Kabanata 33

19.9K 528 63
                                    

Warning: Ang kabanata na ito ay may sensitibo na paksa. Read at your own risk po.


Kabanata 33

"Naging masama ba akong tao para parusahan ako ng ganito?" tanong ko sa sariling repleksyon.

Hindi ko na makita ang dating ako. Tanging repleksyon ng isang nagdudusang babae ang nakikita ko.

"Isa lang naman ang hiling ko sa'yo eh!" Lumuluhang sabi ko.

Tumingin ako sa itaas at pinagkatitigan ang kisame. I know that he's listening! Alam niya ang lahat ng nangyayari sa mundo!

"Isa lang naman....ngunit bakit hindi mo... maibigay!" Sambit ko sa bawat paghikbi.

Tila may bumara sa aking lalamunan dahil sa paghikbi. "Ang daya daya mo! Wala akong ginawa kundi maging isang mabuting tao ngunit wala kang ginawa kundi ang pahirapan ako sa buhay ko!"

"Pamula noong magkaisip ako, wala akong hiniling kundi ang magkaroon ng masayang pamilya! Iyon lang ang hiling ko pero bakit hindi mo maibigay!" May paninisi na salita ko.

"Bakit hindi mo ibigay sa akin....bakit?"

Tumingin ako sa salamin. Pinagkatitigan ko ang sarili kong punong puno ng luha.

I'm a pathetic and lonely woman. Hindi ko ba deserve na sumaya man lang?

Sunod sunod na bumagsak pa ang mga luha sa mga mata ko.

"Pagmamahal lang... pakiusap. Bigyan mo ako ng taong magmamahal sa akin ng lubos at walang hanggan." Nakikiusap na sabi ko.

"Ibinibigay mo sa akin si Ròisìn....pinasaya mo ako dahil akala ko ay mayroon ng tao na magmamahal sa akin."

Napakuyom ang kamay ko habang nakahawak sa laylayan ng bestida ko. "Mali pala ako! Panandalian lang pala ang lahat! Akala ko ay habang buhay na akong magiging masaya! Akala ko ay magkakaroon na ako ng masayang pamilya!"

Isinubsob ko ang aking mukha sa ibabaw ng vanity table. "Pinaasa mo ako! Inalis mo na nga si Ròisìn sa buhay ko tapos hindi ka pa nakuntento at pati ang anak ko ay kinuha mo din!"

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang paghikbi. "Sobrang sakit na mawalan ng asawa pero mas double ang sakit na mawalan ng anak!"

Umayos ako nang pagkakaupo at pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. Ngunit hindi pa rin napalis ang sakit sa aking puso. Ang mga luha ay patuloy pa din na umaagos. Walang tigil. Hindi ko mapigilan.

"Ayos na sa akin kung hindi man para sa akin si Ròisìn! Sapat na sa akin na kaming dalawa na lang ng anak ko!"

"Kinuha mo pa rin siya.....ubos na ubos na ako. Walang wala ng natira sa akin."

"Alam mo bang sobra akong pinapatay ng sakit?" tanong ko sa Diyos.

Alam kong masama ang kwestyunin at sumbatan siya. Hindi ko na kaya ang sakit at gusto ko nang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko!

"Ang bigat bigat ng puso ko! Ang sakit sakit na halos hindi na ako mapakali sa isang tabi dahil sa nararamdaman ko! Ayoko na! Sawang sawa na akong masaktan! Kotang kota na ako sa sakit pamula noong bata pa ako! Sawang sawa na din akong mabuhay pa." Ibinaba ko ang mga kamay ko. Hindi ko na pinunasan pa ang mga luha ko.

Mga hagulhol ang lumabas sa aking nangangatal na bibig. I stared at my reflection. I'm suffering. Sobra sobra na....

"You deserve peace." Pagkakausap ko sa salamin.

I smiled weakly. "Iyong walang sakit at pighati. Walang iniisip na iba kundi ang pagpapahinga. Gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod na akong umiyak."

The Billionaire's Dauntless SpouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon