibinigay ko sa'yo ang atensyon ko na walang pag-aalinlangan pero lagi mo na lang akong iniiwasan at ipinagtabuyan." madamdamin niyang sabi sa akin.

Pilit kong isinantabi ang konting awa sa kaniya.

Inis akong napapikit at pagkatapos ay nagmura ako sa aking isip. Bakit sa sinabi niya ay parang sinisisi niya pa ako? So what If I'm not like the other girls? Hindi ako sila kaya hindi ako naghahabol. Siya din naman ang may kasalanan, bakit pa ba siya habol ng habol sa akin? Ang problema ko lang ay maganda ako.

The Billionaire's Dauntless SpouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon